15. Naaalala mo ba?

Start from the beginning
                                    

“Bye, Sir Nathan.” Mabilis kong pamamaalam sa boss ko at agad na hinawakan ang braso ni Hitler para makaalis na kami agad. Alam ko naman na hindi niya gusto si Nathan.

“I really wish you resigned in that bastard’s company Emerald. It’s not even a big company to start with.” Mapang-uyam niyang wika ng magsimula nang paandarin ni Bryan ang sasakyan.

“Saan naman ako magtatrabaho sa iyo?” I asked smiling for I already knew the answer.

“Yes” walang gatol niyang saad. “I can give you an executive position and a big office or better yet you stay in the penthouse and take care of me.” He said smiling boyishly na hindi ko rin mapigilan mapangiti. Ang gwapo lang kasi niya.

 

He had been offering me a job pero ayaw ko talaga. I want to be my own kahit sa trabaho lang.

“Hindi mo po ako madadaan sa ganyan.” Nakalabi kong wika. “Atsaka bakit ba ayaw mo ako sa kompanya ni Nathan? Maayos naman ako doon eh.”

Napasimangot naman siya sa sinabi ko. “I just don’t like your boss. He clearly wants you Emerald and you are in his turf. Wala akong kapangyarihan sa kompanyang iyon unless I buy some share in that company but I don’t want to do that. Hindi rin ako katulad ni Argon na mahilig magpabasak ng kompanya para lang masunod ang gusto niya.” He paused and looked at me. “But I’m telling you this Emerald baka kompanya niya ang pinaka una kong gagawan ng ganyang pamamaraan sa oras na kinanti niya ang akin.” I knew Hitler is not bluffing. Hindi ang tulad niya ang magbabanta lang ng ganun pero wala rin namang rason para mangyari iyon. I believe Nathan is a decent man at sa mga panahong nakasama ko siya ay wala naman siyang pinakitang masama sa akin.

 

“Napaka possessive mo talaga. Wala naman masamang pwedeng gawin sa akin si Sir Nathan eh at kung may gusto man siya sa akin gaya ng sinasabi mo ay wala naman akong magagawa doon pero isa lang alam ko. Gusto ko siya bilang boss. Iyon lang and nothing more. Kaya huwag na magselos okay kasi ikaw ang mahal ko eh. You are my one and only.” Nakangiti kong wika sa kanya tapos ay inihilig ang ulo sa balikat niya.

“Good because I would never forgive you if you cheat on me.” Seryoso niyang wika na ikinangiwi ko.

Tinaas ko ang ulo ko para tingnan siya. “Grabe ka naman. Hindi naman ako ganun. Sa lahat ng tao sa mundo dapat alam mo iyan.” Hindi ko maiwasang hindi magtampo sa kanya. “Did someone in your past cheat on you?” bigla kong tanong. Hindi kasi ito ang unang beses na pinag-usapan namin ang cheating at ayaw niya talaga kaya baka may past siyang ganun.

Ngumisi siya. “None Emerald, I never involved myself in an exclusive relationship. Ngayon pa lang… sa iyo. You knew how I was before nasaksihan mo how I treated women hindi ba?”

I sighed in relief and smiled at the thought na ako ang una niyang exclusive relationship. Dapat na talaga akong kiligin.

“Pero bakit naman parang lagi mong sinasabi ang tungkol sa cheating?”

Hitler's Precious Emerald (SPG)Where stories live. Discover now