Chapter 56

18.7K 207 4
                                    

Thanks, readers! As of today, August 9, 2018, #55 ang story na ito sa Romance Category.


Chapter 56

Kinabukasan ay sabay kaming bumaba ni Chuck sa lobby. May sorpresa raw siya sa akin at doon na lang daw namin hintayin. Paglabas namin ng elevator ay nag-ring ang cellphone ni Chuck. Sinagot niya iyon kaya nauna na ako. Umupo ako sa sopa at ipinasyang doon na lang maghintay.

"Good morning, Ligs." Napalingon ako nang marinig ang aking pangalan. Nasa gawing likuran ko si Jackson, kakaiba ang ngiti nito na aking ipinagtaka. Sa edad kong treinta y tres, gamay ko na ang mga ngiti na katulad ng sa kaniya. Umupo ito sa pang-isahang sopa sa gawing tagiliran ko at hindi maalis ang pagkakatitig sa akin. "Where's Chuck?"

"May kausap sa phone. Parating na rin 'yun," sagot ko. Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid na abala sa kani-kaniyang gawain. Mga taong papasok para magcheck-in at mga staff na abala sa pag-e-entertain ng mga bisita. Naroon din ang mga batang kasama ng kanilang mga magulang para magbakasyon. "Nice hotel," komento ko mayamaya na ikinangiti nito. Ngayong alam ko na na kaibigan ito ni Chuck ay pakikisamahan ko ito nang maayos kahit ayoko sa ugali nito.

"Thank you." Nakatitig pa rin ito sa akin na waring may gustong sabihin.

"Do you really love Chuck?" tanong nito na ikinagulat ko. "I mean, you are too young. Hindi ka ba natatakot na lokohin ka lang niya? Kilala ko ang kaibigan kong iyon, wala iyong sineseryoso na babae."

Kumunot ang noo ko. Kaibigan niya si Chuck pero bakit sinisiraan niya sa akin?

"Marami ka pang makikilalang lalaki na mas higit pa sa kaniya," patuloy pa nito. "Tumingin ka lang sa paligid mo."

Lalong sumidhi ang inis na nararamdaman ko sa lalaking ito. Bakit ganito siya magsalita patungkol sa kaibigan niya?

Inilibot ko ang aking paningin at nang hindi ko makita si Chuck ay ibinalik ko ang paningin sa gawi nito. "Lalaking mas higit pa sa kaniya? You mean to say ikaw ang lalaking iyon?" direktang tanong ko rito sa sobrang inis.

"Yup! You got it right." Ngumisi ito kaya lalo akong nainis. "Gaya ng sabi ko sa 'yo, I fell in love with you the moment you set your foot here at my hotel. Makipaghiwalay ka sa kaniya and be with me. I could give you everything. Mas pa sa ibinibigay sa 'yo ni Chuck."

Nagpupuyos ang kalooban ko sa mga sinabi nito. Anong palagay niya sa akin, babaing bayaran?

"Pag-isipan mo," saad pa nito. "You're better off without him. Lolokohin ka lang niya. With me, you will live a life like a princess. And one more thing," inilapit nito ang mukha sa akin saka bumulong, "I am much better when it comes to bed." Doon na napigtas ang pinipigilan kong galit. Matiim kong tinitigan ang pagmumukha ng Jackson na ito. Hindi naman nagkakalayo ang hitsura nila ni Chuck, pero malayong-malayo ang ugali nito kumpara sa ugali ni Chuck. At kung bastos si Chuck, maniyakis ang lalaking ito.

"For your information, mister," panimula ko dahil gusto kong supalpalin ang lalaking kaharap. "I lived my life like a princess long before you were born and when I met Chuck, even though I didn't like him at first because of our age gap, he never give up, he treated me like a queen. In fact more than a queen, so why would I choose a man like you?" Tinaasan ko ito ng kilay saka nagpatuloy, "Without Chuck, I have everything more than I want, but with him, I could have all the things in the world in just a snap of my finger." Napaawang ang labi ni Jackson dahil sa mga sinabi ko. Buti nga sa kaniya dahil hindi ako basta na lang papayag na apakan ang aking dignidad ng isang lalaking walang respeto gaya niya. Mas matanda ako sa kaniya kaya matuto siyang gumalang.

"But-" magsasalita pa sana ito nang may maramdaman ako mga kamay na humaplos sa balikat ko. Alam kong si Chuck iyon dahil kabisadong-kabisado ko na ang palad nito sa tuwing masasayaran ang aking balat.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon