OOHDWH CHAPTER 27

Start from the beginning
                                    

Rian, baka nakakalimutan mo. Maghahanap ka pa ng susuotin mo mamaya. Sagi ng isipan ko. Doon ko lang napagtanto na oonga pala, kaya ako pumunta dito ay dahil aayain ko ito umalis. Nawala na ito sa loob ko dahil sa nangyare kanina.

"Osige tara." Sabay dampot ko sa bag ko na nasa gilid ng couch. Tinanggal na din ni Heather yung saksak ng tv at nauna na itong lumabas.

"Okay lang ba kung samahan mo muna ako?" Iyon agad ang binungad ko pagkasakay na pagkasakay ko sa sasakyan nito.

"Saan?" Tanong nito habang iniistart na ang kotse niya.

"Maghahanap sana ako ng susuotin mamayang gabi. May mga damit naman na ako kaso parang gusto ko parin tumingin just in case. Please?" Pagpapacute ko dito. Akala mo ba ikaw lang ang puwde magpacute?

Agad naman itong pumayag kahit halata sa mukha niya na parang ayaw niya. Alam niya kasi na ang tagal ko bago makapagdecide sa kung ano ang bibilhin ko. Madalas inaabot kami ng dalawang oras sa pamimili. Mabuti na nga lang at maaga pa ngayon at kabubukas lang ng mga malls kaya hindi pa ganoon kadami ang tao. So I still have time na makapamili ng maayos.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa department store agad akong naghanap ng mga magagandang dress. Pagkadating namin sa ladies section ay napukaw agad ng mata ko ang isang dress, simple lang ito pero mukhang elegante. Red ito na tube at ang haba ay hanggang paa pero meron itong slit sa bandang kanan.

Agad ko itong kinuha at pinakita kay Heather. "Bagay ba?" Pagtatanong ko. Bakas sa mukha nito na pinipigilan niyang tumawa. Tumikhim ako kaya bumalik ito sa huwisyo. "Ano naman ang nakakatawa?" Pagsusungit ko rito. Agad itong lumapit at may binulong. "Huwag ka magsuot ng tube wala naman iyan kakapitan." Sabay tawa nito.

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa sinabi niya. Hindi naman ako flat chested. Sabi ng isipan ko.

Hinampas ko ito sa braso pero patuloy lang ito sa pagtawa. Hindi ko na lang ito pinansin pa at agad na naghanap ng sales lady.

"Miss san dito ang fitting room?" Agad tinuro ng babae kung nasaan ang fitting room at sinundan ako nito. Tinignan ko sa salamin ang itsura ko. Hapit na hapit ang katawan ko sa suot ko. Pansin din ang curves ko. Lumutang din ang maputi kong repleksyon dahil sa suot ko. Hindi naman ako flat chested. Mahilig lang talaga mang-inis si Heather. Sabi ko sa sarili ko.

Ilang minuto ko pang tintignan ang sarili ko sa salamin ng naisipan ko ng bilhin ito.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa fitting room hindi ko napansin ang anino ni Heather. San naman kaya iyon pumunta? Mamaya ko nalang siya hahanapin sagi ng isipan ko. Agaf kong tinawag ang sales lady upang magrequest ng stock ng dress na iyon. Wala pang limang minuto ng bumalik ang sales lady dala dala ang pinakuha kong stock ng dress ngunit wala pa rin ang anino ni Heather.

Pagkabayad ko sa cashier ng binili kong dress ay agad kong hinanap si Heather. Sinubukan ko rin itong tawagan pero hindi naman sumasagot. Imposible naman na nainip ito dahil wala pang isang oras kami naghahanap ng susuotin ko.

Nadaan ako sa men's section ng napukaw ng pansin ko ang rebulto ni Heather. Nakatalikod ito at tumitingin ng long sleeves. Napansin ko na ang daming sales lady ang nasa harap nito at halatang kilig na kilig.

Agad akong lumapit doon at kumapit sa braso ni Heather. It is my own simple way of saying back off girls. He is mine. Napansin ko na nailang ang mga babae kay Heather ng napansin na nilang nakakapit ako sa braso nito at sinabi ko na "hub kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala." Nagsipag alisan na rin ang ibang mga babae at ang natira na lang ay ang assigned na sales lady sa area na iyon.  "Akala ko kasi aabutin ka ng dalawang oras sa pamimili ng susuotin mo kaya naisip ko na magtitingin na lang muna ng puwede kong suotin." Sabi nito habang tumitingin tingin sa mga long sleeves na nakadisplay. Minabuti ko na lang na tulungan itong mamili. Napansin ko na pasulyap sulyap parin ang mga sales lady na nag-alisan kanina ng dumating ako.

"Hirap talaga ng may guwapong boyfriend." Pagbubulong ko.

Wala akong magustuhan doon sa mga nakahilerang long sleeves kaya naisipan ko na tumingin tingin sa ibang brand ng long sleeves ng biglang lumapit su Heather dala dala ang isang pulang long sleeves. "Ano bagay ba?"

"Bakit naman pula?" Pagtatakang tanong ko, hindi naman kasi ito nagsusuot ng ganoong kulay dati.

"Syempre para bagay tayo. Pula susuotin mo dapat lang na ang prince charming mo nakapula din. Para bagay na bagay." Nakangiti nitong saad.

Kelan ka pa naging ganyan? Hindi ka naman naging cheesy dati. Pagtatanong ng utak ko.

Napansin ko na naging malungkot ang mukha nito kaya akmang ibabalik na sana nito ang kinuhang long sleeves ng pinigilan ko ito. "Oh bakit mo iyan ibabalik?"

"Mukha kasing ayaw mo." Malungkot nitong saad.

Kinuha ko iyong long sleeves at agad na iniabot dito. "Ifit mo na yan tapos magreuquest tayo ng bagong stock saka mo bilhin. Nagulat lang naman ako sa sinabi mo. Hindi ka kasi normal na bumibili ng ganyang kulay."

Agad naman akong hinalikan sa noo nito kaya nahampas ko ng mahina ang braso nito. "What was that for?"

Lumingon ako sa paligid saka ko sinabi, "Kasi naman nasa mall tayo hub. Nakakahiya naman. PDA tayo masyado." Lumapit ako dito saka ko tinuloy ang sasabihin ko para hindi marinig ng mga taong nakamasid sa amin, "Saka ang daming sales lady na nakatingin."

Bahagya itong natawa sa nadinig. "So iyon ang problema mo. Wala naman silang pakialan sa atin. I am yours and will always be yours. No one could ever separate us and I want to show the entire world that you are mine alone."

Operation: 100 Days With HimWhere stories live. Discover now