Chapter 8: Long Time No See

29.3K 697 7
                                    

Kim POV:

Pagkapasok na pagkapasok ko sa room kanina sinalpak ko agad sa tenga ko yung earphone ko at nag-head down muna habang wala pa yung prof namin.

(Now playing: Salamat by Yeng)

Ang ganda ng kanta. Hayss..

Kung ito man ang huling awiting aawitin
Nais kong malaman mong ika'y bahagi na ng buhay ko
At kung may huling sasabihin
Nais kong sambitin nilagyan mo ng kulay ang mundo
Kasama kitang lumuha dahil sayo ako'y may pag-asa
Ang awiting ito'y para sayo
At kung maubos ang tinig di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat...
Salamat...

"Uyy girl nag-aaway daw si Nerd tsaka yung S.C.A" G1

"Weh? Hala! For sure kawawa na naman si nerd hahaha.." G2

"Atsaka isa pa hinimatay daw si nerd ayun nasa Dean office sila. Nakita kasi sila ni Mrs. Perez. Yung may ari" G1

"Oh talaga? Dapat matuluyan na yung nerd na yun" G2

"Yeah" G1

N-nahimatay ba si Colleen..

Calling Tita Eloisa..

("Hello?") Sagot ni tita sa kabilang linya. God! Kinakabahan ako. Ang tagal ko na kasing hindi sya nakakausap tsaka nag-iba na din ang number kaya siguro hindi nya alam na ako ito. Malamang kim kaya nga nag-iba ng number diba? Tsk.

("Hello? Who is this?") Wow taray ni tita may paenglish-engliah pa.

"Ahmm.. Hello po.. Tita si.. Si kim po 'toh" sagot ko naman.

("Oh kim. Ikaw pala hindi mo naman kasi agad sinabi na ikaw pala yan. Teka bakit nagpalit ka ng number sayang hindi ka naka-attend noon sa birthday ni Carlos")

"Ahehw pasensya na rin po tita ah. Masyado po kasi ako naging busy sa mga nakaraang taon tsaka po nasira po sim card ko noon kaya bumili po ako ng bago" dahilan ko kahit hindi naman totoo.

("Ah ganun ba?)

"Ahehe. Opo. By the way po tita nabalitaan ko pong nahimatay po si Collen. Kamusta na po siya? Okay na po ba siya? Sana naman po okay lang siya"

("Yeah. Ang bilis talaga kumalat ng balita. Hindi ko naman alam na nabubully pala itong baby girl namin") bigla akong natawa kasi tinawag na naman niyang baby girl si Colleen for sure naka-pout na yun haha. Ayaw kasi ni colleen na tinatawag siyang baby girl.

"Ah ganun po ba tita. Nasaan po siya ngayon? Nandyan po ba sa bahay niyo?" Tanong ko. Gusto ko kasi siyang dalawin eh.

("Ang nandito kami sa St. Clarisse Hospital. Alam mo ba 'toh? Ito yung last time na pinagdalhan natin kay Colleen nung nagka-allergy sya. Yung hospital ng tita kristel nya.")

"Ah opo tita alam ko po yun. Sige po pupunta po ako."

("Ah sige ija ingat ka ha. Sige kakausapin ko pa kasi yung doktor kung okay na ba yung babg girl ko")

"Ah sige po. Bye po"

("Bye")

Toot.. Toot.. Toot..

Nag-drive na ako kaagad papunta sa St. Clarisse Hospital. Sana ok lang si Colleen.

Pagkadating ko doon tinanong ko kaagad yung nurse kung saan yung room ni Colleen at ang babae naka-private room pa. Syempre kay tita Kristel itong ospital kaya hindi nya pwede ipa-share sa iba yung nag-iisang babae nyang pamangkin. Lalo na favorite ni Tita Kristel si Colleen. Paano ko nalaman? Di ba nga ex ko si Carlos.

Nasa third floor pa yung room nya kaya sumakay na ako sa elevator.

"Kimberly?" Tawag ng kung sino sa pangalan ko. Lumingon ako sa likod at si Christian yun.

"Uyy. Christian,kamusta na? Long time no see." Nakangiti kong sabi sa kanya. Ngayon na lang ulit kasi kami nagkita simula nung sinuntok siya ni Carlos sa beach.

"Ikaw pala yan. Sabi na nga ba eh by the way I'm ok"

"Haha ano nga pala ginagawa mo dito" tanong ko sa kaniya at sabay na kaming pumasok sa elavator at kung sinu-suwerte ka nga naman at parehas pa kami ng floor na pupuntahan.

"May dadalawin lang. Ikaw?" Tanong niya sa akin.

"Ahh may dadalawin lang din" nakangiti kong sabi sa kanya. Huminto na yung elevator at parehas na kaming lumabas.

"Ahh sige kim. See you when I see you"

"Sige. See you too" nag-wave na ako sa kanya at pumunta na sa room ni Colleen.

The Four Casanova's Badboy And MeWhere stories live. Discover now