Chapter 30

351 29 2
                                    

"Hindi talaga ako makapaniwala na nakaka alala ka na tablea! Jusko dapat pala matagal ko nang binagok ulo mo! Edi mas mabilis!" Sabi ni Six na ngiting ngiti.

"Oo nga! Tas alam mo ba naguluhan pa kami ni Kambal dahil pagkauwi naman di mo kami maalala! Ang inaasahan ko pa naman sabay tayong titili kase magkikita na ulit tayo!" Sabi ni Phoenella at ngumuso.

"Ewan ko sainyo!"


"Wait? Hello!! Tao rin ako! Di ako maka relate! Nakikinig lang ako sainyo and all this time may amnesia pala itong si Quinn? Kaya pala minsan usap usap na bat daw nasa LU pa rin sya e dapat graduate na sya. Ano yun? Kung di pa makakaalala si Quinn di ko malalaman? Why is life so unfair!"

Natawa naman kami dahil sa pag t tantrums ni Ennik.


Oo nga pala wala siyang ka alam alam.

Biglang nagbukas ang pinto at pumasok ang isang doctor at dalawang nurse.

"Ms. Venzon, you're awake already?"

Tumango ako sa pagtanong ng doctor.

"Since when?"

"Since yesterday, doc." Walang ganang sagot ko.

Masama bang gumising?!

"Since yesterday yet you and your friends didn't call a nurse or me to check on you? Ano kayong mga nurse? Bat di niyo sinabi saakin?"


"Pagka dating po namin dito ay tulog po siya kaya akala namin ay hindi pa siya nagigising. Sorry doc." Sabi nung babae na nurse at yumuko.

Napatungo ako.

Nakalimutan ko na. Masyado ring na excite yung mga bakla dahil nakakaalala na ako.

"Pasensya na doc. Hindi na namin naalala dahil sa pagkasabik."

Tumango na lang ang doctor at may kung ano lang siyang kinakikot at tinignan saakin at tumayo ulit ng maayos.

"Ms. Venzon. You still need to stay here for two to three days for us to examine on you."

Tumango kaming apat babae at lumabas na si doc.


Pagka labas na pagka labas ni doc ay may pumasok naman na isang babae.

"Quinny." By just hearing her calling me Quinny makes me emotional. Argh!

Ayeddy hugged me tight.

"Galit pa rin ako sayo!" Sabi ko sakanya.


"Bati na tayo! Alam mo ba na kahit napaka bitch mo na mi miss kita?!" Sigaw niya mismo sa tenga ko kaya marahan ko siyang itinulak.

"Tas ngayon sasabihan mo akong bitch?!"


"Sorry na Quinny! Tsaka ano ka ba! Good girl na ko. Loyal ako kay fiancé ko." Sabi niya at bumungisngis.

"Fiancé mo na kinababaliwan, hinahabol, iniiyakan mo dati? Great! Na reach mo na ang dream mo!" I said with sarcasm on my voice.

"Nakikipag bati na nga ako oh tas aawayin mo pa rin ako? Quinny! Past is past! Nagbago na ko! Hindi na ko iiyak sa lalake! I promise!"

"Okay. Wala naman akong magagawa kase you're a brat! Ayeddy!" I opened my arms and she hugged me again.

Jusko ang sakit kaya ng mga sugat ko!

It's been like eleven days pero masakit pa rin sila.

"Wow! OP kami dito oh! OP!"

Unforgotten LoveWhere stories live. Discover now