Chapter 77: I do

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ewan. Akala ko kasi talaga kayo. Tyaka Warren naman tatlong taon din yun. Kasama mo siya ng tatlong taon. Kung ikaw nga napapaniwala na kami na naging kami ni Patrick paano pa kaya ako?"

I lowered down my head.

Inangat ni Warren yung ulo ko at walang pasabing pinisil niya ang ilong ko. Mabilis lang tapos humarap siya sa akin.

"Hindi naging kami kaya you dont have to feel that way. Siguro nung Im in shock with the accident, akala ko ikaw siya. Alam mo bang Im dreaming of you? Pero di ko maaninag ang mukha mo. Akala ko si Maxene ikaw, and.."

"And?"

"Si dad ang nagutos na magpanggap siya na girlfriend ko."

Sa totoo lang bothered na bothered na ako sa description nila Warren tungkol sa papa nila. Hindi ko pa siya nakikilala pero natatakot na ako. 

Hindi siya isang ordinaryong ama.

Kasi kinokontrol niya ang mga buhay ng anak niya.

"Kung inutos niya yun ibig sabihin hindi niya talaga ako gusto no?"

"Hindi naman gusto ni Dad ang lahat ng bagay na sagabal sa plano niya. Its how his brain works."

I sighed.

"Wala na naman siyang magagawa Ray. Kasi nga hindi na tayo maghihiwalay pa." Inabot niya yung kamay ko at hinawakan. "Forever"

One word.

But that's all we have.

A promise and a hope.

That eventually everything will be okay.

________________________________________________________________________

Bukas na ang birthday ni Warren at hanggang ngayon wala parin akong plano. Pagkatapos kasi ng klase eh dumederetso na ako sa ospital hanggang 9pm para bantayan si Warren. Dun na ako nagdidinner at dun narin nagaaral na parang di ko naman magawa ng maayos kasi ang lakas niyang manggulo. 

Ngayon lang ang time ko para magisip para sa birthday niya. Syempre dapat effort talaga. Eh pano ba naman kasi yung mga ginawa niya sa akin sobrang bongga? Gusto ko naman na matuwa siya no!

"Oy Ray, kanina ka pa tulala diyan. Ano bang iniisip mo?" sita sa akin ni Joysee.

"Ah, wala! Ano kasi ahm." nakita ko yung notebook ko sa organic chemistry "May long quiz kasi ako bukas dito eh iniisip kon mabuti kung anong pwedeng itanong"

"Talaga lang ha? Eh hindi ka naman ganyan magaral no!" asar pa ni Joysee

"Oo nga Ray, ano bang problema mo?" nagtanong na din si Lyka.

"Wala talaga. Ano kasi."

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon