Chapter 16

3.4K 157 5
                                    

Karma Isaac Galvez

"This is too much, Karms. Hinimatay lang naman si Migo, bakit kailangan humantong pa sa hospital?" Alex said who is sitting across to me. She is eyeing me while peeling an apple for herself.

Bumuntong hininga ako.

"It was just a reflex when I saw him fainted in front of me." kalmadong sagot ko.

"Para sa kaalaman mo, hinihimatay talaga si Migo tuwing nilalagnat siya. Kung tutuusin nga normal lang 'to pero masyado kang paranoid. Ayaw pa aminin, tsk."

Alexandrea is my third cousin in my father's side. That one event when we came together in the classroom was not a coincidence. Before that day, I asked Alex to talk Lance to ask me to join them at lunch. Eveything that happened after the traumatic incident for Migo was all my plan but it only leads in one intention and that is...

...to make him mine.

But the problem arises when my Dad used him against me. Kaya ngayon, kinalimutan ko na muna pansamantala ang layunin ko at pinilit ko sumunod sa gusto ni Dad. He wants me to be Kim's consort at Kudos' wedding so he ordered me to keep her in company until the big day.

"...Lance and his family are invited too. I'm worried about his reaction once he finds out about our relationship. You know how much I cherish them, right? So please, as much as possible, avoid doing something like this. And if you need my help, just text me. Don’t ever call all of a sudden, naintindihan mo?" Alex was the one to interrupt my deep thoughts. Napaangat ang tingin ko sa kanya at napahilot sa batok.

Indeed, Lance is one of Migo's friends who is very wise but problematic. Once I heard about Alex that he's getting closer with Migo while I was gone- I rushed to break them apart. The goal I only had for today was to meet Migo when I had a chance. Pero hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari kaya pati ako ay nag panic at hindi na ako nakapag-isip ng matino bago tumawag kay Alex. 

"You don't have to come, Alex. Just make sure that Dad won't gonna find out about this." I said while curving a grin on my lips but she just rolled her eyes in return before throwing me the peeled apple.

"Eat that while you wait for his conciousness to regain back. May klase pa kasi ako ng 1:30. I'll see you around, Karms." she said as she shut the door behind.

Napakagat ako sa mansanas habang pinipisil ang kamay ni Migo.

...wake up, please.

-

Migo Lazaro

Pag mulat ko ng mata saktong puting ceiling ang bumungad sa akin kaya agad akong napabangon habang yapos ang sarili ko.

Nasaan... ako?

"Bespren, gising ka na!!!" patakbong lumapit sa akin si Andrei habang hawak ang isang plastic ng prutas sa kamay niya.

"Anong ginagawa ko dito sa hospital? Sinong nagdala sa akin dito?" tanong ko. Mahihimigan sa boses ko ang pagtataka. Sa pagkakatanda ko kasi, si Karma ang huli kong kasama pero bakit wala siya dito ngayon?

"Ah! Nakita ka ni Alex kanina sa rooftop. Buti nga nakahingi siya agad ng tulong kung hindi, baka napano ka na. Ako pa malalagot kay mama pag nalaman niyang pinabayaan kita." nakangusong saad ni Andrei bago siya tumabi para padaanin si Lance.

So... hindi si Karma ang nag hatid sa akin dito?

Napayuko na lang ako habang hinihilot ang sintido ko. Ano pa bang aasahan ko sa kanya? Hanggang salita lang naman siya.

"Migo." napaangat ang tingin ko kay Lance nang tawagin niya ang pangalan ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya kumunot ang noo ko. May dumi ba ako sa mukha?

"I know this is a bit sudden to ask but Dad said he wanted to meet my friends. Banri already refused my invitation but I hope you can come with us next week at the party. Andrei and Alex will be there as well." minsan lang humingi ng pabor si Lance kaya hindi ko napigilan na matawa sa pagiging pormal niya.

"Sige, sasama ako. Next week, diba?" tumango siya.

Lumipas ang isang oras bago pumayag ang Doctor na ma-discharge ako. Nag presinta na rin si Lance na ihatid kami ni Andrei sa bahay kaya hindi na ako umangal.

"Salamat, Lance. Ingatan mo yang si Andrei, papakasalan pa niyan si Alex!" pahabol ko sa kanilang dalawa habang pababa ako sa kotse. Pero bago ko pa masara ang pintuan ay nakita ko pa kung paano sumimangot si Lance at ang biglang pamumula ng tenga ni Andrei. Napailing ako at napabuga ng hangin. Hindi ba nila alam ang salitang biro? Bakit ganon ang reaksyon nila?

"Mag pahinga ka na lang, Migo. Nasobrahan ka ata sa gamot, eh." sagot ni Lance bago niya pinaharurot ang kotse niya paalis. Bakit biglang napa-tagalog 'yon? hahahaha!

Kawawang Alex, sa lahat na magkakagusto sa kanya, yung dalawang kupal pa. Buti na lang ako walang kaagaw kay Karma–

Natigilan ako at inis na napakamot sa ulo. Seryoso ka ba, Migo? Anong tawag mo kay Kim? Ano yung narinig mo sa rooftop?

"Matagal na silang hiwalay!" saway ko sa konsensya ko.

"Sinong matagal ng hiwalay?" mabilis pa sa mabilis akong lumingon sa pinangalingan ng boses. Bumungad sa akin si Karma na nakatayo sa harap ng gate namin habang may bitbit na sport's bag. Hula kong galing na siya sa loob ng bahay at ang laman ng bag na dala niya ay...

Sinalubong ko ang tingin niya at ngumiti ng matamis. "Aalis ka na ba? Buti naman. Akin na 'yong susi." sabay lahad ko ng palad ko sa harap niya.

Katahimikan ang sunod na ang hari sa pagitan namin hanggang sa marinig ko ang tawa ni Karma. Nag umpisa sa mahina hanggang sa palakas ng palakas... baliw na ba 'to?

"Anong nakakatawa?"

"Hindi ba sinabi kong babalik na ako dito? Nahahalata ko na tuloy na gusto mo na ako paalisin. Sorry Migo but you can't get rid of me that easily." tumaas ang kilay ko bago ko tinuro ang bag na bitbit niya. "Kung ganon, para saan pala 'yan?" tanong ko.

"Ah, eto ba? galing ako sa hospital at umuwi lang ako para dalhan ka ng gamit kaso..." napakamot siya sa batok niya.

"S-salamat na lang. Tara pasok na tayo sa loob. Sorry nagkamali lang pala ako." nilahad ko ang palad ko sa harap niya at nakangiti niyang tinangap 'yon hanggang sa magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob ng bahay. Alam kong mali 'to pero... may magagawa pa ba ako?

Third Person's POV

Ang hindi nila alam... may isang babae na kakauwi lang galing probinsiya ang nakatayo sa 'di kalayuan habang pinapanood sila. Agad niyang nabitiwan ang bitbit niyang pasalubong nang makita ang dalawang lalaki na nag hawak ng kamay bago pumasok sa loob ng bahay.

"Norman... kasalanan ko 'to, diba? Hinayaan ko sila maging malapit sa isa't isa kahit na alam kong mali at bawal."

His Obsession [BL]Where stories live. Discover now