Chapter 41

309 26 8
                                    


D-4

Nagising ako dahil sa sunod sunod na tunog ng cellphone ko.

Tinignan ko muna ang oras at nakitang 6:34 pa lang ng umaga.

Mamayang 8 pa pasok ko. Friday naman kaya papasok pa rin ako.

Tinignan ko ang sunod sunod na notifications at lahat yun ay puro 'Happy Birthday'

Oo nga pala.

Birthday ko ngayon.

Pero sa lahat ng bumati saakin ay wala ang Fílos. Kahit si Ren ay wala.

Puro mga hindi ko kakilala.

Napagisipan kong maligo na at mag ayos para maagang makapasok.

Pagkatapos ko mag ayos ay wala pa rin si Six at Kuya sa mga kwarto nila.

Pagbaba ko ay wala ring tao.

Kumuha na lang ako ng slice ng loaf bread at nilagyan ng hazelnut spread.

Ayun na lang ang kakainin ko.

Agad akong sumakay kay Mac at pinaandar iyon papuntang LU.

Pagkarating ko sa school ay hindi ko inaasahan ang mga tao na bumati saakin.

Kaliwa't kanan 'Happy Birthday Ms. Venzon'

Di ko naman alam na sikat pala ako sa school hehe.

Nakasalubong ko si Naila na napakalaki ang ngiti.

"Hoy Quinn! Di mo naman sinabi na birthday mo pala! Happy Birthday naks! Dalaga na siya! Ilan taon ka na ba?"

"Salamat! 20 na ko."

"Ay talaga?! Ako 18 wala lang share ko lang para alam mo tas di ka na magtanong para du sayang laway!"

Pag kasama ko talaga siya lagi ako tawa ng tawa. Ang saya niya kasama! Ang dali niya pakisamahan.

Nang malapit na kami sa room ng first period ko ay nakasalubong namin si Marcus.

"Hey Quinn! Happy Birthday!" Maligayang bati niya saakin at inabutan ako ng kahon.

"Salamat Marcus!" Nakangiting tugon ko sakanya.

Tumingin ako kay Naila na nakangiti. "Ay saka nga lala Marcus. Si Naila. Bagong kaibigan ko. Naila si Marcus. Kaibigan ko rin."

"Nice to meet you!" Maligaya nilang saad sa isa't isa.

Buti pa sila naandiyan pero Fílos wala.

Nakakatampo na.

"Bat wala Yung Fílos?" Tanong bigla ni Marcus.

"Kinain na ng lupa! Bwiset sila!"


Tahimik akong naglalakad papuntang library para kumuha ng libro na kinakailangan ko.

Nang makapasok ako ng library ay biglang naging tahimik ang paligid. Puro pag lipat lang ng pahina ng libro lang ang naririnig ko.

Pumunta ako sa section ng Hisorical Books at doon hinanap ang kinakailangan ko.

Nakita ko ang libro ngunit hindi ko iyon abot.

Maghahanap na sana ako ng tutulong saakin ng may naramdaman akong tao sa likod ko at nakita ang braso niyang inabot ang librong kinakailangan ko.

"Oh."








"Salamat, Marcus."

"Basta ikaw." Mahinang sabi niya at kinindatan ako. "Tara doon tayo sa pwesto ko. Kasama ko si Naila tapos girlfriend ko."

Na excite naman ako bigla dahil gusto ko nang makita ang girlfriend niya.

Nakita kong kumaway si Naila kaya naman lumapit agad kami ni Marcus doon.

Nakita ko ang babaeng kasama ni Naila at nakitang napakaganda niya.

"Hi, I'm Quinn." Mahinang pagpapakilala ko.

"I'm Nayeon." Nakangiti niya ring pagpapakilala.

Tumahimik na rin kami dahil kelangan namin basahin ang mga librong kinuha namin.


Uwian na at nadatnan ko si Marcus at Naila sa tapat ng room namin.

"Oh? Nasaan si Nayeon?" Tanong ko kay Marcus.

"Nauna na. Sinundo siya ng Papa niya. May pupuntahan pa raw kasi sila.

"Wala kayong date? Naks!"

"Oo nga eh. Sayang."

Tumango na lang ako.

"Tara, sabay sabay na tayo papuntang Parking." Aya ni Naila.

"Ah sige una na kayo! Mag c cr lang ako saglit. Susunod rin ako." Saad ko at tumango na lamang sila.

Agad akong nagpunta sa cr para mag hugas ng kamay.

Naisip ko bigla ang Fílos.

Nanghinana ako bigla.

Hindi ko inaakala na sa mismong araw ko ay wala sila.

Grabe talaga. Kahit si Ren wala. Si Kuya wala. Si Ella ay Phoenella wala. Si Phoenix, Van at Ryker wala.

Sobrang nagtatampo ako sakanila.

Naiiyak na ko sa sobrang frustration.

Habang naghuhugas ay naramdaman ko nanaman na may nakatingin saakin.

Binilisan ko ang paghuhugas. Natatakot na ko. Halos isang linggo ko na nararamdaman yun.

Agad akong lumabas at mabilis na naglakad papuntang parking.

Natatanaw ko si Marcus at Naila na malapit sa Kotse ko.

Nakangiti akong kumaway sakanila.

Ngunit nagulat ako nang biglang may humampas kay Marcus sa likod at may nagtakip sa mukha ni Naila.

Mabilis akong tumakbo papunta sa direksiyon nila pero nagulat ako nang may humila saakin at nay itinakip sa mukha ko na kung ako at bigla na lang ako nawalan ng malay.


Fílos nasaan kayo?!

Ioren Zard Lefevre! Nasaan ka?!

Akala ko pa naman makikita kita ngayong araw na to.

Akala ko mahalaga sayo ang Birthday ko.

__________
A/N: naisipan kong wag na lang ituloy yung epistolary. Hoho.

Unforgotten LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang