Chapter 3

7K 278 17
                                    

Migo Lazaro

Tinapunan ako ng kakaibang tingin ni Karma ng dumaan siya mismo sa harapan ko. Hindi ko alam kung nananadya ba ang hambog na ‘to pero nabadtrip ako sa ginawa niya.



"Alex, bakit mag kasabay kayo pumasok ni Karma?" parang biglang lumaki ang tenga ko at palihim na pinakinggan ang pag-uusap nila Andrei. Tangina curious din ako. Baka mamaya pinagkalat na ng kumag na ‘yon ang nangyari noong isang araw. Pag nagkataon, hindi na talaga siya masisikatan ng araw.



"Nagkataon lang na nag kasabay kami sa hallway. Tabi nga d'yan." marahas na hinawi ni Alex si Andrei na paharang-harang sa daan bago niya tahimik na tinungo ang upuan niya. Katulad ng nakasanayan, nilabas niya ang pinakamamahal niyang libro at nag suot ng earphone para walang makaabala sa pagbabasa niya.



Si Alex ang nag-iisang babae sa barkada namin pero kagaya ni Karma, mahirap din siya pakisamahan para sa ibang tao. Tuwing may group project o kahit anong aktibidad na kailangan ng kapareha, hindi siya pumapayag na hindi isa samin ang maging kagrupo niya. At dahil siya lang ang nag-iisang maria sa amin, madalas namin siyang hindi maintindihan. May mga pagkakataon na tuwing nagtatalo kami, siya palagi ang tama. Wala, babae eh.




"Good morning, my beloved students!" biglang pumasok ang class adviser namin kaya bumalik na ako sa upuan ko. "Good morning, Ms. Peach." bati din namin pabalik sa kanya.



Malawak ang mga ngiti niya kaya medyo kinabahan ako. Sa ginawang kagaguhan sa kanya ni Andrei kahapon, hindi malabong bigyan niya kami ng pahirap ngayon.



"Today, we will have a surprise recitation! Yay!" parang batang pumalakpak siya sa harapan pero walang pumansin sa kanya. Sino ba naman ang matutuwa sa bungad niya? kakapasok ko pa nga lang, recitation agad.



Samu't saring violent reaction ang umalingawngaw sa buong classroom. 
Lahat sila ay may kanya-kanyang reklamo.



"Wala nga kaming naintindihan sa mga tinuro mo kahapon eh!"


"Boo!"


"Ano ba yan puro recitation na lang ba? Nagturo ka pa!"



"Wala na akong natututunan sayo!"


"Si Andrei na lang ang mag recite para samin!"


"Away o gulo?!" sigaw pabalik ni Andrei dun sa huling nag reklamo na agad din naman natahimik.



Napahugot ako ng malalim na buntong hininga. Ano pa at napasok ang mga ‘to sa section A kung puro magrereklamo lang sila sa mga ipapagawa ng teacher?




"Mag simula na tayo Ms. Peach. Wag niyo ng pakingan ang nirereklamo ng mga inutil na ‘to dahil wala tayong matatapos dito." ako na ang tumayo para patahimikin ang mga nagkakagulo kong kamag-aral. Pero ang mga hayop, mas nilakasan pa ang pagrereklamo.



"Migo's right. Let's get this recitation over." matapos suportahan ni Lance ang sinabi ko, sumunod si Andrei at Alex. Mga sanggang dikit ko talaga ang mga ulupong na ‘to eh. Pero gaya ng nangyari kanina, walang naging epekto ‘yon sa mga kaklase naming reklamador.



"Simulan mo na. Wag mong sayangin ang oras ko." lahat kami ay natigilan at napalingon sa likuran. Napangiwi ako ng makitang si Karma ang nag salita. Halos napasinghap ang lahat ng makitang hindi siya nag cutting class ngayon. Tsk, wala naman talagang matinong tao ang makakaintindi sa magulong sistema ni Karma.




Isa-isang natahimik ang mga kaklase namin at wala na akong narinig na reklamo pag tapos mag salita ng naghahari-harian. May pinipili talaga silang tao na rerespetuhin pero ang malala, doon pa sa hindi naman deserving.



"Ehem." biglang pekeng umubo si Ms. Peach at prenteng nag lakad sa harapan habang nagbubuklat ng libro. Mukhang siya pa ata ang hindi handa sa sinasabi niyang recitation kuno.




"Let's start with Migo." napaismid sa'kin si Andrei na agad kong binatukan. Nang-aasar pa eh.



Agad akong tumayo at nag hintay ng itatanong niya.




"What is the branch of ecology that deals with the relationship between fossil organisms and their inferred environments?"



"Paleoecology." walang hirap kong sagot. Buti na lang nag-aral ako sa bahay kahapon.


"Very well, pwede ka ng maupo. Andrei?" tawag naman niya kay kupal pag tapos kong maupo. Ginaya ko ang pang-aasar niya sakin kanina at nakatangap din ako ng malutong na batok. Hayop talaga.



"Yes, ma'am, yes!" pakitang gilas niyang tugon kay Ms. Peach.


"What is geologic time scale?"


Nag-isip ang mokong pero maya-maya lang ay lumapad ang ngiti nito. "It is the system used by scientists to relate stratigraphy and time to any geologic events."



Napangiwi si Ms. Peach dahil sa tamang sagot ni Andrei. Alam niyang hindi niya madadaan ang kumag na yan sa mga paandar niyang recitation. Hindi naman mapupunta si Andrei sa section A kung wala siyang ibubuga eh.




"Maupo ka na nga. Next, Karma!" humihikab na tumango si Karma at nag hintay ng tanong. Nakakapang-init talaga ng dugo ang pagiging mayabang niya.



"What is Radiometric dating and the four radiometric-dating methods?" what's up with the sudden rise with difficulty? ang hirap naman ata ng tanong niya kay Karma.



"Radiometric dating is another dating method achieved by determining the absolute age of a sample based on the ratio of parent material to daughter material. Therefore, knowing the rate of decay for any radioactive element could help in figuring out the absolute age of the rock. While the four radiometric-dating methods based on the estimated age of an object are potassium-argon, uranium-lead, rubidium-strontium and carbon 14 methods." lihim akong napanganga sa gilas nya. Ngayon ko lang siya nakitang mag recite kaya hindi ko naiwasan mamangha.





Merong naging usap-usapan na nag bayad ang magulang niya sa school para makapasok siya sa section A pero sa nakikita ko ngayon, parang ang hirap na maniwala sa chismis na na ‘yon. Hindi ko alam na may ibubuga din pala ang batugan na 'to.



"V-very good. Ngayon naman tumayo ka..." nag patuloy ang recitation at inaasahan ko ng makakasagot din sa tanong si Lance at Alex. Nang matapos na ang klase ni Ms. Peach ay pinayagan niya na kami lumabas para kumain.



Nag unat ako ng kamay at malakas na humikab. "Tara Lance, kain na tayo." binulsa niya muna ang cellphone niya bago tumayo at sumunod samin ni Andrei.



"Pupuntahan pa ba natin si Banri?" tanong ni Andrei.



"Huwag na, nag paalam naman siya satin na magiging abala siya sa SC nung isang linggo eh." pigil ko sa akmang pag lakad ni Andrei papunta sa SCO.


"Sabagay." sambit niya bago nag kibit ng balikat.



"Alex, let's go." pareho kaming napalingon ni Andrei kay Lance at napangiwi na lang ako ng makita kung gaano kabagal mag-ayos ng gamit si Alex. Babae nga naman.




"Alexandrea pakibilis naman ang kilos nagwawala na ang mga cobra ko sa tiyan oh!" agad namang sinamaan ng tingin ni Alex itong katabi ko. Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag siya sa buo niyang pangalan dahil naaalibadbaran daw siya sa ganon.




Padabog na tumayo si Alex kaya pati kami ni Lance ay bahagyang nagulat at napaatras. Lumakad siya palapit samin at hinila ang tenga ni Andrei palabas ng classroom. 




"A-aray aray Alex! Bitiwan mo ang tenga ko! Dahan-dahan lang!"



"Diba nagmamadali ka?" naiiling na lang akong napasunod sa dalawa pero agad din natigilan para lingunin si Lance.



"Karma, do you want to come with us?"



Ano?!


Malamig na sinalubong ni Karma ang tingin ni Lance pero ng makita niya ako ay parang biglang umamo ang mukha niya.



"Sige." sagot niya sa paanyaya ni Lance.

××××

His Obsession [BL]Where stories live. Discover now