25.3

3.2K 117 6
                                    

KANINA pa masama ang mood ni Zoe. Lalo pang sumama iyon nang pumasok siya sa condominium building kung saan naging magkapitbahay sila ni Stone.

Damn it! She really missed him. Bakit ba kasi hindi pa rin ito nagpapakita sa kanya hanggang ngayon?

Ni hindi niya nagawang ngumiti nang batiin siya ng guwardiya. Bigla kasing napakaraming alaala ang pumasok sa isip niya. Makakatikim talaga 'yang si Stone kapag nakita niya ito.

'Yun ay kung magpapakita pa siya sa'yo.

Shit! Napapamurang pumasok na sa elevator si Zoe. Noong isang araw kasi ay hindi siya nakatiis at tinawagan niya si Raen para magtanong ng kahit anong balita tungkol kay Stone. Ayon dito, hindi lang basta-basta magaling sa pagtatago ang mga STAID agents. They excel at being invisible. Ibig sabihin ay hindi talaga niya makikita si Stone kung ayaw nitong magpakita.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago lumabas sa elevator nang bumukas iyon sa floor ng kanyang unit. Kung hindi lang talaga niya kailangan yung mga dokumentong naiwan niya sa condo ay hinding-hindi siya tatapak doon. There were just too many memories—

Natigil siya sa paglalakad nang makarinig ng kalampag. Agad na nagtake-over ang pagiging paranoid ni Zoe. Inilabas niya ang pepper spray sa bag saka dahan-dahang lumakad.

"Shit!" Napatalon siya nang may kumalampag nanaman.

"Are you really planning on using that?"

Napapasinghap na nilingon niya ang nagsalita. Her eyes landed on a beautiful face. No, scratch that, it was the most beautiful face of a man she had ever seen. Alam niyang palagi niya iyong sinasabi. Pero sa pagkakataong ito ay hindi lang iyon dahil sa mukhang nakikita niya. Everything about this situation was just beautiful.

"Stone."

Ngumiti ito at humakbang palapit sa kanya. "Call me Kyle, sweetie."

"Ha?"

"Halika na," tanging wika nito saka hinila siya.

Wala parin sa sarili si Zoe hanggang sa makarating sila sa tapat ng condo unit ni Kyle, este ni Stone. Shit! She was confusing herself.

"Sto—I mean, Kyle, ano ang nangyayari? Bakit nandito ka?"

"What are you talking about? Syempre nandito ako dahil dito ako nakatira."

"Pero—" natigilan siya nang biglang bumukas ang pinto na nasa tapat nila.

"Sir, okay na po," wika ng lalaking nagbukas niyon.

"Salamat, George," sagot ni Stone.

"Sige, Sir, tumawag ka lang sa amin kapag nagkaproblema uli." Iyon lang at lumabas na ang resident handyman ng condominium building nila.

"Pasok ka na," narinig niyang wika ni Stone.

Pero hindi pa rin gumalaw si Zoe. Kung hindi pa siya hinila ni Stone ay malamang na nakatayo pa rin siya sa labas ng pinto hanggang ngayon.

"What are you doing here?" muling tanong niya pagkasara ni Stone sa pinto.

"I live here," simpleng sagot naman ni Stone na ikinainis niya.

"Seryoso ako sa tanong ko, Stone. Ano ang ginagawa mo dito?"

"Call me Kyle."

Kumunot siya. "Gusto mong tawagin na uli kitang Kyle? Ano ang nangyari sa dialogue mong 'as far as the whole world is concerned, patay na si Kyle Escano'?"

Nagkibit lang ito ng mga balikat na lalo naman niyang ikinainis.

"Inuulit ko, Stone, ano ang ginagawa mo dito?" Idiniin pa niya ang pagbanggit sa code name nito.

"Sinagot ko na ang tanong na 'yan. Nandito ako dahil dito ako nakatira."

Mariing napapikit si Zoe. "Don't make fun of me."

"I'm not making fun of you, Zoe." Pagkatapos ay hinawakan nito ang kaliwang balikat niya.

Humugot siya ng malalim na hininga habang nakapikit pa rin. Parang hindi parin sapat ang hangin sa baga niya kaya humugot siya ng isa pang malalim na hininga. Hanggang sa hindi niya namalayang sumisinghot na pala siya.

"Damn it!" marahas na napamura si Stone. Kasunod niyon ay naramdaman ni Zoe ang paghaplos ng mga daliri nito sa kanyang pisngi. "Shit! Zoe, don't cry."

Ibinuka niya ang bibig para tumango. Pero napasinghot lang siya.

"Fuck!" marahas nanamang wika nito bago siya hinila.

Zoe immediately found herself wrapped inside Stone's strong arms. Ang mukha niya ay nakadiin sa dibdib nito. "Sweetie, stop crying. Please."

"I... I'm not crying. I'm—" napahikbi siya. "I'm angry!" aniya saka malakas na itinulak si Stone. Pero wala namang nangyari. He was too strong. Ni hindi ito natinag kahit nang isuntok niya ang kamay sa balikat nito.

"Shh, relax, sweetie. 'Wag ka nang umiyak."

"Nakakainis ka naman eh!" malakas na wika ni Zoe habang sinusubukan pa rin itong itulak. "Walong araw na, Stone. Walong araw 'yun. Ni ha, ni ho, wala akong narinig mula sa'yo. Tapos... tapos ngayon ay bigla ka na lang lilitaw na parang walang nangyari?"

"Oh, sweetie, I'm so sorry."

"Sorry ka diyan. Nakakainis ka!" Muli ay sinuntok niya ito sa balikat. Pero sa pagkakataong iyon ay sinalo na ni Stone ang kamay niya.

"You will just hurt yourself, Zoe," anito sa malumanay na boses. Pagkatapos ay hinalikan nito ang ulo niya.

Biglang natigilan si Zoe. Inulit pa ni Stone angpaghalik sa ulo niya. Noon na siya nagsimulang kumalma. Hindi na niya itosinusubukang itulak. Sa halip ay siya na mismo ang nagdiin ng sarili kay Stone.Lalo namang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya habang siya ay ipinalibotna ang mga kamay sa bewang nito.


---------------

Thank you sa pagbabasa. Don't forget to vote and share this to your friends.

- Kensi

S.T.A.I.D. 3 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon