Survival 7 | Play Dead

4.8K 326 67
                                    

WE STARTED TO MONITOR the place and Zeon never ceased to make me amazed. He gave orders gracefully and even I, one of the highest-ranking military became amazed at his skills in planning.

We landed in a silent place far from the actual city, thus, only a few zombies got alerted at our landing. And since it happened yesterday, Zeon's group already eliminated them that I was amazed when Troy maneuver the plane and there are some peek holes above the plane that stairs appeared so they could reach it. Mula sa taas ay pinagbabaril nila ang mga zombies na malamang ay nakisali kami dahil the more, the merrier.

Ngayon ay nakaupo ako sa couch habang balot na balot ng kumot ang aking katawan, nakatingin sa bintana nitong private plane na napalilibutan ng bakal mula sa labas. Madaling araw na, at ang lamig ay hindi biro kaya't halos nanginginig ang aking bibig. Wala pang araw, ngunit medyo kita na ang paligid.

The gray-colored silent surroundings made me remember every thriller movie or game I once played when I was young. I was a gamer at an early age and I love apocalyptic games, but everything changed when this virus transpired and eradicated humanity again.

Walang gaanong bahay dito, at walang mga zombies na nakikita bukod sa mga bangkay nito na nakakalat sa labas. Malayong malayo ito sa siyudad. Dito ay tahimik, at kung maaaring dito nalang kami tumira ay iyon ang aking hihilingin, ngunit hindi maaari.

Dahil kulang na kulang ang aming pagkain.

“It's too early for those thoughts.”

Halos mapalundag ako nang may marinig na boses mula sa aking likod. Napahawak ako sa aking dibdib at siguradong kung may sakit lang ako ng puso ay baka inatake na ako.

Mabilis akong pumihit paharap at nakita si Zeon na nakasuot ng kulay puting sando at pang-sundalong pantalon pa rin, habang may hawak-hawak na dalawang baso sa kanyang magkabilaang kamay na aking naamoy ay kape. Mukhang kaliligo lamang nya base sa medyo basa niyang buhok.

Nang makalapit ito sa akin ay inabot nya ang isa nyang hawak, na hindi ako nagdalawang isip upang kuhanin iyon.

“Thanks.” Mahina kong bulong, at nakaramdam ng hiya sa kagigising kong itsura.

Tumabi ito sa isang couch malapit sa akin at tahimik na humigop sa kanyang kape. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya at muling bumaling sa labas.

Nanaig ang katahimikan sa aming paligid. Tanging ang paghugot at pagbuga lamang ng aming paghinga ang maririnig sa buong paligid. Tulog pa ang iba dahil kaunting ingay pa lamang ang aking naririnig, ngunit mayroon na ring mga kumikilos kahit na anong oras pa lamang ngayon.

“Are you ready?” Tanong nya nang mapansin sigurong wala akong balak magsalita.

Hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili. Ready na ba ako?

“Hindi ko alam.” Humarap ako sa kanya upang hindi bastos kausap.

“Kung sasabihin nating ready ako ngayon, ready tayo ngayon, paano na kapag nakalabas na tayo sa sasakyang 'to? Yes, as of now, we could say that we are still safe, we are prepared. Pero hindi natin alam na sa oras na pagtapak natin palabas sa ay may naghihintay na panganib sa atin.” Binaba ko ang aking tingin sa kape pinanuod ang repleksyon. Mapait akong natawa. “Any minutes from now, we could be in danger.”

Wala akong nakuhang sagot sa kanya, kaya unti-unti kong inangat ang aking paningin dito ngunit nanginig ang aking katawan nang makitang titig na titig ito sa akin. Mabilis akong napainom sa aking kape, at lihim na nagpasalamat na mabuti nalang at hindi iyon natapon, at hindi rin ako napaso dulot ng pagnginig ng aking kamay.

“I'll protect you.” Natigilan ako at humarap sa kanya. Did I hear it right?

Sinalubong ko ang titig nito at tinaasan ito ng kilay upang itago ang aking tunay na emosyon. Kaba at kalituhan, iyon ang nangingibabaw sa akin.

Zombie Apocalypse: SurvivalWhere stories live. Discover now