Chapter 36: Start

13.1K 289 22
                                    

Faith Joy POV:

Iniwan ko sa kwarto sila Colleen saglit dahil may kukunin ako sa kotse na nakalimutan kong ibigay kahapon kay Colleen. Pero pagbalik ko wala na sila sa loob. Saan naman kaya pumunta yun?

Humiga na lang ako sa kama at nagcellphone. Buti na lang talaga may free wifi dito. Hihi

Nagscroll down na lang ako. Pero napatigil ako ng may mahagip ang mga mata ko.

Kodie Gonzales

I wish I can touch you :<

The heck! Hmp! Bahala sya wala akong pake! Pero isang scroll ko pa lang nakita ko na naman yung post ng monggoloid na yun! Ano?! Pa-famous na naman sya!

Kodie Gonzales

Yung dare fvck I forgot! Magagawa din kita *smirk*

Mga katarantaduhan talaga ng lalaking yun nakakaininis. And lastly. Yung post ni kuya Carlos ang nahagip ng mga mata ko this time.

Carlos Perez

With my happy pill, iloveyou so much baby :*

Then may pic. Teka? S-si ate Kim ba toh? Wait! Si ate Kim nga?! Don't tell me?! Oh shit! Alam na kaya toh ni Colleen? Yung pic. Nakayakap si kuya Carlos kay ate Kim ng patalikod ng nakapikit. Back hug ganun? Then si ate Kim naman naka-smile at sya yung may hawak ng camera. I guess dito lang din toh sa resort. Part lang toh ng resort.

Colleen POV:

"Ate Colleen" napatingin ako kay Elli. Ngayon ko lang napansin. Matangkad din pala sya. Hanggang balikat ko na siya. O sadyang maliit lang talaga ako? Aishh! Nakaka-inggit ang liit ko kasing tao *pout*

"Bakit Elli?" May tinitignan siya. Bilihan ng mga street foods. Pero parang kainan sya na eat all you can. Pero mga street foods lahat. Nung napansin kong hindi niya pa rin inaalis yung tingin nya sa restaurant na yun hinila ko si elli papunta dun. "Gusto mo tikman?" Alok ko sa kaniya sa fishball. Sa totoo lang hindi pa ko nakakatikim ng mga street foods. Kickiam pa lang ang natitikman ko na street food.

"Ah" mukhang nagdadalawang isip pa si Elli. "M-masarap ba yan ate Colleen?" Nagkibit balikat lang ako then kinain ko na din yung fishball. Ang sarap naman! Hihi

"T-teka. Gusto ko din matikman ate Colleen" kumuha ako ng isa at binigay yun kay Elli. Nung natikman na sya ni Elli ang dami na nya kinuha. Kumuha rin nung kwek-kwek. Kickiam meron pang isa pero hindi mo makita yung pangalan eh.

Nung natapos na kami kumain nagbayad na ako. Grabe ang dami naming nakaing dalawa HAHAHA.. "Salamat ate Colleen" niyakap ako ng sobrang higpit ni Elli. "Dapat si kuya ang kasama ko ngayon pero ikaw yung nakaka-bonding ko" binabawi ko na yung sinabi kong matured na sya magisip at kumilos. Kasi sa totoo lang hindi. May pagka-childish din sya.

"Wag ka mag-alala Elli. Makaka-bonding mo din ang kuya mo" sabay ngiti ko sa kaniya. Naglakad na kami ulit pabalik ng hotel dahil gabi na. Natagalan kasi kami dun sa restaurant.

Kodie POV:

From: Daddy
Kodie, bantayan mong mabuti si Ellisa ok?

Tsk! Kung hindi nya kasi sa akin pinasama si Ellis edi sana nagsasaya ako ngayon!

Lumabas ako ng hotel dahil tumawag si mommy. Papasok na dapat ako ng hotel ng mapansin ko si Ellis. May kasama syang babae. Pinagmasdan kong mabuti yung babae. And sa gulat ko. Nakita na nila akong dalawa. Close na ba sila agad? Siguro mapapadali ko yung dare kung mas lalo silang magiging close.

"Anong ginagawa niyo dito sa labas? Diba dapat nasa loob na kayo ng hotel?" Tanong ko sa kanila. Yumuko naman si Ellis. Why?

"K-kasi kuya n-nagikot lang kami dito sa resort then kumain. I'm sorry. Next time hindi na lang ako sasama kay ate Colleen"

"No. It's ok. Kasama mo naman pala siya. Sige na umakyat na kayo. Gabi na oh" sinabayan ko na sila umakyat then naalala ko na naman yung dare.

"Ahm Ellis. Pwede ba tayo mag-usap mamaya?" I ask. Mukhang nagulat pa sita pero tumango din sya agad. Nasa 26th floor pa kami kaya ang tagal. May mga sumasakay pa kasing iba na paakyat din galing sa mga iba't ibang floors.

Pagdating namin sa floor namin. Huminto ako sa tapat ng room namin. And I just found na magkatapat lang pala yung mga room namin. Pumasok na si Colleen. Hinarap ko si Ellis ng naka-ngiti "I know Ellis na nahihiya ka kay kuya. Pero pwede ka naman magsabi sa akin kung may gusto kang puntahan or kainin dito sa resort sasamahan kita" tsk! Kahit ayoko!

"Ok lang kuya. Kasama ko naman si Ate Colleen eh. She's a good person din naman" nakangiti siya habang sinasabi yun. I guess close na talaga silang dalawa. "Are you sure? Sige" tinap ko sya sa tuktok ng ulo niya. Ellis is my younger sister. Hindi man halata pero sobrang importante sa akin si Ellis dahil nagiisa siyang babae sa pamilya namin.

"Sige na pumasok ka na sa loob. Mag-usap na lang tayo bukas. Goodnight princess" grabe siya alagaan at pahalagahan ni dad. Nagiisa nga kasing babae.

Papasok na sana ako sa kwarto ng maalala ko na naman yung dare. Lumapit ako sa kwarto nila Ellis para sana kumatok ng biglang may magbukas nun. Si Colleen lang pala. Mukha siyang nagulat nung nakita niya ako. "A-ah. K-kausapin mo ba si Elli? Nagsha-shower na kasi siya eh" sinara na niya yung pinto ng kwarto nila.

"Ahm no. Actually ikaw gusto kong makausap eh. If you don't mind" tsk! Argh! I hate this! "Sige ok lang. Ano ba paguusapan natin?" I guess magpa-pakahumble muna ako. Kakainis talaga!

"Ahm. May gusto sana ako sabihin sayo eh" argh! Ayoko talaga ng ganito! "Ano?" Tanong niya. Tinignan ko muna siya bago nagsalita. "Ahm. Basta magsasabi ka ng oo" ew!

"Depende sa sasabihin mo. Mamaya pag nagsabi ako ng oo may ipagawa ka pala sakin na himdi ka nais-nais eh" pinagloloko ba ko ng babaeng toh?!

"Ah haha" fake laugh! "Hindi ah!" Yuck!

"Pwede ba ko manligaw?" Nagulat sya sa sinabi ko. "Pero no choice ka. Sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita" kahit ayoko at labag sa kalooban ko. Hinalikan ko sya sa pisngi at tumakbo papasok sa kwarto.

Magsisimula na ang dare *smirk*

******

A/N: Ayan ah?! Sabi ko sa inyo babawi ako HAHAHA! So yun nga! Exam na namin mamaya sheemms! Kinakabahan ako dahil konti pa lang narereviwe ko tapos anong oras na ko ngayon matutulog. Grabehan na talaga tohhh!

Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan ko mag-update para makabawi sa inyo sa isang bwang walang update. Sa totoo lang ang hirap magtago ng cellphone😂 hirap na hirap ako as in! Baka kase mahuli ako ni mama *bulong* HAHHAA.

O ayan! Nag-update na ko ah? Pwede na siguro ako makatulog ngayon hihi😋

Oh by the way! May gusto lang akong sabihin😊

Sa mga nagsasabi po na PARANG GINAYA LANG YUNG TFBBAM. TFBBAM BA TOH?. PINALITAN LANG NAMAN YUNG MGA CHARACTERS AT NAMES EH.  yeah PRANG GINAYA NGA! but hello?! Magbasa kaya muna kayo bago mo ijudge tong story na toh! Oo may mga similarities sa TFBBAM but mas madami ang pinagkaiba nila. Kung tapusin mo kaya muna yung story bago ka mang-judge. Sa totoo lang. Napansin ko rin naman yun eh. Hindi mo naman yun maiiwasan eh. Pero duh?! Ang dami kayang pinagkaiba nila. Sana tinapos mo muna yung story bago mo jinudge.

Nilabas ko lang po sorry.

The Four Casanova's Badboy And MeWhere stories live. Discover now