Chapter 18

2.9K 134 7
                                    

Karma Isaac Galvez

Hinawakan ko ang kamay niya at inalis ang pagkakahawak niya sa laylayan ng damit ko. "Hindi mo kailangan gawin 'to, Migo." ngumiti ako sa kanya.

"Pero..."

"You should go to sleep. Goodnight." bago pa siya makapag-salita ulit, tumalikod na ako at lumabas sa kwarto. Doon ko lang napansin na kanina pa pala nanlalamig ang kamay ko.

Umiling ako bago nag pakawala ng malalim na buntong hininga. Ginagawa ko 'to para saming dalawa. Pero bakit pakiramdam ko may kulang pa rin?

Bagsak ang dalawang balikat ko nang bumalik ako sa kwarto. Hindi ko na rin inabala ang sarili ko para basahin ang reply ni Alex. Naligo lang ako at pag tapos non, nag padala na ako sa agos ng pinaghalong pagod at antok.

Kinabukasan, naging buo na ang desisyon ko na masolo si Migo ngayong araw. Kaya nilapitan ko si Tita para magpaalam.

"Babalik ho kami bago dumilim."

"Sige. Basta tandaan mo ang binilin ko. Wag mong ipapahamak si Migo." pag tapos niyang sabihin yon ay sumeryoso kami pareho.

"Makakaasa ka, Tita." buong loob kong sagot pero hindi nag bago ang ekspresyon na pinapakita niya.

"Karma, pwede mo ba ipangako sakin na lalayuan mo muna si Migo pag tapos ng araw na 'to?" nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Nag pangap akong hindi apektado.

"Sige po, Tita."

Migo Lazaro

Fragments of memories started flashing again through my dream.

Isang bata ang nakatayo sa harap ng isang lapida. Malabo siya sa paningin ko pero malinaw kong naririnig ang mga hikbi at hagulgol niya.

Hindi nag tagal ay biglang nabago ang lugar at napunta ako sa isang school.

Naroon na naman ang bata. Sino siya? Bakit siya nagpapakita sa panaginip ko?

Boses... panibagong boses ang narinig ko.

"Na... naaalala mo pa ba ako?"

"Oo. Ikaw ang may gawa sakin nito."

"Wala akong kinalaman. Maniwala ka, si Dad- siya ang may kasalanan ng lahat!" sinubukan lapitan ng mas matangkad na bata ang batang umiiyak.

"Umalis ka na. Layuan mo na ko."

Rumehistro ang lungkot sa mukha ng matangkad na bata. "Bakit ba kailangan mangyari satin 'to? Kung kelan nagugustuhan na kita... bakit ngayon pa?"

"Nag sinungaling ako. Hindi ikaw ang gusto ko. Hindi ikaw!"

Humihingal akong napabalikwas sa kama habang sapo ang dibdib ko. Pawis na pawis ako at nanlalabo rin ang mata. Binangungot ba ako? Anong klaseng panaginip 'yon?

Nilingon ko ang orasan sa gilid ng kama ko at doon ko napagtanto na magtatanghali na pala. Dali akong bumangon para maligo at mag bihis bago bumaba para kumain ng almusal.

Naabutan ko doon si Karma na umiinom ng kape. Naalala ko tuloy bigla yung nangyari kagabi kaya hindi ko naiwasang pamulahan ng tenga. Bakit ko ba biglang naalala 'yon?

Umangat ang tingin niya sa akin at sumilay agad ang ngiti sa labi niya. "Good morning, Migz." bati niya.

Lumapit naman ako at tumabi sa kanya. "Good morning." nahihiya kong sambit.

"By the way, your Mom went to the supermarket to buy some groceries." hindi pa rin ako nag salita.

"Bilisan mo kumain, may pupuntahan tayo." dagdag niya kaya doon na ako hindi nakapigil mag angat ng tingin sa kanya. Saan kami pupunta?

"Saan?"

"It's a surprise." ginulo niya ang buhok ko bago niya ako iniwang nakatulala. Makalipas ang ilang minuto, doon lang ulit nag function ang sistema ko. Binilisan ko ang pag ubos sa pagkain ko bago ako bumalik sa kwarto para mag palit ng damit.

-

"Saan ba tayo pupunta? Tsaka saan mo nakuha ang kotseng 'to? Ninakaw mo?" sabi ko habang sinusuri ang loob ng kotse.

Kanina laking gulat ko ng may naka park na mamahaling kotse sa labas ng bahay namin. Turn out na si Karma pala ang may-ari.

"I told you, it's mine." sabay ismid niya. Hindi na lang ulit ako nag salita at hinayaan na lang siyang mag maneho. Kung saan kami pupunta? Yun ang hindi ko alam.

Lumipas ang ilang oras na walang imikan, narating din namin ang destinasyon. Dinala ako ni Karma sa isang malawak na garden. Hindi lang basta-bastang garden dahil may entrance fee yon. Syempre dahil wala naman akong perang dala, si Karma ang nanlibre.

Samu't saring mga bulaklak at halaman agad ang makikita sa unang pasok mo pa lang. Pwede naman daw pumitas ng bulaklak pero bawal umabuso dahil may bayad pa rin yon.

Lumanghap ako ng hangin. "Ah! Ang ganda dito!" ini-spread ko ang kamay ko sa ere habang umiikot. Paano kaya nalaman ni Karma ang lugar na 'to?

Hindi ganitong lugar yung na-imagine kong pupuntahan namin. Lalo na si Karma ang pinag-uusapan natin dito.

"You like it?" naramdaman kong lumapit sa akin si Karma. Agad akong tumango. "Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" sa halip na sagutin ang tanong ko ay ngumiti lang siya ng matamis.

"Here... red rose for you." inabot niya sakin bigla yung isang tangkay ng rosas. "P...para saan yan? Alam mo bang bawal pumitas ng bulaklak? Wala akong pang bayad dyan." nagpa-panic kong sabi. Pano na lang kung di na ako paalisin dito dahil wala akong pang bayad?

Narinig kong tumawa si Karma kaya napakunot ang noo ko. "I can even buy this whole land exclusive for you, Migo. Just... take this one." muli niyang inabot yung rose kaya napilitan na lang akong tangapin yon.

Hambog talaga eh.

"Salamat." inamoy ko yung rose at napangiti sa sarili. Ang bango...

"Migo?" umangat ang tingin ko kay Karma.

"Bakit?" seryoso siyang nakatitig sa mata ko at pakiramdan ko may gusto siyang sabihin. Nag simulang kumabog ang puso ko.

"Are you happy right now?" kahit naguguluhan ay tumango ako.

"Do you like being with me?" nag init ang mukha ko. "Yes." walang pag dadalawang isip kong sagot.

"Then... if I ask you this, do you think there is a chance that you will like me back?" nag init agad ang mukha ko. "Karma, bakit mo ba ako tinatanong ng gan-"

"Sagutin mo na lang, please."

Humugot muna ako ng buntong hininga. Binalikan ko yung unang beses naming paghaharap. Hindi naging maganda ang unang impression ko sa kanya pero habang tumatagal... habang tumatagal mas nagiging espesyal siya sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano at kailan nag simula pero pakiramdam ko... nagugustuhan ko na rin siya.

"Migo, bakit ka umiiyak?" nagulat ako sa boses ni Karma. Agad kong pinahid ang luha na tumulo sa pisngi ko. Ano 'to? Bakit ako umiiyak?

Naramdaman ko siyang yumakap sakin. "Hindi mo na kailangan sagutin yung tanong ko. Wag ka ng umiyak... as long as you're happy being with me, I'm fine with that." niyakap ko siya pabalik habang pilit na sumisiksik sa kanya.

Mali ka.

Gusto rin kita, Karma.

Pero bawal 'tong nararamdaman ko.

A/N: Hi guys! I just want to say thank you to those readers out there who keep on supporting His Obsession. I really do appreciate you guys. Umabot na sa 4k yung reads at malaking achievement na yun para sakin (54k reads na siya ngayon woot woot!) 🎉

P.S

Don't forget to comment so I will know what else I should improve. Thank you!

His Obsession [BL]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu