Naglalakad ako ngayon sa corridor papunta sa elevator. Bigla akong napangiti, ang cute talaga ni Madi! Ang sarap lang niya iuwi at yakapin buong magdamag.

Nakarating na ako ng apartment ngayon, hindi pa ako umuuwi kasi, ewan ko. Hindi ko pa feel umuwi. Hindi rin naman nagtatanong si Papa, kaya hayaan na lang. Binuksan ko ang pinto at sinara rin pagkapasok ko. Masyadong nakakapagod ang araw na itey! Pagoda na akes. Dumiretso ako sa banyo at maglinis na ng katawan. Pagkalinis ay dumiretso na rin ako ng tulog.

Nagising ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Kahit nakapikit pa ay sinagot ko na ang tawag.

"Happy birthday Max!" Masayang bati sa akin ni Madi. Napadilat ako at tinignan ko ang caller ID, oo nga pala, nagbigayan kami ng number kagabi dahil baka bukas ay mameet na rin namin si Papa. Tsaka baka updated na rin sa mga bagay-bagay.

"Thank you! Enebeyen, nagbebeauty sleep pa akes!" Natatawang sabi ko sa kaniya. Tumawa rin naman siya sa sinabi ko.

"Hay nako! Ang daming hanash ha? Buti nga binati kita e. Anyway, punta ka dito mamayang mga 7 ng gabi! Hihintayin kita! Babye! Mwuaps!" Pagkasabi niya 'non ay pinatay na rin niya ang tawag. Hala? Natouch ako sa pagbati niya sa akin. Naalala ko dati sina Franc kapag birthday ko ay talagang nagpapajinom sila. Namimiss ko ang tropa pero hindi si Franc.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at nag-unat. Panibagong araw nanaman! Tumayo na ako at kumuha ng damit pamalit, napagpasiyahan kong maligo na at pumasok sa parlor ng maaga.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na rin ako sa loob ng banyo at lumabas na. Simple lang ang suot ko, jeans at maluwag na blouse. Mabuti nalang at hindi ako ganon ka borta, malambot parin ang aking features.

Lumabas na ako ng apartment at naglakad papunta sa paradahan. Agad din akong sumakay sa tricycle. Habang naghihintay na mapuno ang tricycle ay kinuha ko muna ang cellphone ko at nagbukas ng facebook. Matagal-tagal na rin ang huling beses na nagbukas ako. Gaano na kaya katoxic ang facebook? Hay.

Pagkabukas ay agad na bumungad ang friendsarry video namin ni Franc. Luh? Kadiri na! Pinindot ko ang notification ko at ang daming bumabati sa akin. Kasama sina Bry at Khen, mga tropa ko noong college.

Nagsimula nang paandarin ang tricycle kaya't ibinalik ko na sa bulsa ko ang aking cellphone. Nang makarating sa parlor ay agad akong nilapit ni Hansel na may dalang Lemonsquare Cheesecake na may kandilang nakatusok.

"Happy birthday bakla! Waley akes budget ngayern kaya ito nalang muna. Anyway, make a wish na girl! Tapos blow mo na 'yung candle!" Naeexcite na sabi ni Hansel. Wit ko naman mapigilan ang hindi maluha. Masyado siyang nakakatouch! Huhu, for keeps talaga 'tong baklang 'to!

"Wit na mag crayola! Natutunaw na ang candle! Make a wish na!" Nginitian ko naman siya at pinunasan ang mga luha ko. Pumikit na ako at nagsimulanh mag-wish.

Sana, maramdaman ko naman ang tunay na meaning ng happiness.

Dumilat na ako at hinipan ang kandila. Nginitian ko naman si Hansel na ngayon ay nakangiti rin sa akin.

"Grabe girl, nagtoothbrush ka ba?" Pagbibiro ni Hansel.

"Gaga! Syempre naman! Huhu, thank you bakla!" Niyakap ko siya at humiwalay rin ako.

Pagkatapos ng drama-drama ay nagsimula na kaming magtrabaho. Himala ngayon at hindi ako tinarayan ni Mamang Choly, binati pa niya ako ng happy birthday! Aba waley regla? Nagsimula na kaming maggupit ng mga costumer ni Hansel hanggang sa maubos ito. Inabot na rin kami ng gabi kakagupit ng mga bulbo- este mga buhok ng mga costumer.

Madilim na nang lumabas ako sa Parlor. Hay! Atleast naging productive naman ang birthday ko. Chineck ko kung may nakalimutan pa ako, nang makita kong wala na ay umalis na ako. Gusto ko nang matulog! Hay! Tinulak ko ang pintuan at nagulat ako nang makita ko doon si Luke.

My Pretty Boy Where stories live. Discover now