Chapter 5: For Keeps

32 0 0
                                    

Kiera   
   
   
    
Ang bilis ng araw. Parang kailan lang ay abala ang lahat sa Valentines Day.

Sa ngayon ay pangalawang linggo na ng March. Hindi na gaanong nagtuturo ang ilang professors namin dahil lahat sila ay natapos na ang mga dapat idiscuss sa amin. Malapit na rin kasi ang Finals kaya medyo chill lang ang schedule namin magmula kahapon.

Kinagabihan, matutulog na sana ako nang makarinig ng kaluskos sa labas ng apartment. Parang may kumakalampag ng gate. Hindi kaya'y si Constant na 'to? Ang sabi pa niya sa akin kaninan umaga, baka gabihin siya sa pag-uwi dahil may inaasikaso siya sa kanila.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa terrace para tingnan kung sino ang maingay sa tarangkahan ng apartment. Nawala ang pagkaantok ko nang makita si Sine na nakangiti sa akin habang nakahawak sa bakod ng gate.

"Gabi na ah! Anong ginagawa mo dito?"

Nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko.

"Hindi ka man lang matutuwa dahil pumunta pa ako dito dis oras ng gabi?"

"Nagtataka lang ako kung bakit ka nandito? Uh. Pwede ka namang bumisita bukas ng maaga."

Ilang minuto na lang kasi ay alas dose na ng gabi. Medyo delikado na sa kanto kapag ganitong oras. Mukhang nagcommute lang ito papunta sa apartment.

Akala ko noong una, magtatampo pa rin siya sa akin. Nang ngumiti siya at mabilis akong niyakap sa bewang, doon ko lang napagtanto kung ano ang pakay niya ngayon.

"It's White Day! You silly!"

Ginulo niya pa ang buhok ko bago ako halikan.

"Hindi naman kasi uso ang White Day dito sa Pilipinas eh! Malay ko ba na ito pala ang dahilan mo para dalawin ako."

Tinanggap ko ang mabigat na kahon na ibinibigay niya sa akin. For sure ay may mga bulaklak at chocolates itong laman.

"Yung thank you ko?" hirit pa niya sa akin.

"Thank you, Sine."

Nanumbalik ulit ang simangot niyang mukha dahil sa sinabi ko.

"Bakit na naman?"

"Wala."

Inilibot niya ang tingin sa buong salas nang pumasok kami sa ground floor ng apartment.

"Nag-iisa lang ako dito ngayon."

Tumango siya at nakumpira kong inaalam niya kung ako lang ba ang nandito sa apartment ngayon.

By the way, hindi talaga kami nakatira ni Constant sa iisang bubong. Itong salas at kitchen lang ang shineshare naming dalawa. Ang mga kwarto namin sa taas ay may bukod na daan sa labas. Miski ang cr ay nasa loob na ng kwarto namin.

Dahil bisita ko si Sine, pinaupo ko muna siya sa isang lounge para makapagprepare ako ng merienda. Pagkarating ko sa kitchen, narinig kong may sinabi si Sine sa akin.

"Nandito nga pala ako para ipaalam sa'yo na may outing ang buong barkada after finals."

Sumilip ako sa pintuan at nakita si Sine na prente ang pagkakaupo sa lounge habang karga ang pusa ng landlord namin.

"Hindi ko alam na may alaga kang pusa sa apartment."

"That's not mine. Kay aling landlord 'yan."

"Ok?"

"About sa outing na sinabi mo kanina, kasama ba sila ate Shen doon?"

"Oo naman."

Never Been BoundWhere stories live. Discover now