Chapter 51

16.3K 194 11
                                    

Chapter 51

"Mamita!" Nagulat ako nang mabungaran ko si Mrs. Sayes sa labas ng grocery store. Hinalikan ako nito sa pisngi at niyakap nang mahigpit.

"It's been weeks, EJ. Ngayon lang ulit kita nakita, iha. Kumusta ka na?"

"Okay naman po ako, Mamita. Kayo po kumusta na?" Nagi-guilty ako habang pinagmamasdan ang masayahing mukha nito. Hindi ko masabi sa kaniya ang tunay na nangyayari sa amin ni Chuck.

"I'm fine, iha." Napatingin ito sa mga pinamili ko. "Sayang, yayayain sana kitang mag-coffee. Nagmamadali ka ba?"

Nag-aalangan ako sa isasagot sa kaniya. Gusto ko ng makaalis sa establisyimentong ito. Nagsisisi tuloy ako na dito pa ako nag-grocery. Pag-aari ni Mamita ang mall kung saan naroon ang grocery store kaya hindi maiiwasang magkita kami.

"It's okay, ma'am. Ako na po ang bahala sa mga pinamili ninyo," wika ni Cris, ang bodyguard na kinuha ni Chuck para sa akin. Wala na akong nagawa nang madatnan namin ito ni Chuck sa boutique. Kasama nito ang girlfriend na si Linda na isa ring bodyguard. "Si Linda na po ang bahala sa inyo."

"Isama mo na si Linda. Sa sasakyan n'yo na lang ako hintayin."

"Pasensiya na po, ma'am," wika ni Linda na ipinagtaka ni Mamita. "Bilin po kasi ni Sir na samahan kayo kahit saan kayo magpunta. Para na rin po 'yon sa inyong seguridad." Nakatayo pa rin ito sa tabi ko at kinuha naman ni Cris ang aking mga pinamili saka nagpaalam.

"Mga bodyguards mo, iha?" tanong ni Mamita. Tumango lang ako. "At sinong sir ang tinutukoy niya?" Kinabahan ako sa isasagot dito.

"Boyfriend po ni Miss Magtibay, Mrs. Sayes," paliwanag ni Linda na ipinagpasalamat ko ng lihim. Nakokonsensiya na ako sa harapan ng lola ni Chuck.

"So let's go, EJ?" Hinawakan ni Mamita ang braso ko at iginiya ako papunta sa isang coffeeshop. "I'm starting to like your boyfriend, iha. Kumuha siya ng mga bodyguards para sa 'yo. When will I meet him?"

Natigilan ako sa sinabi nito. Maging ng dumating ang waiter ay wala akong kibo. Nagtatalo ang isipan ko kung sasabihin ko sa kaniya na nanliligaw si Chuck sa akin.

"So, iha, as I said a while ago, when will I meet your boyfriend? I am going to celebrate my birthday next week. I will be expecting the two of you to be there."

"Mamita," wika ko at uminom muna ng kape. "Gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi ko pa po siya boyfriend. You know, I am not yet ready to entertain any suitor, pero makulit po ang isang iyon." Parang nabawasan ang bigat na dinadala ko matapos sabihin iyon. "And then this morning, pinagkaisahan nila ako ni Clint and guess what, Mamita? He got my son's approval kaya napilitan akong bigyan ng chance ang makulit na iyon."

Napangiti na lang ito. "He really loves you, iha. Imagine nakuha niya ang loob ng anak mo gayong napakahirap hulihin ng loob noon." Uminom ito ng kape saka tinitigan ako nang maigi. "So, kailan mo siya planong sagutin?"

"Honestly, Mamita, nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko siya," sagot ko dahilan para lalong lumuwang ang pagkakangiti nito. Kinuha nito ang kamay ko at hinawakan nang mahigpit. "EJ, iha, how do you find my apo?" Nagulat ako sa tanong nito. "I mean may chance ba na magustuhan mo ang aking apo kung sakaling manligaw siya sa 'yo?"

"Mamita...?" Napakunot ang noo ko.

"You know, EJ, I like you. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, gusto kita para sa aking apo."

Hindi ako makapagsalita. Wala talaga siguro itong alam tungkol sa amin ni Chuck. Kung noon ay puro pasaring lang na gusto niya ako para sa apo niya, ngayon ay parang ipinagduduldulan na niya si Chuck sa akin. Kung hindi lang ako nahihiya sa kaniya, sinabi ko na kung ano ang totoong nangyayari sa amin ng apo niya.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon