Chapter 23: Beach

20K 509 19
                                    

A/N: Advance Merry Christmas to all. Promise magu-UD ako sa pasko.

Sunod-sunod ah! Haha thanks sa sunod-sunod na pag-vote mariejoy_arapoc hindi nga lang sunod-sunod ng chapter pero thanks pa din.

Sunod-sunod ah! Haha thanks sa sunod-sunod na pag-vote mariejoy_arapoc hindi nga lang sunod-sunod ng chapter pero thanks pa din

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Colleen POV:

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Sino naman nagbukas nito?

Kunti na lang yung sakit ng ulo ko pero kaya pa. "Gising ka na pala, kumain ka na sa baba tapos na din kami kumain napasarap pa ata yung tulog mo. You better go to eat breakfast" naka-ngiting sabi niya. Ano naman nakain ng isang toh? Kahapon sa byahe ang sungit tas ngayon? Arrgghh nevermind.

"Nasaan sila?" Tanong ko. Syempre tatanungin ko siya alangan naman hulaan ko kung nasaan sila, ano ako? Manghuhula?

"Naliligo na sa dagat, kaya bilisan mo para maka-join ka sa kanila" inayos ko na muna yung higaan ko at naghilamos. "Eh bakit 'kanila'? Hindi ka kasama?" Tanong ko. "Sasama pero may aayusin pa kasi ako." Tumango na lang ako at lumabas na sa kwarto. Habang siya nasa likuran ko lang sumusunod.

Lumiko na siya sa kaliwa. Ako naman bumaba na sa hagdan siguro pupunta sa kwarto nila.

Mamaya na lang ako magpapalit ng damit kapag nakakain na ako.

----

Ang lamig ng tubig kaya nandito ako sa buhanginan. May upuan kasi dito yung pang-beach talaga. "Bakit hindi ka mag-swimming ulit?" Sabi nung lalaki banda sa kaliwa ko. Hindi ko siya kilala pero paano siya naka-pasok dito? Private pa ito pansamantala ah? Siguro staff siya dito.

Hindi ko na lang siya pinansin at binalik yung tingin ko sa dagat. Naka-contact lense lang ako ngayon pero pansamantala lang kasi ngayon lang naman toh. "Sino nga pala mga kasama mo?" Tanong na naman niya. Pero hindi ko pa din siya pinapansin. Ang kulit naman ng isang toh. Kainis.

"Ako kasama niya, may problema ba tayo doon?" Tanong ng kung sino. Napalingon naman ako dun sa nagsalita at nanlaki yung mga mata ko ng makita ko si yabang a.k.a KL. Ang ano?! Siya? Kasama ko? Asa pa noh! Lahat kaya sila, tsk.

"Babe, let's go" bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Napatingin naman ako dun ng gulat na gulat. Anong babe? Tapos may pahawak-hawak effect pa?! Bigla kong hinila yung kamay ko paalis sa pagkaka-hawak niya.

"A-anong babe yung sinasabi mo? Hindi naman tayo ah!" Sigaw ko sa kaniya at tumakbo kayla iyang na naliligo sa dagat. Nakakahiya kaya yung ginawa niya. Babe? Asa pa noh! Yuck!!

---
Nakapalibot kami ngayon sa bonfire. Katabi ko si KL sa kanan at sa kaliwa ko naman si Mr. IDon'tKnow. Siya yung lalaking makulit kanina. Kaibigan daw nila iyang, nakalimutan ko na kasi yung pangalan niya eh.

"Sino gusto mag-laro?" Biglang tanong ni Ken sa amin. Lahat namannag-taas maliban sa amin ni KL. "Ano kayang magandang laro?" Nag-isip naman sila. Kala mo naman may maiisip sila. Lahat kaya pangit. "Ah! Alam ko na, Spin the bottle tayo"

"Sige, magandang laro yan" ngiting sabi naman ni iyang. "Kuya Kirby ikaw na lang magpa-ikot" sabi ulit ni iyang. Pinaikot na niya yung bote at tumapat yun kay iyang. "Truth or Dare?" Tanong sa kaniya nung lalaking nagpaikot kanina dun sa bote. Kiby? Killy? Kobie? Ah! Kirby pala, sorry naman.

"Truth" sagot sa kaniya ni iyang. "Sino mas mahal mo? Kein or Paulo?" Napaisip naman ng mabuti si iyang at mukhang nahihiya siyang sabihin sa amin. "P-paulo" utal niyang sagot. Naghiyawan naman sila at nag-patuloy na sa laro.

--
"Ok guys, bukas na lang natin ituloy ulit yung game natin" sigaw ni ate Trisha sa amin. Pumasok na ko sa kwarto namin at pabagsak na nahiga sa kama. "Nakaka-pagod naman"

"Maglinis na kayo ng mga katawan niyo at matulog na kayo" utos ni ate Trisha at pumasok sa banyo.

"Nakaka-miss maglaro ng spin the bottle. Hahaha" napatingin naman ako kay iyang na ngayon ay tumatawa na. Napadami ata ang inom. Uminom kasi sila ulit tas tinuloy yung game. Ang bata pa natuto na agad uminom. Tsk tsk..

"Oh iyang ikaw na sunod" pumasok na ng banyo si iyang at kumakanta-kanta pa ang bruha.

"Grabe pala malasing si iyang" sabi ko. Mukha siyang baliw kapag lasing siya.

"Ganun talaga siya." Tumango na lang ako kay ate trish at pumasok na din sa banyo dahil tapos na si iyang.

--
"Masarap ba ang tulog?" Napabangon ako kasi boses lalaki siya. S-sino yun? Whuuutt?? May lalaki dito sa kwarto namin? Nilibot ng mata ko kung sino yun.

"Boo!"

"Ay palaka ka!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba at gulat. "Hahaha. Nakakatawa ka" tawa niya. Tinignan ko naman yung ugok na yun. Si KL pala. Langya toh! Pagkatapos ako gulatin tatawanan pa. Aba! Nakaka-instant bully na siya dito ah! Akala ko pa naman mananahimik ako dito pero may mangiinis pa rin pala hindi lang isa kundi dalawa pa.

"Tsaka ako? Palaka? Baka gwapong palaka kamo!" Tignan mo! Ang hangin pa! Nakakainis na ah! Umagang-umaga may bwisita ako.

"Tsk! Bahala ka, pwede ba lumabas-labas ka na kung ayaw mong makatikim ng super punch ko!" Inis ko sigaw sa kaniya pero tinawanan lang ako! Arrggghh... Nakakainis!

Pumasok na lang ako sa banyo at naligo. Siguro naman lumabas na yung kutong lupa na yun!

Nagbihis muna ako syempre bago lumabas ng banyo. "Tapos ka na pala. Ang bagal mo rin pala maligo. Hahaha" Nandito pa din siya?!

Hindi wala nga siya eh. Nasa labas, picture niya lang yang nakikita mo.

Tsk. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsuklay na ako ng buhok ko. Sabay labas ng kwarto namin.

Bakit ba tuwing umaga lagi na akong mag-isa at isa pa, palagi nandun yung kutong lupa na yun.

Hindi na ba siya titigil kaka-inis sa akin?!! Nakaka-inis na kasi eh!

To be continue...

The Four Casanova's Badboy And MeWhere stories live. Discover now