Nang imulat niya ang mata niya ay agad nanlaki ang mata niyang nakatingin sakin..

"A-Anong ginagawa mo?" may halong inis niyang sabi

"W-Wala..Ginigising ka." sambit ko

"Ginigising mo ako ng ganito ka lapit ang mukha mo sakin?" sarcastic niyang sabi

"Hindi naman ganito ka lapit ang mukha ko sayo kung hindi mo hinawakan ang batok ko eh.." malamig ko ring sabi

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sagutin siya ng ganito..

Basta ang alam ko lang..Nasaktan ako.

Kasi hindi ako ang mahal niya sa mga oras na toh..

"Tsk!.Lumayo ka nga!" aniya at tinulak ako

Napa atras naman ako dahil sa ginawa niya..

Tiningnan ko lang siya ng mabuti habang nagsismula na namang uminom.

"Troy.." tawag ko sa kanya

"Ano na naman?" inis niyang sabi

"G-Gusto ko lang sana tawagan ang mga b-bata.." 

"Tsk!.Mga bata?.O yung lalaki mo?"

"Ano ka bah naman Troy!.Mag iisang buwan ko ng hindi nakaka usap ang mga anak ko dahil lang diyan sa pangbibintang mo saking may lalaki ako!" 

"Bakit , totoo naman ah..Kung gusto mo silang maka usap , aminin mo munang may lalaki ka."

"Sabing wala nga eh!.Pagod na pagod na ako sa pagpapaliwanag na wala nga akong lalaki!..Gusto ko ng maka usap ang mga a-anak ko." naramdaman ko na naman ang mainit kong luha na pumatak sa pisngi ko

"Iiyak ka na naman?.Kahit umiyak ka sa harap ko , hindi ko papayag na maka usap mo ang mga anak mo hanggat hindi mo inaaming may lalaki ka..Mag dusa ka." aniya at uminom ulit

Dahil sa galit ko ay tinabig ko ang alak na iniinom niya dahilan ng nabitaw niya ito at natapon.

Kitang kita sa mata niya ang galit dahil sa ginawa ko..

Napa atras nalang ako nang bigla siyang tumayo at humakbang papalapit sakin..

"T-Troy..S-Sorry--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya na akong sinugod at sinakal

"Sorry?!.Ano bah talagang gusto mong mangyari , gusto mo talagang masaktan noh!" sigaw niya

Napahawak naman ako sa kamay niya dahil nanghihina na ako at hindi na makahinga.

"T-Troy..H-Hindi ako maka h-hinga.." nahihirapan kong sabi

"Wala akong paki!" sigaw niya rin at mas hinigpitan pa

Napapikit nalang ako dahil hindi ko alam kung makakahinga pa bah ako..

"S-Sir!." biglang sigaw ng kasambahay

"S-Sir bitawan niyo po si ma'am Kyla!" sigaw pa nung isa

Agad naman silang tiningnan ni Troy.

"Wag kayong makialam dito!" sigaw nito

"T-Troy..M-Maawa ka sa baby.." umiiyak kong sabi

Napatingin naman siya sa tiyan ko..

Ilang saglit siyang napatitig dun bago lumuwag ang pagkakasakal sakin hanggang sa bumitaw na siya..

Tinalikuran niya ako at aalis na sana pero agad ko siyang pinigilan..Hinawakan ko ang braso niya.

Kailangan kong maka usap ang mga anak ko..

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now