The Conclusion

Começar do início
                                    

"First time ko nga lang pala dito, ang ganda ng bahay niyo Hero" sabi ni Key habang pumasok kami.

Natawa naman ako ng mahina saka ako humarap sa kanya. "Kaninang umaga ka pa nandito tapos ngayon ka lang magco-comment ng ganyan?"

"In the zone kasi ako kanina, puro practice lang ang nasa isip ko kaya di ko naisip yung ibang nasa paligid ko. Ngayon lang nag-sink in na nandito ako sa bahay m-" nagtaka naman ako dahil nahinto siya bigla.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin, mukhang gulat na gulat siya. "Nasa bahay mo ako! Hala!" sabi niya tapos tinakpan niya yung mukha niya na nagsisimula ng mamula.

I smiled in amusement. "Ano naman? Napunta ka na sa bahay ng lalaki di ba? Nakitulog ka pa nga kila Chace di ba?" tanong ko naman sa kanya. Pero umiling lang siya.

"Eh iba ito, bahay mo ito" reklamo naman niya.

Nagkatinginan lang kami ni Chace tapos parehas kaming nagkibit balikat. It's probably a girl thing. Rule ba yun or something? Na hindi pwedeng magpunta ang isang babae sa bahay ng lalaki na gusto niya?

"Nevermind, umayos ka na nga Key. Masanay ka na lang kasi mapapadalas ka tiyak dito" I said just to tease her at lalo lang namula yung mukha niya.

"Ahem, baka nakakalimutan niyo ang existence ko" sabi naman ni Chace.

"Diyan na nga muna kayo, manuod muna kayo ng TV, ako na lang ang bahalang mag-prepare ng lunch" sabi ko sa kanila parehas. Di naman ako magaling magluto, nakakahiya lang kung magpapatulong ako sa kanila. They're the guests, might as well treat them properly.

Pupunta na sana ako sa kusina pero napahinto ako bigla dahil may narinig akong mga hakbang na pababa sa hagdan. "Yo! May bisita pala tayo Hero?" Ay lagot, nandito pala si Gray?!

"Gray? Di ba dapat wala ka dito?" tanong ko naman sa kanya.

"Bakit naman? Wala naman akong pasok ah, at tsaka di ko trip umalis" sagot naman niya sa akin. Tapos ay dere-derecho na siya sa sala. Hihilahin ko sana siya pabalik sa kusina pero nauna na siya sa akin. "Hello! Ako nga pala si Gray!" kapal talaga ng mukha ng lalaking ito.

"Ah, hello po kuya Gray" bati naman kaagad ni Key sa kanya. Tumayo rin si Chace at tinanguan niya rin si Gray.

Agad naman na lumapit si Gray kay Key saka niya siya inakbayan. The nerve. "Ah ikaw si Key di ba? Wag na kayong mag-kuya sa akin. Tatlong taon lang ang agwat natin eh"

"Ah okay, paano mo ko nakilala?" tanong ni Key.

"Eh kasi puro picture mo yung laman ng cellphone ni Hero eh, ikaw nga rin yung wallpaper eh" dere-derecho namang sabi ni Gray.

Lumapit ako sa kanya para paghiwalayin sila ni Key at saka ko naman binatukan si Gray. "Manahimik ka pa, alam mo ipagluto mo pa kami para may pakinabang ka no?" sabi ko naman sa kanya.

"Oo na oo na, parang inakbayan ko lang si Key ganyan ka na. OA di ba Chace?" humarap naman siya kay Chace. "Pero tingnan niyo talaga yung phone ni Hero, puro si Key ang laman" sabi niya bago siya pumunta sa kusina.

Huminga ako ng malalim saka ako naupo sa sofa. "Bwisit" sabi ko. Best friend ko man itong si Gray, halata naman na opposites kami di ba? Nakangisi naman parehas si Chace at Key sa akin. "Kung titingnan niyo yung phone ko, forget it" sabi ko sa kanila, pero nagtawanan lang sila.

Note to self, upakan si Gray pagkaalis nilang dalawa.

Pagkatapos naming kumain, courtesy of Gray, ay nagpahinga na muna kami at matapos nun ay nag-practice na ulit kami. The same thing lang with the next days, puro practice lang and thankfully mas okay na si Chace.

Fools in Love [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora