Epilogue

25.7K 270 118
                                    

Salamat po sa lahat ng nagbasa ng story na ito. Doon po sa mga nag-aabang lagi ng ud, thank you. Tapos na po ang story na ito. *Sighs* Sa wakas natapos ko rin.

May bago po akong sinusulat na story entitled "My Unfair Love Affair." Posted na po 'yung prologue kaninang umaga. Kung gusto n'yo pong mabasa punta lang po kayo sa list ng works ko. Thanks!

__________________________

Epilogue

"Chuck." Niyugyog ko ang balikat nito para magising. Alas siyete na ng umaga naghihilik pa rin. Hindi ito pwedeng ma-late sa office dahil ngayong araw darating ang mga investor. "Chuck, bangon na. Nakapagluto na ako ng almusal. Sige ka, kapag hindi ka pa diyan bumangon, aalis akong mag-isa." Isinuot ko na ang hikaw at akmang tatayo na para kunin ang bag nang bigla ako nitong hawakan sa baywang dahilan para muli akong mapaupo sa kama. Inihiga ako nito at pinaghahalikan ang aking  leeg.

"Chuck, ahhh," ungol ko. "Hindi ka pa ba  nagsawa kagabi? Alas siyete na. Ngayon darating ang mga investor." Nagpumiglas ako dahil kung hindi ko gagawin iyon, baka kung saan na naman ito umabot.

"Saglit lang ito, sweetheart," nakangisi nitong saad habang tinatanggal ang suot kong damit. Sa pagpupumiglas ko ay lalong napasama ang aking pagkakahiga. Nakalaylay na ngayon ang ulo ko na lalong ikinangisi ng loko. "Checkmate," wika nito at pinasadahan ng dila ang aking leeg papunta sa labi ko. Hindi ako makapalag, panay lang ang ungol ko habang hinahalikan nito ang parteng iyon.

"So good. The best. I really love it." Para akong yelong natutunaw sa mga pinaggagawa nito. Ayaw ko nang aminin pero nagugustuhan ko ang ginagawa nito.

"I love you, Ligs," dinig kong saad nito matapos ang mainit na sandaling iyon. Nagtataka ako kung bakit nitong mga nakaraang araw ay panay ang hipo nito sa tiyan ko. Naroong halikan nito ang puson ko at kung minsan naman ay kinakausap nang pabulong. May saltik na siguro ang lalaking ito. Yari ako nito kay Mamita.

"Sweetheart, wala pa bang laman ito?" Napatingin ako rito nang masuyo nitong halikan ang puson ko.

"Meron," wika ko dahilan para lumuwang ang pagkakangiti nito.

"Talaga, sweetheart? Magiging tatay na  ako? Ilang buwan na?" sunod-sunod na tanong nito. Nagniningning ang mga mata nito nang tumingin sa akin.

"Chuck, ovary ang laman niyan, small and big intestines at kung anu-ano pa. At hindi lang 'yan buwan kundi thirty three years na." Nagsisi ako sa sagot kong iyon dahil biglang lumungkot ang mukha nito.

"I thought meron na." Bumuntong hininga ito. "Kung si Clint ang passport ko patungo sa puso mo," muli nitong hinaplos ang aking puson at nagsalitang muli, "ang batang sisibol dito ang magiging passport ko para madala kita sa altar." Hindi ako makaimik hanggang sa pangkuin niya ako papunta sa banyo para sabay kaming maligo ay hindi mawala sa utak ko ang huling sinabi nito.

"Sweetheart," wika ni Chuck habang nag-aalmusal kami. "Please consider my proposal." Hinawakan nito ang kamay ko at ramdam ko ang pagiging seryoso nito. Hindi man lang ito ngumiti gaya ng dati.

"Proposal?"

"My wedding proposal. I want us to get married, Ligs. Ayoko ng ganitong set-up. Gusto ko sa iisang bahay tayo, kasama si Clint. Gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka. Don't worry about Clint, I will treat him as my own."

"Chuck..." tanging nasambit ko dahil wala kong maapuhap na isasagot. Pinunasan ko ang kumawalang luha sa aking mga mata. Hindi ko talaga alam kung anong ang isasagot ko.

"I know what you have gone through, and I promise, hinding-hindi mo iyon mararanasan sa piling ko. Trust me, sweetheart." Hindi pa rin ako makaimik, maging nang ihatid ako nito sa boutique ay pansin ko ang pagiging matamlay nito. Hinalikan ko na lang ito sa labi bago umalis patungo sa opisina. Ginantihan rin niya ang halik na iyon pero iba ang pakiramdam ko. Tila balot na balot ng madilim na aura ang mukha nito.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon