Chapter 44

412 23 18
                                    

"Ayoko."

Damn it. Ang sakit.

Isang salita mula sakanya.

Nagpahina ng buong sistema ko.

Isang salita na napakalalim ng kahulugan.

Nagpawala ng pag asa ko para sakanya.

Hindi ko na napigilan na manghina ang tuhod ko at mapaupo sa sahig.

Kasabay ng pagkaupo ko ang sunod sunod na luhang dumadausdos pababa ng mukha ko.

Napuno rin ng bulungan ang lugar.

Hindi rin siguro nila inaasahan na ganto ang sasabihin ni Ren.

"Para saan ang lahat ng to kung ayaw mo? Ren naman."

Wala akong natanggap na sagot sakanya kaya mas lalo kong gustong malaman kung oara saan ang mga to.

"Ren! Para saan ang lahat ng to?!" Hindi ko na napigilan ang pag taas ng boses ko kaya tumahimik ang paligid.

"Para magpaalam." Malamig na tugon niya.

Mas lalo akong humagulgol sa sinabi niya.

Ang malamig na boses niya ay nagbigay ng kalamigan sa buong sistema ko.

"B-bakit?" 

Wala nanaman akong natanggap sakanya.

"Wala naman palang koneksyon ang kanta mo sa mga gagawin mo."

Napatawa ako ng mahina na puno ng kalungkutan.

Para akong tanga.

Sinayang lahat ng meron kami.

Nangyari na to dati. Pero ang dati ay puno ng kasiyahan ang katawan ko ngayon ay puno ng kalungkutan.

Tumingin ako diretso sa mga mata niya.

Mga mata niyang hindi ko malaman kung ako ang nararamdaman.

Kung titignan mo ay walang emosyon ang mga mata niya pero kung tititigan mo ay may bahid ng kagalakan at kasabikan ang kaniyang mga mata.

Mas naguluhan ako.

"Tell me. Ano ang balak mo." Diretsong sabi ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.

Nakita ko ang gulat sa ekspresyon niya.

"Anong balak mo?" Pag ulit ko.

Ngunit hindi nanaman siya sumagot.

"Ioren Zard Lefevre. Anong balak mo?" May diin kong sabi sa bawat salita.

"Kilala mo talaga ako no?" Sabi niya na may palakaibigang tono na akala mo ay walang nangyari minuto lang ang nakaraan.

Wala akong sinabi at tinignan lang siya sa mata.

Umupo siya sa harapan ko para makapantay ako.

"Lea ko." Biglang tumalon ang puso ko ng sabihin niya yun.

"Nakakainis ka naman. Hindi mo man lang naalala." Sabi niya at may pag iling pa.


"Lea ko, bakit hindi mo tinandaan?" Naguguluhan ako sakanya.

"Okay. Mukhang hindi mo talaga tanda." Tumayo siya at inilalayan rin ako patayo at paupo sa inuupuan ko kaninang upuan.

May pinakiya siya saaking Velvet box.

Biglang kumabog ang dibdib ko na sobrang bilis.

"Tanda mo ito?" Umiling naman ako.

Unforgotten LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz