Chapter 6

5.3K 218 7
                                    

Migo Lazaro

"Migo, I like you."



Bago pa madagdagan ni Karma ang sasabihin niya ay mabilis ko na siyang tinulak kaya napasalampak siya pabalik sa kama ko. Sinasabi ko na nga ba, nahihibang na ang isang 'to!




"Bakit mo 'ko tinulak?" mukha siyang nasaktan kahit sa malambot na bagay na siya bumagsak.




"N-nababaliw ka na! Ah, alam ko na! Siguro may hangover ka, no? Siguro nag lasing ka na naman kagabi." sino bang niloloko ko dito?




Bigla siyang sumeryoso kaya napalunok ako ng laway. "I have a high tolerance with alcohol and I don't easily get drunk." tinukod niya yung kamay niya sa kama para suportahan ang sarili. Ngayon, mas nakikita ko na ng malinaw yung pinapakita niyang emosyon.




Lunok ulit.



"Anong ibig mong sabihin?" ngayon pa lang, ayoko na sa pinatutunguhan ng pag-uusap na 'to.




Umiinit ang mukha ko sa hindi malamang dahilan at kinakabahan din ako. Anong pakiramdam 'to? Anong tawag dito?




"Now that everything turned out like this, I might as well just confess everything." then he bit his lower lip. Kung wala lang talagang itsura 'tong si Karma baka mandiri na ako.





"C-confess what?" my voice is stuttering. Kung ano man ang maririnig ko mula sa kanya, alam kong may malaking magbabago.



Madiin akong napapikit bago sinalubong ulit ang tingin niya. "Mag salita ka na." utos ko pero patuloy lang niyang pinagmasdan ang mukha ko.





"But you might end up hating me after hearing this confession." nag pakawala siya ng pilit at mapait na tawa. Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako sa biglang pagbabago ng boses niya pero kinibit-balikat ko na lang.




"Depends. But I will try to understand." I said. Pag tapos kong marinig na gusto niya ako, baka pagkakataon ko na 'to para kilalanin siya. Hindi ko masasabing interesado ako sa kanya o pareho kami ng nararamdaman but I should take this as an opportunity to know more about him.




"The truth is..." he cut his sentence midway to avoid his gazes on mine. "It's my fault. The reunion that night when we were locked up in the room. It was all my plan. I made that happen." he lowered his head as he heave a heavy sigh.




Normal guys would probably find this horrible. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? hindi ba dapat mas magalit ako kasi pinag-mukha niya akong gago? na pinaglaruan niya pala talaga ako pero ang mas sinisisi ko noong panahon na 'yon ay sarili ko.




"Bakit mo nagawa 'yon? Ano bang nagawa ko sa'yo Karma para gawin mo sa'kin yon?" kinagat ko na ang labi ko para mag pigil ng galit pero parang mas gusto ko yatang maiyak.




King ina, biglang naging madrama ang eksena namin. Wala naman sa genre ng storya ko 'yon ah.




"Dahil gusto kita. Nagawa ko lang 'yon dahil hindi na 'ko nakapag-pigil. I really like you a lot. No, fuck that. Mahal kita, Migo. At hindi ko pinagsisisihan na ginawa ko 'yo-" bigla ko siyang nasuntok sa panga. Tama na.




"Umalis ka na. Ayaw na muna kitang makita." umiwas ako ng tingin ng tumayo siya at lumakad papunta sa pintuan. Naramdaman ko pang nilingon niya ako sandali bago tuluyang umalis.




Inangat ko ang tingin ko sa ceiling para pigilan ang sarili na maiyak.

××××

His Obsession [BL]Where stories live. Discover now