Chapter 24

350 30 13
                                    

Gusto ko syang bugbugin ngayon mismo sa harapan ko.

Bakit ba ko nasasaktan?


Ah kase umasa ako sa mga pinagsasabi at pinag gagawa nya saakin?!

Tsaka akala ko ba wala kaming formal break up? Eh bakit may girlfriend na sya ngayon?

Nasan ba utak neto? Nasa talampakan.


"Alam mo? Ang gago mo." Ngumiti ako sakanya at tinalikuran sya.


Totoo naman sinabi ko!

Damn! Minsan lang ako mag mura! Pag galit lang ako!


Galit ako ngayon!

Galit ako sa sarili ko!

Bobo ko kase!

Nagpaniwala ako sakanya!

Dapat pala kinilala ko muna sya.

Dapat pala di ako nagpapaniwala sa mga peste kong panaginip.

Dapat pala hindi ko na lang sya kinausap!


Dapat hinayaan ko na lang sarili ko na i figure out ang mga panaginip ko para di na ko nalapit sakanya.

Ang sakit kase!

Akala ko pa naman mahal nya pa rin ako.

Kase sa panaginip ko kitang kita ko sa mga mata nya na mahal nya ko.


Kahit ngayon.


Pero sa tingin ko yung nakikita ko sa mata nya ay hindi totoo.



Akala ko lang pala yun.




Kase nung unang beses na makita ko sya. Nung makabangga ko sya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nagwala ang mga paruparo sa tyan ko.


Kase sa tingin ko nasa puso ko pa nga rin yung pagmamahal ko sakanya.



Umakyat ako at kumatok sa kwarto ni Six.



Binuksan nya ang pinto. "Bakit?"

Niyakap ko sya. Pinipigilan kong umiyak.


Feeling ko napaka babaw ko kase.



Ano ba nagka girlfriend lang naman yung lalakeng gusto ko.


Yung lalakeng gusto ko na umaastang parang boyfriend ko kaya umasa ako.


Tas may girlfriend pala sya. Di nya man lang ako ininform para di ako nasaktan.


"Uy, bakit."


Niyakap ko sya ng mas mahigpit.



Nang sa tingin ko ay ayos na ko humiwalay na ko sakanya. "Thank you."


Maglalakad na sana ako papunta ng kwarto ko ng pigilan nya ko. "Spill."

Humiga ako sa kama nya. "Ang tanga ko kase. Umasa ako sakanya. May sabit naman pala." Tumawa ako ng mahina.

"Akala ko lahat ng pinapakita nya totoo. Akala ko mahal nya talaga ako. Pero may girlfriend sya. Di nya pa sinabi saakin. Kung sinabi nya edi sana di ako umasa at nasaktan ngayon. Whooo!"

"Bakit ang sakit? Hindi ba parang ang babaw ko naman kung masasaktan ako dahil lang na may girlfriend sya? Anong masama dun. Eh iba naman pala ang gusto nya."

Unforgotten LoveWhere stories live. Discover now