Survival 11 | The Chaotic World

3.7K 263 18
                                    

“Be careful,” bulong ko nang makita kong aamba na silang umalis.

Huminto si Zeon na dahilan upang hindi matuloy ang kanilang paglabas. Hindi ko makita ang itsura nya dahil medyo nakatagilid sya sa akin at madilim ang paligid.

Siguro'y nabigla rin ito sa biglaan kong pagsasalita dahil nang makabawi ay nagsimula na silang maglakad palabas. Ang ilaw ng kanilang baril ay gumagala sa lupa at ang katahimikan sa paligid ang mas lalong nakakadagdag ng kaba sa akin.

Huminga ako nang malalim, at pinanood silang tuluyang maglakad paalis. Lahat ng baril namin ay may suppressors at may mga dala rin kami in case na magpalit ng baril.

Sa sobrang tahimik, ay matinding kaba ang aking nararamdaman habang pinapanood ang mga ito. Mistulang pati ang yapak ng kanilang sapatos at ang mumunting tunog sa paligid at ang mabibigat na hininga ng aking mga kasama ang nagbibigay ingay sa nakakabinging katahimikang ito.

Nang walang makitang kalaban na naghihintay sa labas ay sumenyas si Zeon upang kami'y sumunod.

I heaved a sigh before I faced the remaining survivors who look nervous and constipated, which is understandable.

“Be carefull and do not panic, okay?” Paalala ko sa kanila, lalong lalo na sa aking sarili. Nagsitanguan ang mga ito at ang iba'y humigpit ang hawak sa kanilang baril na aking nakikita dahil sa maliit na flashlights na nakadikit sa taas ng mga baril na aming hawak.

Huminga ako nang malalim at pumihit paharap, bago umapak palabas ng eroplano, kasabay ng pagtindi ng kabog ng aking puso.

The frigid breeze whispered the insect's crackles and the bats waved their wings to fly which occupied my hearing. The grayish fogs are so thick that make the surroundings more eerie and ominous but it didn't stop us from going out.

Sa katahimikan, mistulang ang mga yapak lamang ng aming sapatos sa lupa ang siyang maririnig.

Dahan-dahan akong naglakad palapit kila Zeon at sa aking likod ay nakasunod ang aming mga kasama. Napansin kong may pagkamaingay ang aming sapatos, at kailangan namin itong palitan ng running shoes upang hindi gaanong lumikha ng ingay. Nang makalapit ako kila Zeon ay bumulong ako nang sobrang tahimik at tila kami lamang ang makakarinig.

“We need to find a shoe store first.” I pointed our boots, in which, he already got the message for he nodded his head and faced in front.

One last glimpse to my group, placing my forefinger to my lips to shush them, at the same time pointing our boots, I know they already got the message.

Humarap ako at muling naalerto ang lahat.

I'm clutching my Desert Eagle in my right hand while my left hand, which holds a flashlight is crossing on it since the space for the flashlight is small and the one I'm holding is kind of medium-sized.

Patuloy kaming alerto habang naglalakad at sa sobrang kaba ay pakiramdam ko'y pati tibok ng puso ko ay rinig na rinig sa paligid!

“Relax,” Zeon who's beside me, whispered while carefully looking at his surroundings. I nodded even though I know I can't relax. I'm beyond nervous right now! Though I still tried by heaving a sigh many times until I feel my heart slowly becoming at ease. Good.

Unti-unting lumiwanag ang paligid na tila nagbigay ng pag-asa sa amin, tulad ng umaga kung kailan pasikat ang araw, ay nakatingin kami rito, pinapanood ang pag-angat ng araw sa himpapawid at panandaliang ibinaba ang pagiging alerto upang ienjoy ang aming nasa harapan.

At hindi nagtagal ay nakikita namin ang mundo sa labas ng nagtataasang pader kung saan kami nabuhay ng ilang taon. Ang mundo na wala kaming kaalam-alam noon, ay nasa harap namin ngayon.

Zombie Apocalypse: SurvivalWhere stories live. Discover now