Chapter 28: Moody One

18.4K 372 21
                                    

Carlos POV:

Nung nakita ko yung ginawa kahapon nung Christian na yun kay Kim, para akong halaman na nalalanta. Hindi ko alam kasi bigla na lang ako nakaramdam ng galit. Para akong bulkang mayon na nag-aalburoto sa galit.. Parang gusto kong manuntok ng kahit sino. Pero Tangna nagagalit ako ng walang dahilan. Ano ba nangyayari sa akin?

"Babe kakain na daw" tumango na lang ako Kay Bea at sumunod na din. Nagtataka ba kayo kung bakit paiba-iba endearment naming dalawa? Eh sa wala kaming maayos na tawagan eh.

"Ano daw ulam?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"I don't know. Yung kaibigan mo yung nagluluto eh"

"Sino? Sila Kodie? Hundi naman nagluluto yung mga yun." Kunot noong tanong ko. Nakakapag-taka kasi. Yung mga yun? Magluluto? Himala na lang siguro kung magluluto sila. Luto ng mga yun, uling na eh.

"Hindi. Yung babae. Sino nga ulit yun?" Tanong niya. "Si Kimberly" maikling tugon ko dito. Napaghahalataan na ata niya ko na masyadong cold sa kaniya. Wala lang talaga akong ganang makipag-usap sa ngayon.

"Ahh. She's nice. I guess" kibit balikat na sabi niya. Hindi ko na lang siya kinibo at naglakad na lang.

Kim POV:

Kasalukuyang nagluluto ako ngayon ng kaldereta at pakbet. Meron din namang sabaw, sinigang na baboy at tinola. Ang sasarap nga eh. Hahaha sila kasi nag request. Tapos ko ng lutuin yung tatlo. Sinigang na baboy na lang. Kanina pa nga ko dito eh. Buti pa at tinulungan ako nila Colleen at nung kaibigan niya.

"Ate tapos na po ba yan?" Tanong ni Colleen. "Malapit-lapit na. Hahaha bakit? Gutom ka na?" Tumango siya at ngumiti. "Sige ate Kim balik na ko dun sa mesa. Yung Kanin nga pala OK na" nakangiting sabi niya at umalis na.

***
"Wow naman ate Kim pwedeng-pwede ka na mag-asawa. Ang sasarap ng luto eh. Hahaha" nasamid pa ako nung sinabi niyang pwedeng-pwede na daw akong mag-asawa. Hindi pa rin talaga sila nagbabago.

"Ako kaya? Pwede na sagutin?" Napalingon naman kaming lahat kay Christian nung sinabi niya yun at mukhang ako ang sinasabihan niya.

Ayos toh! Hindi pa nga nangliligaw sagot agad? Aba! Ibang klase rin.

"Bakit? Nililigawan mo ba si ate Kim?" Tanong sa kaniya ni Jake. "Hindi. Kasi Hindi niya pa sinasabi kung pwede o hindi"

"Bakit? Nagtanong ka ba? Hindi naman ah. Kaya wag kang ano dyan. Nakasinghot ka na naman ata" natawa naman sila sa sinabi ko.

"Tama na nga yan. Kumain na kayo" sabi ni trisha.

"Tsk. Mabuti pa" Carlos.

****
"Yan ba susuotin mo?!" Gulat na tanong sa akin ni Carlos. Naka-two piece black suit ako. Magsu-swimming kasi kami tapos nung nakasalubong ko siya. Ganyan na reaction niya. "Bakit ba?"

"Mamaya mamanyak ka dun"

"Ano bang pake mo?"

"C-concern lang naman ako eh. Tsaka kailan ka pa ba natutong mag-suot ng ganyan?" Tanong niya.

"Wala kang pake. Tabi nga. Ayy oo nga pala paalala ko wag ako ang ganyanin mo dahil EX mo lang ako. Hindi GIRLFRIEND." Diniinan ko tala yung word na Ex at Girlfriend.

Naglakad na ako at naupo sa buhanginan. May T-shirt naman akong malaki tama lang na takpan ang katawan ko. Kaya kapag tinanggal ko naka-two piece na ako at makikita na yung katawan ko. Hahaha

"Bakit ganyan suot mo? Tignan mo ang daming nakitingin sa'yo" tinarayan ko lang siya. "Maganda daw kasi ako. Tsaka ano bang pake mo? Hindi naman kita boyfriend o kahit kaibigan. Anong kinapuputok ng butsi mo?!" Inis kong tanong sa kaniya. Kung maka-asta kasi sila parang boyfriend ko sila.

"Concern lang ako sayo" sagot niya. "Huh?! Concern? Sigurado ka bang may concern ka? Hello?! Hindi pa expose ang buong katawan ko ngayon! Nakikita mo naman siguro noh?!" Inis ako lumakad pabalik sa hotel at nagpalit ng damit at nahiga sa kama. Nakakainis na sila!

Colleen POV:

"Ano ba?! Lumayas layas ka nga sa tabi ko! Ni Hindi nga kita kilala eh! Dikit ka pa ng dikit!" Inis na sigaw ko kay Mr. WhateverHisName. Ang kulit kasi eh! Kanina pa dikit ng dikit sa akin. Nagbihis na lang ako ng pangbahay ko. Isang pants and black tshirt. Bakit ba? Bitter ako este si Ms. A eh. Hahaha

(A/N: Grabe ah!! Wag ganun.)

Joke lang yun Ms. A peace tayo heehe.

(A/N: K)

So yun nga dikit sya ng dikit sa akin. "Makulit ka ein eh noh?" Inis na sabi ko sa kanya at pumasok na girls room. Nagulat pa nga ko kasi nandito din si ate Kim. Akala ko nga nagsu-swimming sya dun sa labas eh hahaha..









To be continued....









A/N: so guys pagpasensyahan nyo na kung short UD sya. Bakit? Bitter na kasi ako sa feb. 14. So walang update nun. At yung pangako ko na magu-UD sa feb. 28 sus!! Walang special day sa feb. 28.. Magsu-suicide ako ng araw na yun eh.
Sa mga magtatanong kung bakit? Ishe-share ko na lang sa inyo pero shhh lang kayo ah..

Si bf ko kasi na mahal na mahal ko. Break na kami. Bakit siya nakipag-break? Ewan ko sa kaniya!! Sabi nya kasi alam na ng teacher nila sa Math. Owww ediii wow!! Pake ko?! Pero di ba guys hindi required yun?

Tapos malalaman ko nakikipaglaro lang pala sya.. Oh edi laro pala gusto nya bakit di siya bumili ng laruan nya hindi yung ako pa gung paglalaruan nya..

Tapos next sasabihin nya move on na daw ako... Hirap kaya!! Pasok ko sa kokote nya yun eh! Bayagan ko siya benteng beses eh!!

Mahirap Gumising..
Mahirap Bumangon..
Pero mas mahirap magmove-on..

Sa isang relasyon kailangan mo munang pagisipan yung magiging desisyon mo. Baka kasi desisyon ka ng desisyon mali na pala yung desisyon na napili mo.. May dalawa kasing uri ang desisyon. Isang mali at isang tama. Once na mali ang napili mo sa bandang huli ikaw rin ang magsisisi..

Once you enter in a relationship, your ready to be hurt much as you happy with him...

Wag ka kasi basta basta sumubo sa isang relasyon baka pag dating ng araw ikaw rin ang magsisisi.. Sige ka!! Lagot ka kapag iniwan ka niya!














































K bye...

The Four Casanova's Badboy And MeWhere stories live. Discover now