Chapter 22

18.8K 186 0
                                    


Chapter 22

Shit! Bigla akong kinabahan nang makita kong  papalapit si Chuck sa gawi namin ni Mrs. Sayes. Nakangiti ito pero mababanaag sa mukha ang pagod at lungkot na waring walang magandang naidulot ang pagpunta nito sa kabilang bayan. Wala namang reaksiyon mula kay Mrs. Sayes, maging nang humalik dito si Chuck ay parang wala lang.

"Hi, Mamita," bati ni Chuck. Tiningnan lang ito ni Mrs. Sayes, itinaas ang dalawang kilay saka tumingin sa akin. Lalo akong nakonsensiya dahil parang balewala lang dito ang presensiya ng sariling apo. Magsasalita pa sana si Chuck nang biglang itaas ni Mrs. Sayes ang kaliwang kamay para patigilin ito.

"So, I bet magkakilala na kayo ni EJ?" tanong nito kay Chuck pero sa akin pa rin nakatingin.

"Yes, Mamita," nakangiting sagot ni Chuck saka humalik sa pisngi ko. "Hi, sweetheart," mahinang bulong nito kaya lalo akong kinabahan. Kung walang napadaang empleyado na bumati kay Mrs. Sayes malamang narinig na nito ang endearment ng apo niya sa akin. Tumabi ito sa akin matapos bumeso. "Actually, we met—" diretso itong tumingin sa mga mata ko na parang tinatantiya kung ano ang magiging reaksiyon ko sa susunod niyang sasabihin.

"Last saturday, Mrs. Sayes," kaagad kong wika dahil kinakabahan ako sa maaaring sabihin ni Chuck.

Napakunot ang noo nito. "Mrs. Sayes? I told you, Mamita ang itawag mo sa akin, hija."

"Yes, Mamita. I'm sorry." Ngumiti ito sa akin maging si Chuck ay hindi mapigilang hindi mapangiti dahil tinawag kong Mamita ang lola niya.

"How I wish I had a granddaughter like you, EJ." Bumuntong-hininga ito na tila may naaalala. Mayamaya ay hinawakan nito ng kamay ko at iginiya ako papasok ng elevator habang nakasunod si Chuck sa amin.

Wala akong imik nang nasa loob na kami ng elevator, nakikiramdam lang ako sa tensiyong namamagitan sa mag-lola. Blangko ang mukha ni Chuck habang panay ang kuwento ni Mrs. Sayes tungkol sa negosyo hanggang sa maagaw ang pansin nito dahil sa suot kong hikaw. Napako ang paningin nito sa magkabila kong tainga na waring kinikilatis kung totoo ang suot kong diamond earrings. Itinaas nito ang kanang kamay at hinawakan ang hikaw na suot ko.

"I can't believe na mahahawakan ko siya. Hanggang tingin lang ako sa earrings na ito nang magkaroon ng auction sa Thailand. Congrats, hija," nakangiti nitong saad pero napansin ko ang  lungkot sa mga mata nito. "Kung sino man ang nagbigay nito sa iyo, hija, alam kong mahal ka niya." Napatda ako sa sinabi nito. Papaano niya nalaman na bigay lang ito sa akin? Bumaling ito sa kaniyang apo. "Chuck, do you remember that earrings?" Kinabahan ako kaya napatingin ako kay Chuck, nananalangin na sana huwag nitong sabihin na sa kaniya nanggaling ang diamond earrings.

"Of course, Mamita. How could I ever forget that set of earrings?" Umangat ang isang sulok ng labi nito at kitang-kita iyon ni Mrs. Sayes. "I bid millions just to—"

"And sad to say, hindi mo  nakuha," agaw ni Mrs. Sayes sa iba pang sasabihin ni Chuck. Pumormal ang mukha  nito saka tumingin sa akin. "Anyway, hija, it looks good on you. May I know who's the lucky guy?"

"Lucky guy?" Natulala ako sa sinabi nito. "Why, Mamita?"

"Hija, that earrings has a myth." Natigilan ako sa tinuran  nito. Napatingin ako kay Chuck na nasa gawing likuran ni Mrs. Sayes. Nakangisi pa rin ito na tila tuwang-tuwa sa pagkukuwento ng sarili niyang lola.

"Myth?"

"Yes." Bumukas ang pinto ng elevator kaya lumabas na kami habang patuloy ang pagkukuwento ni Mamita. "Bawal 'yan ibenta sa babae that's why mga lalaki lang ang pinahintulutang mag-bid para sa hikaw na 'yan. Sinabi rin no'ng dating may-ari na ang hikaw  na 'yan ay may taglay  na katangiang magpagaling o gumaling ang sinumang magsusuot niyan."

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon