Chapter 16: Kodie the Bully

23.8K 543 28
                                    

Colleen POV:

Gabi na din natapos yung party. Masaya naman kasi ang daming pumunta, yung mga kaibigan ni kuya kent, mga pinsan namin, pati sila grandma at grandpa.

Ok na kami ni kuya Lenard, hindi daw niya nasabi kasi nahihiya siya sa amin at isa pa hindi naman daw niya alam na pinsan pala namin si Ate Clarissa. Nagulat pa nga daw siya nung nalaman niyang doon din pala titira si ate Clarissa ang akala pa nga daw niya noon kaibigan ko lang eh.

Kami ni ate Clarissa? Hindi pa din kami okay. Kahit naman naexplain na ni kuya lenard lahat sa akin hindi pa din kami okay ni ate Clarissa. Alam naman niya na pinsan ko si kuya lenard dahil naku-kuwento ko sila sa kaniya. Di ba nga sila kuya lenard yung mga taga-bantay ko simula pa bata pa ako.

"Ok class dismiss" tumayo na ako at nag-ayos ng mga gamit ko. Hayyss.. 1 month na lang nandito na din si FJ (Faith Joy) hindi na ko magiging alone. Haha..

Habang naglalakad ako papuntang cafeteria para bumili ng makakain dahil wala akong baon naririnig ko yung mga estudyante na nagtatawanan hindi kalayuan sa akin.

Nakakapag-taka dahil bawal ang tambay sa hallway kapag break time. After class lang naman pwede kasi wala ng nagka-klase kapag ganun, pero kapag ganitong time bawal eh. Pwede kang ma-guidance o masuspend ng 2 weeks, pwede rin naman madetention.

"Alam mo tol dabest ka talaga. Haha"

"Tignan mo may nakawawa ka na naman na isa hahaha"

"Nakakailan ka na ba ngayong araw? Isa, dalawa, tatlo.. Ah! Lima haha"

Rinig kong tawanan ng mga estudyante. Mga lalaki sila at for sure babaeng nerd o lalaking nerd ang binubully nila ngayon. Pwedeng yung mga babaeng gagawin nilang girlfriend tapos makikipagbreak na lang bigla hindi pa nga nakaka-dalawang araw break na.

Nung nakalapit ako nagulat ako kasi si Kodie yung nangunguna sa pagbully dun sa babaeng nerd at sa tingin ko first year highschool yun. "Please po, maawa naman po kayo." Rinig kong pagmamakaawa nung first year na nerd.

"Hindi ba kayo naaawa sa kaniya. Ang tanda-tanda nyo na pero pumapatol pa din kayo sa mas bata sa inyo. Kalalaki niyong tao ganiyan kayo!" Inis na sabi ko. Napatingin silang lahat sa akin, si kodie ang sama ng tingin at sa tingin ko parang pinapatay na niya ko sa mga tingin niya. "Anong ginagawa mo dito?" Kalmado pero may halong inis na tanong ni Kodie sa akin.

"N-narinig ko lang kayo. Tsaka first year yan, hindi pa ba kayo naawa? At sa pagkaka-alam ko bawal ang tambay kapag ganitong oras di ba? Gusto niyong ipa-guidance ko kayo?" Sunod sunod na tanong ko.

"Alam mo Ms. Nerd umalis ka na lang kung ayaw mong madamay" sabi nung isa niyang kasama. "Paano kung ayaw ko? Ano gagawin niyo sa akin?" Tumingin muna sila kay Kodie tsaka nagsalita yung isang pandak. "Mabubully ka. Araw-araw pa" ngumiti siyang parang aso. Yuck!! Kadiri lang ah.

"Pwede ba paalisin niyo na lang kami, wala ba kayong magawa sa mga buhay niyo? Kaya ba kayo nambubully dahil bored lang kayo?"

"Kung bored kayo, pwede ba wag pambubully ang gawin niyo para hindi kayo mabored. Mag-aral kayo o di kaya mag-gala na lang kayo" natatakot ako dahil bawat salita nakaka-tanggap ako ng mga masasamang titig ni kodie. *gulp* kinakabahan talaga ako. Bakit ba naman kasi ako nakialam pa? Kainis naman oh. "Umalis ka na kung ayaw mong masama sa hell list ko" inis na sabi ni kodie. Ano yun? H-hell list? Y-yun ba yung listahan niya ng mga ibubully niya?

"H-hell list? L-listahan ba yun ng mga binubully mo?" Kinakabahang tanong ko. Ayoko na! Ano ba naman itong pinasok ko?

"Oo. Listahan ng mga binubully ko. At.." Lumapit siya sa akin. Yung malapit na malapit. Umusog ako ng umusog  sa kaniya kaso sumusunod siya. "A-anong gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong. Umusog ulit ako kaso wala na kong mausugan. "At kasama ka na dun" bigla siya lumayo at naglakad na palayo kasama yung mga lalaki niyang kasama kanina.

Lumapit ako dun sa first year student at tinulungan tumayo. May mga sugat siya sa binti at siko niya. May mga pasa din siya. "Ok ka lang?" Tanong ko sa kniya. Tumango lang siya at ngumiti sa akin. "Thank you po ate ah" ngumiti ako sa kaniya pero nagbago yun ng marealize ko na class hour ngayong mga first year. "Bakit ka nandito? Di ba class hour niyo ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo nga po kaso inexcuse po nila ako sa teacher ko pero hindi ko naman po alam na dahil po pala yun sa kapatid ko" nakayukong sabi niya. "Sige na pumunta ka munang clinic para magamot yang mga sugat mo tapos kapag ok ka na bumalik ka na din sa class room niyo" ngumiti siya at kinuha yung bag niya. "Ok po, salamat po ulit ate" tumango na lang ako sa kniya at ngumiti. "Sige na para naman hindi mo mamis yung lesson niyo" tumakbo na siya papuntang clinic. Hayyss..

Hell List hello!!! Kasama na ako ngayon sa hell list ng ugok na yun at ang pinaka nakakainis eh magiging impyerno na ang araw ko. Ang tahi-tahimik ko pa naman noon nung hindi ko pa sila nakikilala tapos ngayon.. Arrgggg ang gulo-gulo na!!!! Nakakainis talaga!!

****

A/N: short update. Thank you nga pala sa mga nacomment na ang ganda ng takbo ng story. And isa pa tumataas ang rank natin sa fanfiction. Keep voting guys ^_^

Ito pa po ang ibang tag.
callmrsab
zhylie_wp

May tango din po Pala ako.
Sino po friend KO po dito sa fb? Comment na lang po kung friend kita tas Ano name mo. Ime-message po Kita. Ty

The Four Casanova's Badboy And MeWhere stories live. Discover now