12.1

3.5K 112 4
                                    

NAPAIGTAD si Zoe nang bumukas ang pinto ng kwarto.

"May hinahanap ka ba, Zoe?" tanong ni Stone na titig na titig sa kanyang mukha.

Awtomatikong na-conscious si Zoe. Stone was really scary and intimidating when he looked at her like that. "N-naghahanap lang ako ng lotion."

Mukha namang satisfied na ito sa sagot niya dahil nabawasan ang intensidad ng titig nito. "Heto," ang tanging wika nito nito saka iniabot sa kanya ang isang bote ng lotion. He really knew her that well.

"Thank you," mahinang sagot niya saka tinanggap ang lotion. Pagkatapos ay tumalikod siya at tinungo ang nag-iisang upuan sa kuwarto. Pag-upo niya doon ay saka niya napansing nakatayo pa rin si Stone malapit sa pinto. Ang buong atensiyon nito ay nakatutok sa kanya. Na-conscious nanaman tuloy si Zoe.

"Ahm, may gusto ka bang sabihin?"

Nagkibit ito ng mga balikat.

Binigyan ito ni Zoe ng nagdududang tingin. "Plano mo bang panoorin ako sa pag-a-apply ng lotion?"

Nagkibit lang ulit ito ng mga balikat.

"Seriously? Tatayo ka lang diyan at panonoorin ako?" naeeskandalong tanong niya. Well, she was decent enough. Di hamak na mas okay na ang suot niyang tank top at jogging pants ngayon kompara sa kumot o sa t-shirt nito. But still, the way Stone looked at her made her feel uneasy.

"Isipin mo na lang na wala ako dito."

"Parang mahirap yatang gawin yan lalo na at ganyan ka pa kung makatingin sa akin," sarkastikong sagot ni Zoe.

"Anong ganyan?"

"Ganyan," itinuro pa niya ang mukha nito. "Suspicious."

Tanging ang pagtaas ng isang kilay ni Stone ang nakita niyang senyales na hindi nito inaasahan ang sinabi niya.

Zoe tried to be patient. "Kung makatingin ka sa akin ay parang may gagawin akong masama gamit ang lotion na ito."

Hindi pa rin sumasagot si Stone at talagang naiilang na si Zoe. Kahit kailan ay hindi umakto ng ganito si Kyle. Ngayon na niya lubusang nakikita ang pagkakaiba nito sa kaibigang nakilala niya bilang Kyle.

"Kung gusto mong manatili dito sa kuwarto, fine. Pero pwede bang wag mo na akong tingnan ng ganyan?"

"Hindi ko naiintindihan ang ibig mong sabihin tungkol sa paraan ng pagtingin ko sa'yo," malumanay pero walang emosyong wika ni Stone.

Biglang parang naubos ang lahat ng pasensiya ni Zoe. "Oh, for Pete's sake, Stone. I feel like you're looking at me the same way that the big bad wolf looked at little red riding hood."

Ang isang sulok ng mga labi ni Stone ay bahagyang umangat. Pero pagkatapos niyon ay lalo namang bumigat ang pagtitig nito sa kanya. Zoe involuntarily shivered at the intensity in his stare.

"You are not little."

Hindi na nakasagot si Zoe. Kahit gustuhin pa niya ay hindi na niya malaman kung ano pa ang sasabihin dito.

"At simula sa oras na ito ay hindi ka na pwedeng mawala sa paningin ko." And then he continued looking at her intently.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Kung nasaan ka ay naroon din ako."

"Kahit sa banyo?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.

Hindi na nito kailangan pang magsalita para malaman niya ang sagot sa kayang tanong. Kitang-kita na niya iyon sa ekspresyon ng mukha nito. Suddenly, Zoe felt the need to cover herself using her arms. At ginawa nga niya iyon habang pinandidilatan si Stone.

"Oh, come on, Zoe. It's not like I would take a peek while you're taking a shower. Ilang shopping sessions na ba ang nagawa natin sa loob ng mahigit dalawang taong pagkakaibigan natin? Half of those shopping sessions were lingerie shopping. And don't forget that I have seen you wearing your skimpiest two-piece swimsuit. Wala kang dahilan para mailang."

Napakunot si Zoe. Tama naman ang mga sinabi nito. Technically, he have not seen her naked. Pero parang ganoon na din iyon kung ang pagbabasehan ay kung gaano kaliit ang two-piece swimsuit na tinutukoy nito.

"But I really thought you were gay then!" tumaas na ang boses niya. Napatayo na din siya. "Pinaniwala mo akong bakla ka," may pag-aakusang dugtong pa niya.

"I never said I was gay. Ikaw ang nag-assume."

"Hindi ko tinanong dahil inisip ko na hindi na dapat pinag-uusapan iyon. It would have been rude and awkward. Isa pa, tanggap ko naman na bakla ka kaya hindi na iyon big deal."

"But I'm not gay."

Natampal ni Zoe ang sariling noo.

"I don't check out guys. Tinitignan ko sila para alamin kung threat ba sila o hindi."

Napailing-iling siya sa narinig.

"At hindi ako tumitingin sa ibang babae dahil nakapokus lang ako sa'yo—sa pagbabantay sa'yo at paninigurong ligtas ka sa lahat ng oras."

Tila nanghihinang napaupong muli si Zoe. Tinignan niya ang hawak na lotion at noon lang niya napansin na iyon ang brand na ginagamit niya. Of course, Stone would know about it. Ilang beses na niya itong nakasama sa pamimili ng kung ano-anong gamit.

Sa unang pagkakataon simula nang magpakilala ito bilang Stone ay sinubukan niyang i-proseso ang sinasabi nito.

"So," nag-angat siya ng paningin at sinalubong ang matamang titig ni Stone. "Are you like my bodyguard or something?"

"Or something."

"Nagta-trabaho ka ba para sa papa ko?"

Hindi sumagot si Stone. She suddenly felt frustrated. Kaya tumayo siya at nilapitan ito.

"Tell me, Stone."

Tumigil siya sa tapat ni Stone. Then it was as if her right hand had a mind of on its own. Kusa iyong umangat hanggang sa nakahawak na siya sa dibdib nito.

Kunot noong yumuko si Stone at tinignan ang kamay niyang nakapatong sa dibdib nito. It was weird touching him like this. Hindi ito ang unang beses na hinawakan niya si Stone. Maraming beses na niya itong nayakap. Kapag magkasama sila ay naka-abrisete pa siya dito. Well, that was when he was still Kyle.

"That's not your concern," Stone said in a gruff voice. And then he stared at her more intensely.

Nang akmang hahawakan ni Stone ng kamay niyang nakapatong sa dibdib nito ay bigla niya iyong hinila. Hindi alam ni Zoe kung bakit niya iyon ginawa. Basta pakiramdam niya ay hindi tama na hinahawakan niya ito at lalong hindi tama na hahayaan niyang hawakan siya nito.

"Hey," biglang singit ng isang boses mula sa pinto. Si Raen ang nakita niyang nakasilip doon. "Nakahanda na ang pagkain. Sumunod na lang kayo sa kusina."

S.T.A.I.D. 3 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon