Chapter 45: Road trip

4.9K 137 10
                                    

Clarence POV:

"Tara na. Excited na si kuya ibyahe ang BAGO nyang Ferrari" sigaw ko. nagtawanan naman kami at lumabas na.

"Kodie" tawag ni ate kay kuya Kodie na ngayon ay naka-akbay sa kaniya at naka-ngiti. Ganito ang pwesto namin. Sa harap si Kuya Carlos na nagda-drive at sa tabi naman niya si ate Kim. Ako at si Karen naman ang naka-upo dito sa likod at sa pinalikod naman sila ate at kuya Kodie.

AUV kasi itong bagong kotse ni kuya. "Why?"

"S-sino siya?" Tanong ni ate kay Kuya Kodie. Siguro si karen ang tinutukoy niya. Maganda naman si Karen maputi at sobrang bait. Masipag din siya. Paano ko nalaman? Dahil kanina sa bahay nung nag-aayos si mommy ng mga pagkain nagkusa siyang tumulong at mag-ayos. Pero tahimik lang siyang tao. Sasagot lang siya kapag tinanong mo siya o kinausap mo siya.

"Ah. She's my younger sister. Her name is Karen" sagot ni kuya Kodie. "Hm. I see"

Sinilip ko naman kung anong ginagawa ni Karen at nakaharap lang siya sa cellphone niya. Para siyang may hinihintay na tawag o text.

'Baka boyfriend niya siguro'

"Aishh!" Galit siguro siya. Nagsalpak na lang ako ng earphone sa tenga at pumikit.

Colleen POV:

"Ang ganda niya noh?" Nakangiting saad ko habang naka-tingin kay Karen. "Yeah. She's so sensitive in everything. Sa totoo lang napaka-arte niyang babae na yan pero masipag naman yan. Hindi rin siya ganon palasalita. Kumbaga cold siya ganon?" Napa-tango naman ako sa mga sinabi niya. "Parehong-pareho sila ng ate ko. Pero si ate friendly siya at sobrang daldal" natatawang sabi niya.

"Paano kung makilala ako ng ate mo? Maging friendly rin kaya siya sa akin?" Nagulat naman siya sa sinabi ko maski ako nagulat. Bigla-bigla na lang yun lumabas sa bibig ko. "Oo naman" naka-ngiti niyang sabi. "Weh di nga? Baka naman di ako magustuhan ng ate mo" natatawang sabi ko.

"Bakit? Sinasagog mo na ba ako? Alam mo nagiging obvious ka na ah? Ikaw ah?" Nagwiggle pa yung mga kilay niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay at inirapan. "Kapal din pala ng apog mo noh? Tse! Asa ka namang sasagutin kita!" Inis na sabi ko sa kaniya. "So busted na pala ako agad? Okay."

After ng coversation namin ni Kodie kanina wala na kaming sunod na napag-usapan at hindi na rin niya ako pinansin simula nun.

'May nasabi ba akong nakasakit sa kaniya?'

Ay! Tanga lang Colleen ah? Malamang oo! Hayst. Ano na gagawin ko? "Punta tayo ng Tagaytay para naman enjoy natin tong araw na toh" rinig kong sabi ni kuya Carlos sa harap. "Sige" sabay na sagit namin ni Kodie. Pagkatapos nun balik na ulit kami sa hindi pagpapansinan.

Nabasag naman ang nakakalokong katahimikan na yun ng nagpatugtog si kuya

[Now playing: Sorry na, Baby ko]

Pinakinggan ko na lang ang music at napabuntong hininga na lang. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako... Sa balikat ni kodie.

Nagising ako dahil sa isang nakakasilaw na ilaw. Mali, hindi pala siya ilaw kundi flash mg camera. Natauhan naman ako ng mapansin kong nakatulog lang naman pala ako sa balikat ni Kodie. Tulog pa rin siya.

Sinuway ko naman ang mga walangyang kumuha sa amin ng picture at sinabihan na baka magising ang gwapong nilalang na nasa tabi ko.

'Ngayon lang naman siya gwapo okay?'

Nagtawanan naman sila at umayos ng upo. Nagpagasulina pala kami kaya naka-hinto kami at may mga nagbawas lang rin. May narinig akong humahagikhik kaya naman tinigan ko kung sino yun at si Karen lang pala.

Wala si Cedrick dahil nag-CR ata. Kinalabit ko naman siya at ng tumingin siya sa akin nginitian ko siya. "Hi"

Ngumiti naman siya. Yung pilit nga lang, "hello" at balik pansin ulit nito sa cellphone niyang kanina niya pa tinititigan.

~To Be Continue..

******

A/N: short UD pasensya na.

Happy new year guys.

Also gusto ko lang magiwan ng isang maikling mensahe.

•Thankyou readers for being part of my 2018. 2016, yan ang exact year ng simulan ko ang pagsusulat sa storyang ito at ang kauna-unahang pagsusulat ko ng kwento kaya naman ang naging simula ay hindi maganda at sobrang nakaka-boring. Hanggang sa hindi ko na pinansin ang storyang ito. Nakatambak na lang siya sa recents and drafts ko. Pero nung 2018, last year. Sinimulan kong ayusin ang storya at sobra akong natutuwa na andami ng nagbabasa nito ngayon. At malapit na rin siya mag-1M. At dahil sa inyo yun guys! Kaya sobrang THANKYOU! Kung wala kayo. Hindi ako aabot sa ganito. Okay? Enough na! Tama na ang drama😂. I wish you all the best guys. Sana this year more happiness and bless ang mangyare sa atin. God Bless!

~Ms. Author

The Four Casanova's Badboy And Meحيث تعيش القصص. اكتشف الآن