Chapter 18: Masterpiece

37 0 0
                                    

Kiera  
  
  
   
Makalipas ang mga araw, enrollment namin sa Zeph University kaya ito ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Nagkikita lang kami ni Sine sa school para mag-asikaso ng mga requirements pero hindi na nabring up yung about sa pagpunta namin ng art museum. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko sana tanungin si Sine kung tuloy pa ba kami pero hindi ako makatyempo.

Siguro, baka after na lang ng enrollment ko itatanong ang tungkol dito.

Ngayon ay nakapila ako sa tapat ng Registrar Office para magbayad ng tuition ngayong term. Habang naghihintay ng turn ko, narinig kong nagbubulungan yung mga estudyante na malapit sa'kin.  
  
  
   
"Nand'yan pala si Shin."

"Ah, oo. Halos araw-araw siya nasa Z.U., baka tumutulong sa office."

"Bakit naman siya tutulong? Estudyante lang siya ah. Hindi ko rin naman nabalitaang student assistant siya."

"Girl, ano ka ba. Anak 'yan ng may-ari ng Z.U. Tagal-tagal mo na dito tapos nakalimutan mo?"

"Alam ko naman 'yan, beh. Ang fictional kasi if ever ganun ang ginagawa niya."

"Anong fictional ka d'yan? Tagapagmana 'yan for sure. Itigil mo na nga pagbabasa ng libro. Kung anu-ano na iniisip mo."  
  
  
  
Pagkalingon sa kanan, tumahimik yung mga estudyante na nag-uusap at nakita ko si Sine na nakatingin sa'kin.

"What are you doing here?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Magbabayad ng tuition fee." sagot ko.

Ibinigay ko sa kanya yung bag ko nang ituro niya ito.

"Thank you." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hindi ka na dapat pumila. Ako na magbabayad para sa'yo."

Mabilis akong umiling.

"Hala. Naku Sine. Huwag na. Malapit na rin naman ako sa unahan. Matatapos din ako agad."

Parehas naming pinipilit ang isa't-isa pero nanalo ako sa huli. Okay lang naman yung pagiging gentleman niya pero huwag na sana umabot sa ganito. Kung tutuusin, dapat kaparehas ko lang ng right ang lahat ng estudyante sa Z.U. at hindi dapat ako sumasang-ayon kagaya sa request na ginawa ni Sine kanina. Tama nga naman na mapapadali ang pagbabayad ko ng tuition fee dahil boyfriend ko ang anak ng may-ari ng school. It's a priviledge that no one won't turn down. Pero bago ko pa makilala si Sine or kahit na sino sa The Company, isa lang akong ordinaryo na estudyante. Transferee nga lang ako last year eh.

Nang makapagbayad na ako ng tuition fee, nilapitan ko si Sine na nakaupo sa bench habang gumagamit ng phone. Binaba niya ito pati ang suot na headphones bago pinagkrus ang mga braso.

"So, you're done."

"Nagtatampo ka?"

Hindi ito sumagot at ayaw pa rin akong tingnan.

"Sine."

"May gusto ka bang puntahan ngayon or gawin? Maaga pa para umuwi."

"Nagtatampo ka 'no?"

Nang tumingin siya sa'kin, nakakunot ang noo nito.

"Why would I?"

"Naappreciate ko naman yung offer mo sa'kin kanina kaso magiging unfair ako kung magiging priority ako sa pila dahil lang sa kilala kita."

"Kilala?"

"I mean, boyfriend. Sine naman."

"Hindi ko rin minsan maintindihan ang mga tao. Kapag may way para mapadali ang ginagawa nila, tatanggihan. Pero kapag naagrabyado, nagcocomplain naman."

Never Been BoundWhere stories live. Discover now