25.2

2.8K 101 0
                                    

                 

FIVE days. It had been five fucking days since the last time Stone saw Zoe.

"It's late. Magsiuwi na muna tayo," biglang wika ni Myka.

"Ano?" kunot-noong bumaling dito si Stone. Kasalukuyan silang nasa loob ng isang malawak na conference room doon sa HQ. Iyon ang gamit niyang temporary office simula nang—shit! He really did not want to think about what happened to that fucking warehouse.

"Stone, mahigit apat na araw na tayong nakakulong lang dito sa conference room. Bumabagal na ang progress natin. I think it's time that we get proper rest. Bukas ay mas malinaw na ang isip natin. So we can have more work done."

Napabuntong-hininga na lang siya. "Alright. We will resume at oh nine hundred hours."

Nang makaalis ang lahat ng agents at analysts na kasama niya doon sa conference room ay saka lang nakaramdam ng pagod si Stone. Gusto din niyang umuwi at magpahinga tulad ng sinasabi ni Myka. Pero saan ba siya uuwi? Narealize niya na wala naman talaga siyang inuuwian. Mayroon lang siyang mga apartments para sa kanyang mga cover identities. But he did not have a real home. The closest home he got was his apartment as Kyle Escano.

Napapikit siya nang maalala ang lahat ng bagay na may kinalaman sa kanyang identity bilang Kyle. Syempre ay kasama na doon si Zoe. Speaking of Zoe, Shadow and Hawk should be arriving any minute now to give him an update. Pero habang hindi pa sila dumadating ay hinayaan na muna niya ang sariling balikan sa isip ang huling beses na nakita at nahawakan niya si Zoe.

Limang araw pa lang naman ang nakakalipas pero pakiramdam ni Stone ay limang taon ang katumbas niyon. Simula nang gampanan niya ang katauhan ni Kyle, ito na ang pinakamatagal na panahon na hindi niya nakita si Zoe.

Shit! Ganoon na ba talaga siya ka-attached kay Zoe. He felt like he was undergoing some form of withdrawal from not seeing her. Lalo pa at tila hindi niya maatim na hindi siya tumutupad sa mga binibitiwan niyang salita dito.

I'll make it up to you when I get back. I promise.

Iyon ang mga huling salitang sinabi niya dito. Pero nasaan siya ngayon?

Stone scoffed as he looked around the wide conference room. Dahil sa pagkamatay ni Gideon ay awtomatikong siya na ang nagtake over ng role nito. There was just so much that he needed to do.

Napatingin siya sa pinto nang may kumatok doon. Hindi na siya sumagot. Hinintay na lang niyang pumasok ang tao sa labas. He was pretty sure that it was Hawk and Shadow. Hindi naman siya nagkamali. Magkasunod na pumasok ang dalawa.

Si Hawk ay lumapit agad sa kanya habang si Shadow naman ay nagtungo sa sulok na malapit sa pinto.

"We have a fucking problem," agad na wika ni Hawk.

Hindi sumagot si Stone.

"That woman knows us."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" sa wakas ay tanong ni Stone.

"Alam niya ang code names namin ni Shadow."

Tumango lang si Stone. Hindi pa niya alam ngayon kung gaano karami ang impormasyong nalalaman ni Zoe. Kahit na ayaw niya ay kailangan niya itong ipasuro sa kanilang resident psychologist.

"She fucking looked directly in our eyes and called us using our code names. Stone, kailangan—"

"Ako na ang bahala sa kanya," putol niya sa sinasabi ni Hawk.

"Ano?"

"'Wag na 'wag niyong babanggitin ang tungkol sa dito kahit na kanino. I will personally deal with Zoe Nepomuceno. Do you understand?"

Nag-aalangang tumango si Hawk. "Alright." Iyon lang at tumalikod na si Hawk. Nakasunod naman agad dito si Shadow.

Palagi talagang magkasama ang dalawang ito. Their skills complemented each other. Kaya walang dahilan para sirain ni Stone ang partnership ng dalawa. At sa ngayon, maliban kina Myka at Robbie ay sina Hawk at Shadow pa lang ang one-hundred percent cleared. He still needed to investigate all the other agents, especially the senior agents.

"Wait," aniya nang bubuksan na ni Shadow ang pinto. "She's a very important asset. Nakita niyo naman ang pruweba. No one is allowed to go near her, understood?"

Tumango lang ang dalawasaka lumabas. Nakasunod naman agad si Stone sa paglabas sa conference room.STAID protocol be damned. Tulad ng sabi ni Fred, siya na ang pinuno ng STAIDngayon. Pwedeng-pwede niyang gawin ang kung anuman ang nais niya.


---------------

Thank you sa pagbabasa. Don't forget to vote and share this to your friends.

- Kensi

S.T.A.I.D. 3 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon