13.2

3.4K 118 9
                                    

"ZOE?" Narining ni Zoe ang pagtawag ni Raen pero hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakahiga sa kama at nakapikit.

"Zoe, alam kong hindi ka tulog."

Hindi pa rin siya sumasagot.

"Your breathing is uneven and your body is too tensed."

Napapabuntong-hiningang sumuko na si Zoe sa pagpapanggap na tulog. Naupo siya sa kama at hinarap si Raen. "You sounded like Stone just now."

Ngumiti si Raen. "Yeah, ganito lang talaga kami magsalita minsan."

Tumango si Zoe. "Ganyan din ang papa ko minsan."

"Ah, nasa military ang papa mo, di ba?"

Tumango siyang muli. "He is a military general. Madaming aspeto ng trabaho niya ang hindi ko pwedeng malaman. So medyo sanay na ako."

"Sanay na ano?"

"Na hindi kasali sa mga sensitibong usapan."

Hindi sumagot si Raen. Sa halip ay binigyan siya nito ng naguguluhang tingin. Zoe thought that she was really good. Pero kahit pa gaano kagaling umarte si Raen ay nakuha na agad niya na nagpapanggap lang ito.

"Raen, I know you needed to talk about a sensitive topic. Napanood ko kung paano makipaglaban si Stone sa pitong lalaki. Alam kong hindi siya ordinaryong tao."

Napatingin siya sa pinto nang pumasok doon si Myka. Tahimik na lumapit ito sa kanila. Ang akala ni Zoe ay magsasalita ito. Pero naupo lang ito sa malapit na upuan at tila kuntentong pinagmasdan siyan. Naiilang na pinaglipat-lipat niya ang tingin kina Myka at Raen. Sa huli ay hindi siya nakatiis.

"So, nakita ko kanina na commander ang tawag kay Stone?"

Hindi nagreact ang dalawa. Pero hindi siya na-discourage. Yun mismong kawalan nila ng reaction ang nagpalakas sa kanyang kutob. May maliit na bahagi ng kanyang isip ang nagsasabing si Stone ang lalaking nagligtas sa kanya noon.

Pero hindi kaya siya lang ang gumagawa ng koneksiyon na ito? Matagal na niyang gustong mahanap ang lalaking nagligtas sa kanya. She even went as far as saying that she fell in love with the man. Paano kung sa pagnanais niyang hanapin ito ay ipinipilit lang niya na si Stone nga ang lalaking iyon?

That is very much possible, Zoe, wika ng isang bahagi ng isip niya. Alam mong ginagamit ang title na commander sa iba-ibang branch ng military. Maaaring coincidence lang ito..

Napailing-iling siya. Masyado nga namang isang malaking coincidence kung si Stone pala ang lalaking nagligtas sa kanya noon. Unless it wasn't a coincidence. What if this was part of some sort of a grand scheme?

Ah, shit! Ano ba itong kabaliwang naiisip niya? Kung makakausap lang niya ang papa niya ay pwede siguro niyang tanungin ito.

Bigla siyang napasinghap. Bakit nga ba hindi niya naisip agad iyon?

"You look like you just came up with a bright idea."

Muling napasinghap si Zoe nang marinig ang boses ni Stone. "Paano ka nakapasok dito?"

Nagkibit ng mga balikat si Stone saka itinuro ang pinto. Napatingin doon si Zoe bago inilibot ang paningin sa kwarto. Wala na doon sina Myka at Raen.

"Hindi kita narinig na pumasok," kunot-noong sagot niya.

"Masyado kasing malalim ang iniisip mo. Anyway, aalis na sila ngayong gabi."

"Sino?"

"Silang apat."

Nanlaki ang mga mata ni Zoe. At ewan ba niya pero bigla din siyang kinabahan. "Tayo lang ang maiiwan dito?" Tipid na tumango si Stone. Habang siya ay napatingin sa labas ng bintana. "Pero masyado nang late."

"That's the point."

"Sinasabi mo bang hinintay talaga nilang gumabi bago umalis?"

Sa halip na sumagot ay nagpakawala lang ng isang buntong-hininga si Stone. Pagkatapos ay dahan-dahan itong lumapit sa kama kung saan siya nakaupo.

"Pwede ba akong umupo?"

Nagtataka man ay tumango na din si Zoe.

Nang makaupo si Stone ay seryosong pinagmasdan siya nito. It was not the same hard stare that he used to give her. Ang tingin na ibinibigay nito sa kanya ngayon ay masuyo. It made her shiver. Lalo na nang abutin nito ang kanang kamay niya at ikulong sa mga palad nito.

"Kailangan nating mag-usap, Zoe."

Parang gusto niyang matawa. Sa dami ng nangyari at nasaksihan niya simula pa kagabi ay ngayon lang naisip ni Stone na kailangan nilang mag-usap. Hell, they needed to talk since two years ago! Pero syempre, hindi iyon ang sinabi niya. Actually, hindi nga siya nakapagsalita. Ang tanging nagawa lang ni Zoe ay tumango. Paano ba naman siya makakapagsalita kung hinahaplos ni Stone ng ganyan ang kamay niya. He was drawing circles on her right palm and it was making her shiver. 

S.T.A.I.D. 3 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon