Ella's POV

Matagal na pala mula ng mawala ang kapatid ko. Nagsisisi ako dahil parang inagaw ko sa kanila ni Gino ang oras para makasama nila ang isa't isa.

Minahal ko man si Gino, pero mas mahal ko pa din ang kapatid ko. Syempre, dugo't laman namin iisa ang pinanggalingan. 

Ayoko pa ring tanggapin na wala na si Mika. Pero, sa tingin ng nakararami, mas mabuti na ang magmove on kami.

Apat na taon na rin naman. Apat na taon na kaming umaasang buhay pa sya.

Oo, tama ang ibig sabihin namin na wala na ay patay na. Hindi umalis lang ng bansa. Nilisan na nya ang mundong ito.

Mika, kung nasan ka man ngayon, mahal na mahal kita kapatid ko. Sana mapatawad mo ko.

Hindi ko alam, pero minsan sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari. Kung hindi sana dahil sakin, buhay pa sya ngayon. Kung sana'y nasa tamang pagkakataon lamang nangyari iyon, sana andito pa sya. Kasama ng mga taong nagmamahal sa kanya. Kasama namin. Kasama ni Gino. </3

>FLASH BACk, 4 years ago<

Kakausapin ko na si Gino bukas. Makikipaghiwalay na ko sa kanya. Gusto kong maging masaya sila ni Miks. alam ko namang gusto nila ang isa't isa e. Mga engot lang, ayaw mag aminan. Ginawan ko na nga ng paraan e. Pero wala pa din. Haay.

Hm mahal ko din naman si Gino. Ayoko sanang maghiwalay kami, pero kung ganito naman alam ko at nararamdaman ko na gusto nila ni Mika ang isa't isa, ayoko maging sagabal. Mahal na mahal ko kaya ang kapatid ko.

--

"Ah, ate, san ka pupunta?" tanong sakin ni Mika ng papalabas ng ko ng bahay.

"Ah may date lang kami ni hon." Si Gino ang tinutukoy ko. Haay, ako lang naman natawag ng hon sa kanya e. Ella ang tawag nya sakin. Eh, yae na, alam ko na naman din kung bakit. 

"Ah ingat ka. Ate, pasalubong ko! Cheesecake. Hihi." Aba't hindi man lang nagselos? Pasalubong pa daw oh. Lokang bata to. Pero if I know, gusto na siguro akong sabunutan nitong si Miks. Hahaha. Dejoke. Mabait na bata yan e. Kaya ng mahal na mahal ko.

"Sige." Nagbeso na din ako sa kanya.

Bago pa ko makalabas ng gate..

"Ah ate.."

"Oh?"

"A-ahm.. Wala.. Mamimiss kita. E-enjoy."

Huh? Adik netong si Miks oh. Para namang kung san ako pupunta. Haha.

"Beh, iisa lang bahay natin oh. Uwi ako agad. Loka ka talaga. I'll miss you too! Babye."

At umalis na ko.

--

"Ella.."

"Gino.."

Sabay naming sambit.

"Ah sige, ikaw na muna Ella." Sabi nya.

"Okay lang ba?" Paninigurado ko.

''Ah.. Oo." Sagot naman nya. Kaya nagsimula na ko.

"Gino, ahm. Gusto ko na sanang makipagbreak."

"....."

Hindi sya sumagot, marahil hinihintay nya ang rason ko.

"Alam kong ito rin ang gusto mo Gino. Alam ko gusto mo ang kapatid ko. Gusto ko sumaya kayo ni Mika. Ayokong maging hadlang sa inyong dalawa. Mahal ko kaya kayo pareha."

Ayoko umiyak, pero mejo naluluha din ako. Syempre, mahal ko din to.

"Ella, I'm sorry." Sabi nya na parang naguiguilty.

"No Gino. Don't be. Kayo kasi eh. Ang engot nyo. Hahaha." Sinikap ko din tumawa para malighten up naman ang mood. Mabigat bigat din kasi e.

"Haha, eh kasi gumagawa na ko ng paraan, kaso ang bagal nyo. Ayan tuloy napamahal ka sakin. Nasaktan ko pa din tuloy si Mika. Alam ko naman na gusto ka nya e."

Iyak na nga ako. Anebeyen :( huhu.

Niyakap nya ako at nagtuloy tuloy na talaga iyak ko.

--------

Tenen! Two parts po eto. Yoko po kasi ng mahaba ang chapter ee :) nakakaduling kaya magbasa. hahaha. Wait nyo na lang :) TYSM :**

More Than ThisWhere stories live. Discover now