Chapter 11: Colleen's Cousins

29.8K 636 17
                                    

A/N: Follow and add me =)

IG: itsjovilyncepeda
Twitter: cepeda_jovilyn
Fb: Jovilyn Lyn Cepeda
      JLyn Wp

Dedicated to: great_one_smile

Colleen POV:

One week na simula nung nangyari yung away na namin at isang linggo akong hindi pinapasok ni mommy. At ang nakakagulat pa nga nun yung kinick-out nila ang S.C.A Girls.  Ayaw na daw ni mommy maulit yun. At ang sabi pa niya kapag naulit daw yun at inatake na naman ako ng hika ipapadala daw niya ko sa mga pinsan ko sa U.S kung ayaw ko naman daw doon sa Korea o di kaya sa Japan.

Mas gugustuhin ko pa nga na dito na lang ako kaysa doon. Hindi ko naman maintindihan pinaguusapan nila kapag nandun ako sa korea o di kaya sa Japan. Tsk.

"Ma'am Ynah baba na daw po kayo para makakain na ng breakfast" tawag sa akin ni Manang.

"Opo susunod na po ako manang pakisabi na rin po kay mommy" sagot ko.

Linggo ngayon at dahil linggo magsisimba kaming lahat tsaka pupuntang mall para bumili ng kung ano-ano haha..

Pagkababa ko nakita ko si kuya Carlos sa sala at nanunood ng tv. Hindi ko alam kung ano yung pinapanood niya eh. GMA yun at kung hindi ako nagkakamali nakakatakot yun.

"Ano yang pinapanood mo kuya?" Tanong ko sa kaniya. Lumingon muna siya sa akin tsaka ngumiti.

"Ahh The Road." Sagot niya. Umupo ako sa tabi niya at nanood na din. Nakakatakot nga yun.

"Maganda ba yan?" Tanong ko.

"Oo ata eh. Hindi ko pa napapanood" natawa ako sa sinabi nya.

"Ma'am sir kain na daw po" tawag sa amin ni manang. Kaya pinatay na ni kuya yung tv at pumunta na kami sa dining area.

"Let's pray" seryosong sabi ni dad. Nagdasal na nga kami, ganyan yan si dad masyadong makadiyos eh. Tignan nyo kapag wala yan at may business trip siya hindi kami nagsisimba. Si mommy hindi siya masyadong maka-diyos. Ayaw naman daw niyang magsimba palagi kapag linggo. Okay lang naman kay daddy atleast nakakapagsimba kami ng buo.

"Kamusta ang pag-aaral, Carlos?" Tanong ni daddy kay kuya.

"Ok naman po"

"Ikaw baby girl? Kamusta?"

"Ok lang rin po" sagot ko.

"Nabalitaan kong nabully ka daw. Totoo ba yun?" Tanong niya ulit. Nanlaki yung mga mata kong tumingin sa kaniya. Ang ayaw ko sa lahat eh yung malalaman ni daddy na may nananakot sa akin. Masyadong siyang protective father para sa akin. Ako lang kasi ang nagiisang babae sa Perez. Halos lahat ng mga pinsan ko mga lalaki. Silang lahat. Lahat ng sa side ni daddy mga over protective sa akin, lalo na yung mga pinsan kong lalaki pati mga tita at tito ko. Sila grandma at grandpa hindi naman masyado, protective sila akin sa mga pagkain.

"Ah eh.. Hehe o-opo" napakamot na lang ako sa batok ko at kumain ulit.

"At nabalitaan ko din na naospital ka dahil inatake ka ng hika mo" nakayuko lang ako dahil tumataas na yung boses ni daddy.

"O-opo" utal kong sagot.

"Mga kaklase mo?"

"H-hindi po" sagot ko. My gwadddd ayoko na maulit yung dati. Gusto nyo malaman? Kasi ganito yun nung elementary ako inatake ako ng hika dahil sa kaklase ko, kinukuha kasi nila yung mga bigay ng tita ko sa US nagpadala kasi siya mga notebook pencil at kung ano ano pa. Tapos ayun hinika ako nadala din ako noon sa ospital pero buti ok lang ako noon. Tapos isa pa kinuha din kasi nila yung baon ko tas pinalit nila yung kanila eh wala ako magawa gutom na ako kaya yung baon na lang nila kinain ko hindi ko naman alam allergy pala ako doon. Kaya ayun punta na naman sa ospital. Pero highschool na yun nangyari kasama ko pa sila ate kim nun. Tapos ayun pinadala dito sila kuya kent, kuya chander, kuya Mike at si kuya Lenard. Tapoa sila araw araw kong kasama ginawa kaya silang body guard ni daddy noon. Kaya ayoko na nun.

"Schoolmate?" Tanong ni daddy.

"O-opo" nakatungo kong sabi.

"Yan na nga sinasabi ko eh. Dapat makick-out yung mga yun. Ano mga panga--" hindi na pinatapos ni mommy yung sasabihin ni daddy.

"Ok na lahat nakick-out na yung mga yun"

"Mabuti naman pero hindi ako matatahimik hanggat wala kang mga kasama. Papapuntahin ko na lang dito yung mga basagulo nyong pinsan dahil hindi na daw kinakaya ng grandma at grandpa alaga ang mga yun aatakihin pa daw siya sa puso. Kaya dito na lang daw muna yung mga yun"

"Sino dad?" Tanong ni kiya kay daddy.

"Sila Chander"  nanlaki bigla yung mga mata ko. Ayoko kasama yung mga yun eh.

"Talaga dad? Kailan dating nila?" Hindi naman siguro halatang excited si kuya noh?

"Mamaya na kaya ayusin niyo na yung apat na kwarto sa third floor at dun na muna sila matutulog tutal hindi yun ginagamit." Huhu ayoko talaga.

"Ayy oo nga pala Colleen nagtext kanina sa akin ang ate Clarissa mo" napatingin ako kay mommy. Baka naman magga-gala lang kami ni ate Clarissa. Si ate clarissa kasi pinsan ko sa side ni mommy.

"Ano daw pong sabi?" sabay inom ko ng tubig. Tapos na akong kumain eh.

"Dito na daw muna siya makiki-tuloy dahil doon na daw soya mag-aaral sa school nyo"

"Talaga mom. Saan siya matutulog?" Tanong ko.

"Mas maganda kung doon na lang siya matutulog sa kwarto tutal malaki naman ang kama doon at pwede na rin kayong mag-share ng closet." Napangiti ako sa sinabi ni mommy.

"At dahil may mga bisitang darating next sunday na lang tayo magsimba" sabi ni daddy.

"Kaya ngayon maglinis na kayo." Dagdag nya pa. Umakyat na ako at inayos ko yung higaan, yung banyo, yung study table ko, yung closet ko at lahat lahat. Sa lahat ng pinsan ko sa side ni mommy si ate Clarissa lang yung pinaka-close ko. Close ko naman lahat pero si ate clarissa talaga yung close na close sa akin.

Bumaba na ako at nagulat ako kasi nandun na silang lahat. Oo silang lahat si kuya chander, si kuya mike, si kuya kent, si kuya lenard at si ate Clarissa.

"Waahhh ate Clarissaaaaaa" sigaw ko at sabay takbo sa kaniya. Pagdating ko sa kaniya niyakap ko talaga siya. Miss ko kaya siya.

"Haha. Namiss kita ah" sabi niya sabay kalas sa yakap namin.

"Miss din kita eh" sabi ko. Napatingin ako sa apat kong mga pinsan.

"Kami hindi mo namiss?" Tanong nilang lahat. At take note sabay sabay pa.

"Namiss naman" sabi ko at umupo sa tabi ni ate Clarissa.

"Bakit ganyan itsura mo? Parang hindi si Colleen na baby cousin ko" sabi ni ate kaya umiwas ako ng tingin.

"Ahehe malabo na kasi mata ko eh" sabi ko sa kaniya.

"Oyy andyan na pala kayo" napatingin ako doon at ang magaling kong kapatid lang pala.

"Obvious ba?"

"Tsk" tignan mo toh. Sungit-sungitan.

"Uyy Clarissa kamusta?" Tanong ni kuya kay ate Clarissa.

"Ok naman. Ikaw kamusta? Tsaka nandito ba si ate Kim?" Tanong niya. Mas matanda kasi sila kuya sa amin ng taon eh si ate Clarissa buwan lang ang tanda sa akin kaya ate tawag ko sa kaniya. Ganun din naman sila kuya kent at kuya Chander. Buwan lang din ang tanda sa akin.

"Ahh ate wala eh. Gusto mo puntahan natin mamaya dun sa bahay ng pinsan niya. Alam yun ni kuya eh. Di ba kuya?" Tanong ko kay kuya.

"Ah o-oo"

"Sige pahinga na ako Colleen may jetlag pa ako eh" paalam ni ate Clarissa sa amin.

"Kami din may jetlag pa eh" paalam din ni kuya Lenard.

To be continued.....

The Four Casanova's Badboy And MeWhere stories live. Discover now