Chapter 28

327 28 13
                                    

Ioren Zard's POV

Siyam na araw  na simula nang ma aksidente si Lea.


Hindi pa rin siya nagigising.


She's not in coma.

Nabugbog daw kase ang katawan niya kaya matagal siyang magising dagdag pa yung shock sa kanya.


Siyam na araw na kong nakabantay sakanya.


Padalaw dalaw dito yung Fílos ang kapalitan ko ay ang kambal at si Six.

Ngayon ay ako ng nakabantay sakanya.

Hawak hawak ko ang kamay niya. Oras oras ko siyang kinakausap.


"Lea, hindi ka pa rin ba gigising? Gumising ka na please. Miss na miss na kita. Gusto kitang yakapin. Gusto ko marinig boses mo. Gusto ko na makita ngiti mo. Lea. Gising ka na."

Alam kong mukha akong timang dito kinakausap siya hindi naman sumasagot.

Nakikipag usap ako sa tulog.

Kasalanan ko toh eh.

Kung sana naglakas loob akong kausapin siya hindi yung pinadaan ko pa kay Six edi sana wala siya dyaan sa hinihigaan niya.


Sana katabi ko siya.


Sana naririnig ko boses niya.


Sana nakikita ko ngiti niya.



Puro nakasimangot tsaka poker face na Lea na lang kasi nakikita ko.


I hate seeing you like that Lea.


"Ang dami mong benda. Ang daming mga wire na naka kabit sa katawan mo. Your wounds are still visible."

"Pwede bang ako na lang ang nasa pwesto mo pata hindi ka na nahihirapan?"


"Buti na lang talaga naandon ako nang ma aksidente ka."

"Sabi kase ng doktor kung hindi kita agad nadala ng hospital baka daw hindi ka na makaabot ng buhay dahil sa blood loss."


"Alam mo bang pinag madali ko ang Fílos na papuntahin dito para malaman kung sino ang may blood type na B-? AB kase ako eh. Bawal daw. Nakalimutan ko na kapatid mo nga pala si Terrence. Kaya si Terrence ang nagbigay sayo ng dugo. Parehas kayo blood type. Siya ang pinaka compatible sayo."

"Sabi ng doktor dapat daw talaga parents kaso wala na ng parents kaya si Terrence na lang kesa wala."

"Pag gising mo, ituturing kita na reyna ko. Lahat ng gusto mo susundin ko. Bawi ko na sayo yun tsaka kay Tito at Tita."

"Alam mo bang muntikan na kong patayin ng kuya mo nang malaman niya na Girlfriend ko si Phoebe?"

Napatawa ako ng mahina nang maalala ko yun.

"Wala daw akong puso. Ang sama ko daw na tao. Sinaktan daw kita. Sinuway ko daw yung pangako ko sa magulang niyo."


"Tas nang tawagan ko sila para papuntahin dito, nang makita niya ako ay agad niya akong kwinelyuhan at sinapak sa panga."


"Galit na galit siya sakin dahil ako nanaman ang dahilan kung bakit ka na aksidente."


"Kung hindi ko kayo pinapunta ng magulang mo sa bahay ni Lolo edi sana hindi kayo na aksidente."


"Pwede naman kase ako mag propose sayo sa bahay nyo, sa school. Onkaya sa malapit lang pero memorable na lugar saatin."

"Diba sabi ko sayo na pagka graduate ko mag p propose ako sayo? Ayun na sana yun kaso na aksidente ka. Pag naka graduate ka sana ikakasal na tayo."


"Kasi ayun ang sabi mo sakin."


"Sana nung isang taon pa lang asawa na kita."


"Nang dahil sakin hindi ka naka graduate last year."


"Umulit ka ng 4th year college dahil sakin."

Nag unahan na ang mga luha ko nang maalala ko iyong mga pangyayari na yun.

"Nang dahil sakin nawala rin si Leo."


"Si Leo na kaagaw ko sayo. Pero pinaubaya ka niya sakin dahil ni rerespeto niya ang gusto mo."

"Nagkataon na magkasunod kayo ni Leo papunta sa bahay ni Lolo kaya nang makita niya na na aksidente kayo ay tinulungan niya kayo."


"Nadala pa kayong lahat sa ospital."


"Dead on arrival si Leo."


"Si Tito at Tita ay buhay nang madala sa ospital ngunit hindi nagtagal ay binawian rin sila ng buhay."


"Lea, I'm sorry. I'm so sorry. Sorry sa lahat ng kasalanan ko. Sa lahat ng tinatago ko sayo. Sa lahat ng sekreto ko sayo."

________
A/N: suspended klase ^^

Unforgotten LoveDär berättelser lever. Upptäck nu