Chapter 18

20.9K 473 13
                                    

Chapter 18

Matapos ang pangungurot ko sa kaniya ay nagpunta na kami sa bar. Gaya ng dati maraming tao sa loob niyon. Nakahawak si Chuck sa baywang ko habang hinahanap namin ang mga kaibigan niya. Maraming bumabati kay Chuck nang mapadaan kami sa umpukan ng mga kalalakihan. Tumango lang ito at mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang ko na para bang ipinangangalandakan na taken na ako.

"Chuck pare," dinig kong sigaw no'ng lalaki. "Ganda ng kasama mo, ah. New bed warmer?" Sinipat ako nito mula ulo hanggang paa kaya nagtiim ang mga panga ni Chuck.

"Dito ka lang. May tuturuan lang ang ako ng leksiyon." Tinanggal ni Chuck ang kamay niya sa baywang ko at nilapitan 'yung lalaki. Kitang-kita ko nang kuwelyuhan ni Chuck 'yung lalaki saka may ibinulong. Wari namang natakot 'yung lalaki dahil itinaas nito ang dalawang kamay. Nilapitan ko si Chuck dahil ayokong mapaaway ito.

"Chuck, please, huwag kang manggulo rito," bulong ko.
Tiim bagang niyang binitawan 'yung lalaki saka itinulak sa sopa na naroon. Akma nitong susuntukin iyon subalit pinigilan ko ito at inilayo roon.

"Fuck you," wika ni Chuck doon sa lalaki saka itinaas ang kanang kamay at nagdirty finger.

"Control your emotion, Chuck, please? sigaw ko para marinig nito dahil malakas ang musika sa gawing iyon.

"They have no right to call you names like that. Hindi ka ganoon."

Napahanga ako sa lalaking ito dahil sa sinabi niyang iyon. Pinatutunayan niya talaga na kaya niya akong ipagtanggol sa mga lalaking iyon.

Mayamaya ay namataan namin sa hindi kalayuan ang mesa ng mga kaibigan niya. Lumapit kami roon at gayon na lang ang gulat ng mga ito nang makita kaming magkasama.

"Chuck pare," wika ni Eric. Tumayo ito at nakipag-fist bump kay Chuck ganoon din ang mga kasamahan nito. "I thought hindi ka darating?"

Ngumiti si Chuck. "I've changed my mind."

"At kasama mo pa si Ligs," wika ni Chad saka tumingin sa akin. "Hi, Ligs."

"Hi, Chad. Hi, Eric," nakangiting bati ko sa kanila. Lumapit ang mga ito sa amin para halikan ako sa pisngi ngunit humarang si Chuck. Narinig ko na lang ang tawa ng dalawa maging ng mga lalaking naroon sa mesa.

"What a possessive bastard!" bulong ni Eric pero narinig ng lahat kaya nagtawanan na naman ang mga ito.

Matapos akong ipakilala ni Chuck sa mga kaibigan nito ay naupo na kami. Pansin ko ang ilang bote ng mamahaling alak na nakapatong sa mesa. Kanina pa siguro nag-iinom ang mga ito, medyo lasing na rin 'yun iba pero maayos namang kausap.

"So kanina ka pa rito, Ligs?" tanong no'ng nagngangalang Nick.

"Magkasama kami ni Chuck papunta rito," sagot ko na ikinaawang ng labi nito.

"Whoa! So Chuck pare, you're already smitten by this gorgeous lady. Tell me marunong ka na rin ba ng salitang hatid-sundo?"

"Sinundo ko si Ligs sa bahay niya," sagot ni Chuck at inabutan ako nito ng bote ng beer. "Huwag na huwag kang tatanggap ng alak kahit kanino maliban sa akin," bulong nito. Kinuha  ko na lang ang beer dahil nakakahiya sa mga kaharap namin kung hindi ako iinom.

"Kung dati may meeting place kayo ng mga naging date mo, ngayon may paghatid-sundo ka ng nalalaman," wika naman ni Wammy. "Lumelevel-up na ang certified playboy, guys. Cheers to that, guys!" Itinaas nito ang hawak na baso ganoon din ang mga kaibigan ni Chuck.

"Cheers!" sigaw ng mga ito na ikinailing ni Chuck.

"Shut the hell up! Baka maniwala sa inyo ang sweetheart ko." Bumaling ito sa akin. "Huwag na huwag kang maniniwala sa kanila, sweetheart, nagsisinungaling ang mga 'yan."

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon