"Yes Carmela?"

"Tumawag po si Mr. Alvarez, tuloy daw po yung plano." She said. Para siyang hindi mapakali. I told her already that she's fired. Ano pang ginagawa niya dito.

"Okay. Thanks Carmela." He said then smiled at her.

He smiled at her. Samantalang ako, ni hindi ko siya mapangiti kahit mag tat a tumbling pa ako. The way he calls her name, parang may kakaiba. May feelings. Samantalang ako, ni hindi niya matawag yung pangalan ko. Sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko, may poot akong nararamdaman. Kasalanan ko. Kasalanan ko talaga.

Parang nawalan ako ng gana. Nauna nang maglakad si Alexander at inirapan ko yung babaeng Carmela daw ang pangalan. Well she's pretty. Kamukha nga siya ni Lucia pero mas maganda ako.

"Hop in." Sabi niya nang nasa kotse na niya kami. Feeling ko normal na couple lang kami.

Habang on the way kami, nakangisi pa din ako na parang baliw. Pano naman kasi this is the first time that he invited me for lunch. Kahit nga pang display sa mga lunch meeting  hindi niya ako sinasama. Mas sinasama niya pa yung dati niyang secretary. Hindi naman ako nag worry noon dahil matanda na iyon.

We arrived at his friend's restaurant. It's called Infinite Cravings dahil pag kumain ka daw doon, hindi mo mapipigilang umorder pa, hindi raw uso ang diet don. Pumasok na kami agad at naabutan naming doon si Guideon. Guideon is one of Alexander's best buddies.

"Yow. Mukhang may date kayo ah." Panimula agad niya.

"Yes." Ako na yung sumagot dahil mukhang wala naming balak sumagot si Alexander. Nakasimangot na kasi ulet siya.

"Oooooh. What is it that you're not telling me bro?" Mapanuyang sabi ni Guideon kay Alexander. By the way. Guideon is a married guy already. Kinasal siya two years ago. Arranged marriage at hindi niya mahal yung asawa niya. No wonder napapabalitang kabit niya ang isang sikat na fashion designer na si Veronica Bellerose

"Tss. You and your stupid mouth Guideon." Finally nagsalita na si Alexander.

"Umupo na kaya tayo." I said half irritated. Nakakangawit kaya! Ang taas ng takong ko!

Iginaya kami ni Guideon sa isang bakanteng upuan. Walang masyadong tao kahit lunch na. Usually kasi, malakas ang benta nila kapag dinner. Fine dining kasi ang restaurant na 'to.

"So pare—" He was cut off by Alexander.

"Leave us alone Guideon."

Nag-kibit balikat lang si Guideon at saka sumibat. Inentertain niya muna yung ibang customer habang pumipili kami ng makakain. I chose Pan seared salmon and mashed potato samantalag pasta naman ang inorder ni Alexander. Tahimik lang siya habang hinihintay yung order niya. Habang ako naman nakangisi pa din.

Ntigilan ako nang makita ko ang inorder niya. Seafood Carbonara. Ito ang paborito ni Lucia. Marahil ay namimiss nanaman niya iyon. When will he learn to let go?

-

"Anong sabi mo?" Gulat na gulat at hindi makapaniwalang tanong k okay Lucia. Hindi. Mali lang yung narinig ko.

"I have Leukemia. Stage 4." Dirediretsong sabi niyaat halatang pinipigilan ang luha.

"B-baka nagkakamali lang sila? Halika. Patingin ka ulit." Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Sh!t bakit nangyayari 'to? Hindi pwedeng mangyari 'to.

"Hindi. Sigurado na ko." Sabi niya nang nakayuko.

"Ano ka ba naman?! Bakit ka ganyan? Kung makapag salita ka para kang mamamatay!" Sigaw ko sa kaya. Hindi. Si Lucia lang ang kaibigan ko. Ayokong mawala siya sakin. Kaya pala hindi na siya nag aral. Kaya pala hindi na siya nagpapakita. Kung hindi ko lang pinilit na pasukin ang kwarto niya hindi ko malalaman ang kalagayan niya.

"3 months. I only have 3 months to live." Sabi niya at sinundan ng isang malakas na hikbi.

"W-what?"  Sa isang sigundo, para akong nanigas. Tatlong buwan? Hindi pwede. Magkasama kaming tatanda hindi siya mamamatay.

"Sabihin mong hindi totoo." Sabi ko.

"Totoo Scar. I'm sorry ngayon ko lang sinabi." Humihikbi pa din siya.

"A-alam niya na?" Tanong ko kahit tuloy pa din ang pag tulo ng luha ko.

"N-no."

"I'll tell him." Agad akong tumayo pero pinigilan niya ako.

"Please don't." Nakayuko at umiiyak niyang sabi.

Hindi ako mapakali. Kailangan malaman ni Xander ito. I still can't believe that my best friend is terminally ill.

"Best, hindi na ako magtatagal. Ni hindi ko alam kung kinabukasan may malay pa ako. Scarlette, malala na ako. Nagkaroon na ako ng tumor sa utak. Talagang hinihintay ko nalang na... na matapos na." Halos hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya dahil sa paghikbi niya.

Wala na rin akong nasabi. Umupo lang ako 'dun. Nakikinig. Dumadamay.

Bakit si Lucia pa? Bakit yung mabait pang tao ang binigyan ng ganitong sakit?

"Mangako ka sakin na kahit anong mangyari ay hinding hindi malalaman ni Alex ito." Hinawakan niya ang mga kamay ko.

Wala na akong ibang nagawa kundi tumango.

The Unwanted WomanOù les histoires vivent. Découvrez maintenant