"A-Amiel, please.." Habol pa nito.

What's going on? Bakit hindi niya ito hayaang sumuko nang sa ganoon ay wala ng masaktan sa kanilang dalawa.

Napahinto ako ng bumaling ito sa'min at nagseryoso. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa titig niya.

"Lex, I-I'm sorry. Sorry sa lahat. Sorry kung nagtanim ako ng galit sa inyo, Nico, Ann, ihingi niyo ako ng tawad kay Mystic. Gusto kong malaman niyo na sa kabila ng lahat ng nagawa ko, tinuring ko kayong kaibigan. Nagsisisi ako na umabot tayo sa g-ganito. Sorry for turning my back against all of you when all of you did nothing but to be a good friend to me. L-Lex, salamat. Live long, this world's fate relies on you. Si Amiel, mahal na mahal ko siya, siya yung nakasama ko noong akala ko tinalikuran ako ng mundo, noong inakala kong nakalimutan niyo na ako. I'm happy that he's alive, wala na akong mahihiling p-pa." Umubo ito ng dugo sa huling salitang sinabi.

"A-Athena ano ba." Agad ko itong dinaluhan pero hinarang niya lang ang kamay niya. Gamit ang buong lakas ay pinilit nitong tumayo.

"Ano bang pinagsasabi mo? What ever is it that you did, matagal ka na namin napatawad. Never kaming nagtanim ng galit sayo." Naluluhang sabi ni Nico.

"Reserve your energy, you'll need that when you face him." Pagpapalakas ni Ann ng loob nito.

"Kagame, s-salamat sa lahat," pag baling nito kay Kagame na ngayon ay nangigilid na din ang luha.

"A-Ano ba yang pinagsasabi mo? Mababaw lang yang tama mo, hindi ka naman mamamatay dyan." Pabirong sabi ni Kagame kahit umiiyak na din ito.

Imbis na sumagot ay ngumiti lang ito. Isang ngiti na ngayon ko lang ulit nakita sa kanya. She's happy, I can see that but why am I feeling this way? Bakit kinakabahan ako sa pwedeng iniisip niya. What's on her mind?

"Sinasayang mo ang binigay kong pangalawang buhay para sa isang babae." Nangilabot ako ng magsalita ang lalaking nakakatakot mula sa kabilang koponan. His aura screams authority, it screams evil.

Nakuha nito ang atensyon namin mula kay Athena.

"I'm living because of her, I'm nothing without her." Nagult ako sa ginawang pag sagot ni Amiel sa lalaki. Natakot ako bigla para sa buhay niya.

"You'll regret this Amiel, this is your last chance of proving me your worth." Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Ngayon ko napagtanto kung bakit ayaw siya patigilin ni Athena. That scary guy might eliminate him, just like what he did to his other members.

"Simula palang, hindi naman talaga ako susunod sayo kung hindi para sa kanya at kung may pagsisisihan man ako, 'yon ay ang pagsunod ko sayo." Matigas nitong sabi, puno ito ng galit.

"You're asking for your death, I'll give you that." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

Mabilis ang pangyayari, gaya kanina ay sa isang kumpas lang nito ay may umilaw na pulang liwanag mula sa kamay niya.

"N-Noooo." Isang boses ang dumagungdong sa apat na sulok ng arena.

I stopped when I saw what happened.

Nahuli ako, napaluhod ako sa gitna ng arena ng bumagsak ang taong tinamaan niya sa ginawang tira.

B-Bakit?

Nanghihina man ay pinilit kong tumayo. Nakita ko ang mabilis na pag sugod ni Mystic sa lalaki, umiiyak ito, pero mas nakatuon ang atensyon ko sa taong nakahandusay ngayon.

Athena...

"N-No, A-Athena bakit?" Lalong pumatak ang luha ko ng magsalita si Amiel, kapit niya ito sa kanyang bisig.

"A-Amiel," Nahihirapang sabi nito.

Umiiyak akong lumuhod sa tabi nila, sa likod ko ay nakasunod sila Nico.

"M-Masaya akong nagkita tayong m-muli. P-Patawad.. d-dahil a-ako naman a-ang mang iiwan ngay-" Napapikit ako ng mariin ng umubo ito ng mas maraming dugo kumpara kanina.

"A-Ann, heal her." Nanginginig na sabi ni Nico mula sa likod ko.

"I-I can't! I'll try!" Umiiyak na sabi nito, lumapit ito sa paanan ni Athena at itinapat ang kamay dito.

"A-Ann, s-salamat, p-pero alam kong h-hanggang dito nalang.." Fuck Athena.

"N-No, 'wag ka ng magsalita please, kapit lang, andito na ako, 'wag mo kong iwan." Mahigpit na niyakap ito ni Amiel. Hindi ko mapigilan ang luha ko.

"Shh.. A-Ayokong mawala a-ako na ang m-malungkot mong mukha ang h-huli kong makikita.." Buong lakas na inangat nito ang kamay para pawiin ang luha ni Amiel.

"P-Promise me.. Y-You'll live y-your life after t-this. S-Sorry, I'm t-the reason why y-you're here. I'm happy that I get to say sorry before I leave th--" Nanlaki ang mata ko ng pumikit ito ng mariin at humugot ng malalim na hininga.

B-Butas ang gitnang bahagi ng katawan niya. Ngayon ko lang nakita kung gaano kalaki ang natamo niyang sugat. Walang duda kung bakit sa isang tira ay nawalan ng buhay ang dalawa kanina.

But please give us this, sent us a miracle, let her live. Tahimik akong nanalangin habang umiiyak.

"N-No, Athena.. Hindi ko kaya, I love you.. Hindi mo ako pwedeng iwan." Halos magmakaawa na si Amiel dito.

She smiled, kahit hirap na hirap na siya, nagawa niyang ngumiti. "I-I love y-you too.." Huling salitang nasabi nito bago siya tuluyang kunin sa'min.

"Hindi! Athena!"

"I-I'm sorry, hindi ko siya napagaling." Nakatulalang napaluhod si Ann. Kung normal ang lahat ay magugulat ako na may ganito siyang kakayahan pero hindi ito ang dapat pagtuonan ng pansin.

Napatingin ako kay Mystic na ngayon ay tumumba habang sapo ang tagiliran niya. Nag dilim ang paningin ko sa taong kaharap niya.

"You'll fucking pay for this." Tiim bagang ko na sabi.

"L-Levi," Nanlaki ang mata ni Amiel ng tumayo ako, alam niya ang gagawin ko.But he can't stop me.

No. One. Can.

"She needs you, I know, stay will her." Kumirot ang puso ko sa sariling sinabi. Athena's gone, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang alam ko lang ay nagpupuyos ng galit ang puso ko.

Kaya kong pumatay sa galit ko.

"Levi," Maging si Kairo ay hindi ako nagawang pigilan. Nagulat din ako na tumalsik siya ng bahagya sa isang taboy ko lang dito. Pero hindi 'yon ang pinansin ko.

May tao pa akong dapat pagbayarin. Buhay kapalit ng buhay. Hindi pwedeng walang ganti.

"Stop her, she's out of her mind." Rinig kong hirap na sabi ni Mystic.

"The mark of the beast is coming out, there's no way we can stop her." Lumalabas lang sa kabilang tenga ko ang lahat ng sinasabi nila dahil isa lang ang tanging naririnig ko, isang pamilyar na boses,

Boses ng nilalang na noon pa ay nandito lang sa paligid ko.

"Summon me, come on, Levi. Unleash the great power in you."

◾◾◾
D

ahil ilang araw walang pasok, naisingit ko yung pag eedit ng update sa pag gagawa ng thesis haha.

Miss ko na yung comments niyo, miss ko na kayo alam kong madaming busy kaya okay lang 😭😭😭 Matatapos na 'to, sana kasama ko kayo hanggang sa huli.


Napamahal na ng sobra sakin ang Enigma at syempre kayo kaya ang hirap din tapusin sakin neto, alam ko madami ng nagsawa sa paghihintay ng update sorry nabusy ako.😭😭😭

Still, love you all thank you kasi umabot ka sa part na 'to. 💖

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon