Chapter 31

17.7K 179 2
                                    

Chapter 31

"Sweetheart, I have to go. I need to attend this meeting but don't worry I'll make it up to you as soon as the..."

Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod na sinabi ni Chuck dahil ibinaba ko na ang phone. Kailangan kong um-attend sa annual meeting na iyon pero male-late ako kung uuwi pa ako sa bahay para magbihis. Leche! Bakit ba kasi pumayag pa ako na dito matulog sa condo niya.

Tatayo na sana ako para pumunta sa walk-in closet nang mahagip ng paningin ko ang isang 'di kalakihang paper bag sa paanan ng kama. Kinuha ko iyon at tiningnan ang laman. Laking pasasalamat ko nang makitang damit pambabae ang laman niyon. Hindi na ako nagdalawang-isip pa, kinuha ko iyon para isuot nang may malaglag na maliit na papel. Kinuha ko iyon at binasa:

'Wear this, sweetheart. I'll pick you up at 1pm.'

C.F.

Napailing na lang ako sa nabasa. Pick you up at 1pm, eh alam ko naman na hindi basta-basta matatapos ang annual meeting sa ganoong oras. Bahala siya, sa ngayon kailangan kong magmadali dahil male-late na ako. Baka sabihin ng mga iyon na masyado akong paimportante.

Matapos magbihis ay pinasadahan ko ang aking kabuuan sa salamin na naroon. Kulay moss green ang suot kong damit na hanggang tuhod ang laylayan pero may slit na kalahating dangkal sa gawing kaliwa. One-piece long sleeve dress iyon na may plunging neckline at parang isinukat sa katawan ko. Hindi ko alam kung si Chuck ang pumili nito o 'yung sekretarya niya pero kung sino man sa kanila, aaminin ko magaling siyang pumili.

Matapos patuyuin ang buhok ay itinali ko na iyon at naglagay ng make-up. Kinuha ko ang purse at nagsuot ng sapatos saka lumabas na ng kwarto habang humihiling na sana hindi pa dumarating ang tagalinis ni Chuck. Paglabas ko sa unit ay dali-dali akong sumakay ng elevator  pababa sa parking area kung saan naroroon ang kotse ko.

Laking pasasalamat ko na kotse ko ang ginamit namin kagabi dahil hindi na ako mahihirapan mag-abang ng taxi patungo sa Faulker Industries. Saktong alas nuwebe narating ko ang building ni Mrs. Sayes. Matapos i-park ang kotse ay dali-dali akong lumabas at tinungo ang elevator paakyat sa opisina ni Mrs. Sayes. Napakunot ang noo ni Grace nang makita ako.

"Good morning, Miss Elena," bati nito sa akin. Nginitian ko lang ito bilang tugon. "Mrs. Sayes can't talk to you right now—"

"Miss Grace, just tell her I'm already here," tanging nasabi ko. Hindi siguro na-inform si Grace na isa ako sa mga dadalo sa annual meeting.

"Right away, Miss Elena." Umalis na ito sa harapan ko at nang bumalik ay kaagad akong in-assist papunta sa conference room. "You're so sexy, Miss Elena. Mukha kayong modelo," wika nito.

"Thanks," tanging sagot ko dahil kinakabahan ako sa kung ano ang mangyayari sa annual meeting na iyon. Malalaking negosyante ang makakaharap ko at alam kong hindi ako makasasabay  sa kung ano man ang pag-uusapan sa meeting.

Parang gusto kong magback out nang bumukas ang pinto ng conference room sa sobrang kaba. Kita ko ang mga taong naroroon na sabay-sabay na napatingin sa gawi namin ni Grace. Kung hindi ako nagkakamali ay lagpas sa sampu ang mga iyon. Napakaluwang ng pagkakangiti ni Mrs. Sayes nang makita ako, gulat naman ang mababanaag sa mukha ni Chuck pero tumayo ito at sinalubong ako kaya lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko. Huwag lang ito magkakamali na yakapin ako dahil hindi ako mangingiming sampalin siya sa harap ng mga taong naririto.

"Hi," bati nito at bumeso sa akin saka bumulong. "Beautiful. Just the way I imagine."

Bagama't narinig ko ang papuri nito ay hindi ko na iyon pinansin, pinanatili kong pormal ang reaksiyon ng aking mukha dahil  papalapit si  Mrs. Sayes sa gawi namin ni Chuck.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon