MBD 23: A Mother's Misery

ابدأ من البداية
                                    

“Dyan ka naman magaling eh! Sa akala. Andaming namamatay sa maling akala! Dahil sayo andito si Summer, dahil sayo nawawala si Rain!”

“Beshy, kalma. Hindi nakakatulong ang pagsisisihan.” Nilapitan siya ni Art at pinakalma.

“Hinahanap na rin ng mga tauhan ko si Rain. Don't worry Hon, we will find him.” — Gio

Nagpanting ang tenga ni Jin ng marinig nya ang hon.

Walang hiya ba tong lalaking to? Harap harapan tatawagin niyang Hon si Pia?? Kung wala lang kami sa kalagayan na to, may aabutin to saken.

Nagagalaiti si Jin sa loob loob niya. Pero andami niya pang dapat isipin. Hindi dapat makaapekto ang pagseselos ngayon.

Umiiyak na ulit si Sofia. Malapit na rin mafrustrate si Jin dahil hindi na niya alam ang gagawin.

Mamaya magtumawag sa Cellphone ni Jin.

“Hello.”

“Daddy!!!!!”

Narinig ni Jin ang sigaw ni Rain sa kabilang linya.

“Rain?!”

Ni-loud speaker ni Jin ang telepono para marinig ng lahat.

“Sino to ha!?” tugon ni Jin.

“Nakalimutan mo na agad ako pre?”

“Tangina kung sino ka man! Magpakilala ka!”

“Ibalik mo ang anak ko!” sigaw ni Sofia

“Well, well, well. Mukhang naririnig ako ng lahat.”

“Hoy! Jojombagin kita pag nakita kita. Ibalik mo ang junakis namin!” sigaw ni Art.

“Ano bang kelangan mo ha?! Wag ko idamay ang bata!” —Jin

“Simple lang pre. Naalala mo ba yung Gang War na pinakialaman mo? Ito na, naniningil na ako.”

“Gago ka ba?! Anong gang war ang pinagsasasabi mo?!”

“Eh gago ka pala eh! Bilis mong makalimot! Pinusta mo ang kompanya mo tapos hindi ka tutupad sa usapan? Isuko mo ang kompanya mo sakin, ibabalik ko ang anak mo!”

*tooot*

Naputol na ang tawag.

Hinampas ni Sofia si Jin.

“Ano ba!” reklamo ni Jin. Inawat nina Gio si Sofia dahil nagwawala na ito.

“Wala akong alam sa pinagsasasabi niya!”

“Ikaw na naman! Ikaw ang dahilan bakit nakidnap si Rain! Sana hindi ka na pumasok sa buhay namin ulit. Kung alam ko lang.”

Nasaktan si Jin sa mga sinabi ni Sofia. Napaluhod si Pia at umiiyak.

Kino-comfort siya ni Alina at Art ngayon.

“Jin, sorry feeling close ako pero baka may naaalala ka. Buhay ang pinag uusapan dito eh.” —Gio

Sinubukan ni Jin na maalala ang sinasabi ng lalaking iyon.

“Marcus.” ani ni Jin.

“Sinong Marcus?”

“Siya lang ang kilala kong taong may galit sakin at posibleng nasa isang gang.”

Taena. Ang tanda tanda ko na, gang pa rin?! Ano ako teenager?! Naghahanap ng basag ulo? Tangina naman oh.

Nasa isip ni jin.

Tinawagan niya si Mark dahil siya ang pinakabasagulero sakanilang apat. Baka may alam ito.

My Babies Daddy (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن