Chapter 27

19.6K 166 2
                                    


Chapter 27

"Nakipagpustahan ka sa Zid na 'yon?" tanong ko nang makapasok na kami sa unit niya. Minsan hindi ko talaga maintindihan kung anong klaseng utak mayroon ang lalaking ito. Kung bakit kailangan niya pang gawin iyon, eh, marami naman siyang pera. Bakit kailangan niya pang makipagpustahan? Bakit kailangan pang magsugal?

Umupo ito sa tabi ko at minasahe na naman ang aking mga paa. Napailing na lang ako.

"I need to do that, sweetheart. For the company," paliwanag nito habang patuloy na minamasahe ang paa ko. "I want him out of my company. Bibilhin ko ang shares niya sa ayaw at sa gusto niya."

"And you think papayag siya?"

"Iyon ang napagkasunduan namin bago ako pumayag sa drag racing na iyon. Nakipagpustahan siya na kapag ako ang nanalo, ibebenta niya sa akin lahat ng shares na meron siya sa kompanya. Pero gaya ng marinig mo kanina wala siyang balak gawin iyon. Damn that bastard!" Kita ko ang paggalaw ng panga nito tanda ng sobrang galit.

"Is it because of what happened five years ago?" Hindi ko mapigilang hindi itanong sa kaniya. Gusto kong makumpirma kung tama ang narinig ko kanina. Kung tama ang sinabi ni Zid na hindi si Chuck tumupad sa napag-usapan kaya ngayon ay parang gumaganti ito.

"I kept my promise," diretsang sagot nito sa akin. "Nagpaubaya ako, hindi kita nilapitan. Gusto kitang hanapin pero pinigilan ko ang aking sarili dahil sa pustahan na iyon. Pero hindi ko kayang makita ang babaing mahal ko na pagpasa-pasahan ng kung sinu-sino. Ang usapan liligawan ka lang niya. Wala sa usapan namin na paiinumin ka ng droga at gawing laruan niya." Kumuyom ang dalawang kamao nito. "Mapapatay ko siya."

Naalala ko na naman ang gabing iyon. Ang gabing gusto ko ng kalimutan pero hindi ko alam kung bakit pilit pa ring sumsagi sa utak ko ang pangyayaring iyon. May mga pagkakataon na gusto kong tumakbo nang literal, magpakalayo-layo, kung minsan naman pinapanalangin ko na sana bumuka na lang ang lupa at lamunin ako. Nahihiya ako sa aking sarili dahil sa mga pinaggagagawa ko nang gabing iyon kasama ang lalaking katabi ko ngayon.

"I'm sorry, sweetheart."Ginagap ni Chuck ang kamay ko. "I didn't mean to—"

"It's okay," bigla kong saad. "That's the truth anyway." Itinakip ko sa aking mukha ang sariling mga kamay dahil nahihiya ako,  ayoko ring makita niya ang mga luhang nagbabantang malaglag sa mga mata ko.

"I'm sorry. Hindi ko na dapat pinaalala pa." Niyakap ako nito habang patuloy ang pagluha ko.

Ilang minuto rin kami sa ganoong ayos hanggang sa pangkuin ako nito at dalhin sa kwarto niya. Matapos niya akong ilapag sa malambot na kama ay kinumutan ako nito saka humiga sa tabi ko.

"Matulog na tayo. It's already three o'clock in the morning," wika nito at hinalikan ako sa noo. "I love you."

Busog na busog ako sa 'I love you' nito pero hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya dahil maging sa sarili ko ay hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman. Isa lang ang alam ko—magulo ang buhay ko sa kasalukuyan at ayokong idamay si Chuck sa sitwasyong kinasusuungan ko ngayon.

Nagising ako kinaumagahan na wala na naman si Chuck sa aking tabi. Napasimangot ako subalit napawi rin iyon nang makita ko ang isang long-stemmed rose sa parte ng kama kung saan humiga si Chuck. Inabot ko iyon saka inamoy habang nakahiga. That man really knows how to make me smile. Napapangiti niya ako kahit sa mga simpleng bagay gaya nito. Mga bagay na hindi ko akalaing magagawa ng isang lalaki sa akin. Again, another first. A Charles Faulker way. And I hate to admit it but I like the way he's treating me as if I am the queen.

Bumangon na ako at nagtuloy sa banyo para maligo. Kailangan ko ng umalis dahil ngayon naka-schedule ang pagpunta ko sa kabilang bayan para tingnan ang construction ng panibagong branch ng boutique. Nagmadali akong maligo at lumabas ng banyo nang may nakataping  tuwalya sa katawan ko. Muli kong kinuha ang rosas at inamoy iyon.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon