Chapter 17

3.4K 158 10
                                    

Author's note:

Hi! Gusto ko lang ipaalam na hindi ako makakapag-update agad pag tapos ko i-publish 'tong chapter na 'to. Hindi ko pa kasi nasisimulang i-edit yung natitirang chapters. Kaya sa ngayon, eto muna yung pang bawi ko. Enjoy reading. Keep safe everyone!

Migo Lazaro

"Bakit mag isa ka lang?"

"Lance said he have some plans this morning. But he might catch up on us later." umiwas ng tingin si Alex bago niya inabot sakin ang isang paper bag. Ano 'to...?

"Ano 'to?" sisilipin ko na sana ang laman non pero pinigilan ako ni Alex. "Kung ako sayo, 'di ko sisilipin yan! Collection ko yan ng BL manga. Pwede bang dito muna sila sayo? Natatakot kasi ako na baka makita ni Mommy sa kwarto ko yan." I deadpanned.

Kung natatakot ka palang mahuli, bakit hindi mo tigilan ang pangongolekta ng mga ganito? Hays.

"Tara, pasok ka."

"Thank you, Migz! Asan nga pala si Tita?" nilibot niya ang tingin niya sa paligid habang hinuhubad niya ang sapatos niya.

"Ang sabi niya may lakad siya ngayon. Hindi ko alam kung bakit biglang nag iba ang kinikilos ni Nanay simula pa kahapon na dumating siya galing probinsiya." nag-aalala ako sa kanya dahil ang huling beses na nakita ko siyang ganon ay noong nalaman namin na wala na si Tatay.

"Don't worry, Migz. Talk to her pag nakauwi na siya. Mag usap kayo gaya ng dati. Hindi ka rin naman matitiis ni Tita." napangiti ako habang tumatango. Tama si Alex, hindi ako matitiis ni Nanay.

"Alex, mauna ka na sa kwarto ko. Gagawa muna ako ng miryenda."

"Okay!" sumisipol siyang umakyat sa taas kaya napailing ako habang nangingiti.

Dalawang oras ang lumipas at patuloy pa rin na umaandar ang oras. Seryoso kami pareho ni Alex sa pagre-review para sa parating na midterm examination. Alex is really good at Math that's why I like keeping her around. But sometimes...

"It was approved by Gloria Macapagal Arroyo not Ferdinand Marcos!" sabay palo ko sa ulo niya ng nirolyong papel.

"Migz, this is hard core! Alam mong history ang pinakaayaw ko sa lahat ng subject!" pinalo ko ulit sa kanya ang rolyong papel. "I'm just giving back the treatment you gave to me when I was in your shoes earlier." umismid ako at muli kong pinakabisado sa kanya ang mga pangalan at dates sa revolution of NSTP.

Natapos kami ng saktong alas kwatro ng hapon at saktong kadarating lang din ni Karma mula sa lakad niya.

"You're done?" napaatras ako ng bigla niyang haplusin ang pisngi ko. Nilingon ko agad si Alex kung nakita niya pero buti na lang hindi pa siya tapos sa pagsusuot ng sapatos.

"Kainis na Lance 'yon, hindi talaga marunong tumupad sa usapan!" patuloy na pagtatampo ni Alex.

"She's going home alone?" napatingin ako kay Karma nang bigla siyang mag tanong.

"Oo, hindi kasi pumunta si Lance eh. Tapos ako maghahanda pa ng pagkain." bulong ko sa kanya.

"But it's already dark outside. Should I walk her home?" biglang presinta ni Karma bago tumingin sakin. Natawa na lang ako sa isip ko kasi ang awkward ng pagkakatanong niya. Nasa harap naman namin si Alex, bakit sakin pa siya nag papaalam?

"Nah, I can manage! Mauna na ako, Migz. Thank you ulit!" mukhang narinig naman ni Alex yung pinag-uusapan namin kaya agad siyang lumapit samin para mag paalam at yakapin ako.

"Sige, tumawag ka pag nakauwi ka na ah? Ingat!" paalam ko pabalik.

Pag sara ng pinto, katahimikan ang sunod na pumagitan saming dalawa ni Karma.

His Obsession [BL]Where stories live. Discover now