Chapter 18: Mall

22.3K 469 15
                                    

Faith Joy POV:

Hi! It's me Faith Joy Abeja 17 years of age a 4th year highschool. Haha. So nandito ako ngayon kayla Colleen, grabe talaga kasi Hindi ako makapaniwala na nakaharap ko so Miguel! Pakshet lang kasi ang gwapo niya talaga nagulat nga rin ako kasi kilala siya no Kodie. Well kilala ko naman na talaga si kodie kasi.... Secret! Naiinis nga ako kasi sinama niya ko dun sa nakakainis na hell list niya!

"Oh ija andiyan ka pala." Sabi sa akin no tita. Well maganda naman si tita and I'm pretty sure maganda din si Colleen kasi maganda ang lahi nila. Parang sa amin lang din.

"Ah opo, hinihintay ko po kasi si Colleen" nakangiting sabi ko kay tita. Para siyang teenager dahil sa itsura niya. "Ah ganun ba? Saan naman kayo pupunta? Pagpasensyahan mo na si Colleen masyadong mabagal kumilos" natawa naman si tita sa mga pinagsasabi niya. "Ok lang po. Ayan na rin naman po siya" sabi ko at tumingin kay Colleen na pababa na sa hagdan. Grabe lang yung suot niya.

Nadress siyang lampas tuhod at naka-flat shoes, nakasalamin na malaki at gulogulo pa ang buhok. Akala mo ilang taong hindi nakapagsuklay. Well, hindi naman si Colleen yung tipong nerd na may pimples o ano sa mukha. Malinis mukha niya kaso hindi uso sa kaniya yung suklay.

"Oh! Anak naman, ayusin mo nga sarili mo. Akala mo ilang taong hindi nakapagsuklay sa lagay ng buhok mo" natatawang sabi ni tita. Si Colleen? Ayun busangot ang itsura.

"Grabe mommy, thank you sa advice" sarcastic na sabi ni colleen. "Thank you!" Sabi naman ni tita. Yung totoo? Magnanay ba sila o ano? Parang bata lang kasi magisip si tita atsaka ang teenager niya pa tignan. Walang-wala ako sa itsura niya. At walang-wala ang mommy ko sa ugali niya.

"Teka lang FJ mag-susuklay lang ako. Kainis!" Natawa na lang ako kasi umakyat siyang nagpapadyak. Parang akala mo bata lang siya.

"Saan ba kayo pupunta? At ganiyan pa mga ayos niyo? Tignan niyo tuloy itsura ng anak ko. Hayyy.. Hindi kasi uso sa kaniya mag-ayos o kahit magsuklay manlang. Kahit nga magmake-up ayaw niya, isang dikit nga lang ata ng make-up o lipstick eh mag-suicide na" iiling-iling na sabi ni tita. "Ok nga po yun tita eh, simple lang siya umayos. Hindi katulad nung mga naging kaibigan ko sa states, akala mo clown sa kapal ng make-up" natatawang sabi ko.

Bumaba na si Colleen na maayos na ang buhok. "Ayan mommy ok na ba? Pwede na kaming umalis?" Naiinis na sabi ni Colleen. "Ok na anak! Sige na mukhang nagmamadali kayo" sabi ni tita ng naka-ngiti. Grabe iba sila! Ibang iba sa amin ni mommy.

******
Nandito na kami sa mall actually nagpasama lang ako kay Colleen na samahan ako dito pumayag naman siya kasi may bibilhin din daw siya sa National Bookstore. Bibili daw siya nung favorite niyang libro. Ewan ko kung ano yun.

Colleen POV:

Nandito kami sa mall bumibili kasi si FJ ng mga damit, pumayag na rin ako kasi bibili pa ako ng libro sa National Bookstore. Bibili din kasi si FJ ng mga school supplies.

Nakadating na kami sa National Bookstore. Hinanap ko kaagad kaso mukhang wala ng stock.

"Miss" tawag ko dun sa saleslady. "Bakit po ma'am?" Tanong niya sa akin. "Hmm.. Meron pa po ba kayong stock ng libro ni Nicholas spark?" Tanong ko.

"Meron pa po ma'am kaso iisa na lang po siya" nagliwanag naman yung mga mata ko. Meron pa nga! "Follow me po ma'am" sabi niya kaya sinundan ko siya.

"Diyan po ma'am." Sabi niya kaya nag-thank you na ako at  hinanap na kaagad yung libro na yun. Sinungaling ata yung saleslady na yun ah! Wala naman eh.

Hindi pa rin ako sumuko at hinanap ko pa rin yung libro. Nag-spark naman yung mata ko nung nakita ko na yung libro, hahawakan ko na sana siya kaso may kumuha kaagad na kamay dun.

Napa-angat naman ako ng tingin at nagulat. Y-yung kumag na naman!! Arrgg naiinis na talaga ako sa kaniya. "Ikaw na naman!" Inis na sabi ko sa kaniya. Kaso parang wala siyang narinig kasi dire-diretsyo lang siya naglakad papunta sa counter. Nakakainis na ah! Sinama na nga niya ko dun sa Hell List kuno niya tapos kukunin din niya pati yung librong matagal ko ng hinihintay.

"Hoy! Kumag" sigaw ko sa kaniya. Hindi na naman siya lumingon. Nakakainis na siya ah! "Hoy! Kumag!!" Sigaw ko ulit at this time lumingon na siya sa akin wearing his serious face. "Anong sabi mo?" Inis na tanong niya. "K-kumag?" Utal na sabi ko. Hindi naman ako natatakot, hindi lang kasi ako sanay na ganun itsura nya.

Bigla siyang nag-smirk sa akin. Wait what? Nag-smirk? First time yun ah. Marunong din naman pala siya ng ganun. "See you in hell Ms. Perez" sabi niya at umalis na. Ako? Ito NGANGA! Arrggg nakuha nga pala niya yung favorite book ko ni Nicholas Spark..

To be continue..

****
A/N: Hi guys. Sorry short update atsaka slow update. Ngayon lang ako kasi busy kami sa project namin sa mapeh.

May tanong po ako sa inyo. Ano ba magandang design?  Panda or Baymax? Yung babagay po sa black t-shirt ah. Yun lang po thanks..

Ps: pagpasensyahan nyo na lang po yung mga tupos.

The Four Casanova's Badboy And MeWhere stories live. Discover now