Chapter 38

17.2K 187 6
                                    

Chapter 38

Dumating ang araw ng biyernes, excited na si Clint pumunta sa condo ni Chuck. Napagkasunduan kasi ng mga ito na magkaroon ng jamming session kasama ang ilang kasamahan ni Chuck sa banda no'ng college. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla ay parang naeengganyo na naman si Clint sa music.

Walong taong gulang pa lang siya noon nang bilhan nina mom at dad ng gitara dahil nakikita ng mga magulang ko na may potensiyal daw ito na maging singer. They even enrolled my son into some kind of voice and guitar lessons pero nang matapos ang isang taon ay nawalan rin ng gana dahil naengganyo sa pagba-basketball. At ngayon, tila nahahatak na naman ito sa music nang malaman na nagbabanda si Chuck.

Hindi ko alam kung kanino namana ni Clint ang pagkahilig nito sa musika at sa basketball dahil wala akong hilig sa mga iyon mas lalo na ang ama nito. Sa pagkakaalam ko, babae lang ang hilig ng gagong iyon.

"Mom, let's go," aya ni Clint sa akin. Baliktad ang pagkakasuot nito ng itim na cap na may malaking letter C sa harap. Nakasuot rin ito ng white t-shirt at faded jeans. Matangkad ito sa edad na trese anyos at alam kong namana niya iyon kay Fern.

"Alas dos pa lang ng hapon, Clint," wika ko habang inaayos ang dadalhin nitong damit dahil sa condo ng ama ito tutuloy pagkatapos ng jamming session sa condo ni Chuck. "Ang sabi ni Chuck susunduin niya tayo. Saka pwede ba, maupo ka nga at nahihilo ako sa 'yo. Kanina ka pa hindi mapakali diyan. Ano, okay na ba itong mga damit na dadalhin mo?"

Hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang mga gamit niya bagkus ay umupo ito saka bumuntong-hininga. "Mom, pwede huwag na muna ako pumunta sa condo ni dad? Kahit ngayong weekend lang?"

"Why?"

"I'm not in a mood to go there. Next weekend na lang siguro. Please, mom?"  pakiusap nito.

"He is your father, Clint. Hindi ba matagal mo ng inaasam na makasama mo ang dad mo? This is your chance, anak."

"I find it boring," wika nito saka kumibot-kibot ang labi na tila may sinasabi na hindi ko maintindihan. Nakaupo lang ito sa gilid ng sopa at nakahalukipkip.

"Music isn't boring, Clint. Don't tell me nagbago na ang isip mo? Hindi ka na pupunta sa condo?" sunud-sunod na tanong ni Chuck. Hindi namin namalayan na nakapasok na pala ito sa bahay. Sabay kaming napalingon ni Clint sa gawi nito. As usual, nakasuot na naman ito ng hi-cut leather shoes at ang damit? Naku tila tatambay na naman sa kanto. May suot din itong itim na cap na may nakalagay na malaking letter C kagaya ng kay Clint.

Biglang lumiwanag ang mukha ni Clint nang makita si Chuck. "I thought hindi ka na dadating." Tumayo ito at nakipag-fist bump.

Parang gusto kong magselos sa nakikita kong pagiging malapit ni Chuck kay Clint. Parang naitsapwera na ako sa tuwing magkasama ang dalawang ito. Kagaya ngayon, parang hindi ako nag-eexist sa paningin ni Chuck. Na kay Clint ang buong atensiyon niya at tila isa lamang akong poste na nakatayo sa harapan nila.

"Pwede ba 'yon?" Tinanggal nito ang cap ni Clint saka ginulo ang buhok kaya umangal ang anak ko. Tumawa naman nang tumawa si Chuck. "Nangako ako kaya nga nandito na ako but if you find it boring, we can play basketball instead."

"I didn't say it's boring."

"Hoy, sinong niloko mo? Narinig ko kaya ang sinabi mo kanina."

"It's not what you think it is." Tumawa si Clint. "Tsismoso ka kasi."

"I'm not. 'Yun kaya ang narinig ko."

"I don't wanna spend my weekend at dad's place. Iyon ang pinag-uusapan namin ni mom nang dumating ka, kaya mali ang pagkakaintindi mo." Biglang lumungkot ang mukha nito saka naupo sa sopa. "Napakaboring sa condo niya."

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now