Chapter 21

376 30 15
                                    


Nakatambay kami ngayon sa Garden ng school nila Phoenix, Donovan, Ryker, at Phoenella.

"Matatapos na highschool life natin! Two weeks na lang graduation na!" Maligayang tugon ni Phoenix saakin.

"Oo nga! College life here we come!" -Ryker.

Kaming lima lang ang nasa fourth year.

Yung iba naming tropa college na yung iba third year.


"Ang bilis ng panahon. Parang nung kelan lang uhugin pa si Ryker." Biglang banat naman ni Phoenella.

Natawa naman kami dahil sa biglaang banat nya.

"Gwapo naman." -Ryker

"Tapos ni Phoenix kumakain ng lupa! Kadiri bro!" Gatong naman ni Van.


"Hiyang hiya naman kami sayo na naglalaro ng barbie. May pa tea party ka pa nga. Ang pangarap mo nga dati maging barbie diba? HAHAHAH."

Donovan gave me a mamaya-ka-talaga-sakin look.


As if naman na matatakot ako!

Duhh! Di daw kaya nang aaway si barbie kaya di rin sya makikipag away.


"Kain tayo sa labas." Aya ko.

Napatingin sila sakin na para bang nagtatanong kung bakit.

"Advance celebration." Napatango naman sila at sumang ayon.

-

Naglalakad lakad kami sa kung saan saan para maghanap ng makainan.

Napatigil kami sa tapat ng plaza kung saan maraming mga food stall lalo na't mag gagabi na ngayon.

Kaming dalawang babae ay naupo na sa bakanteng lamesa na may pang limahang upuan. Tumingin ako sa taas at ang ganda na ng langit. Nag aagaw na ang kulay kahel at lila sa kalangitan. Unti-unti na ring nagpapakita ang maliliit at makikinang na bituin.

Nakakadagdag ganda ang mga ilaw na maliliit na naandito ngayon sa plaza.


Dumating ang mga lalake na ang daming dala na pagkain. May ihaw, may mga tusok tusok (fishball, squidball etc.) , may Japanese food din, may chicken wings, at syempre di mawawala ang french fries at ice cream.


Masaya kaming lima. Kumakain na magkakasama at nagkakasiyahan.

"Quinn." May narinig akong tumawag sa pangalan ko at tinapik ang mukha ko.

Iminulat ko ang isang mata ko at bumungad sakin ang mukha ni Phoenix.

Umupo naman ako sa kama ko at laking gulat ko nang naandito silang lahat sa kwarto ko.

"Anong meron?"

"Papaalam lang kami." Trey said and flashed his oh so makalaglag panty smile.

Naalala ko na ngayon na nga pala sila uuwi sakanila para i celebrate ang new year.

Bat ganun? Parang nalungkot ako.


Parang ayaw ko sila umalis at dito na lang tumira. Magkakasama kaming lahat.


"Ah ganun ba?"yun lang ang naisagot ko.


"Hey cheer up! Parang di naman tayo magkikita kita." Nahala siguro ni Ry yung expression ng mukha ko.

Wala akong pake kung muka akong mumu sa tapat nila.


Sanay na ko.


Tumayo ako at pumunta sa banyo pala mag sipilyo at mag hilamos. Pagkalabas ko wala na sila sa kwarto ko kaya naman bumaba na ako.


Naandun silang lahat sa sala. Inilibot ko ang mata ko.



Bat parang may kulang?


"May inaantay pa kayo?" Tanong ko at napatingin naman silang lahat saakin.

"Ah oo, yung sasakyan namin. Pupunta daw dito si Papa para sunduin kami." Nakangiting tugon ni Van. Bat ang cute nya? Bat mukha syang aso?

Tumango tango naman ako.


May narinig kaming busina sa labas kaya naman sumilip si Van.

"Si Papa, andyan na." Pagkasabi nya nun ay tumayo na sila at isa isang lumabas.



Pumunta ako sa pintuan para tignan silang umalis.


Pumasok na sila sa Family Van nila Van.


Isinara na nila ang pinto ngunit wala pang limang segundo ay nagbukas ulit ito.


"Bye bye!!" Sabay sabay nila g paalam saakin at kumaway na lang ako sakanila.

Isinara na ulit nila ang pinto ng van at tuluyan nang umalis.

Naglakad ako papuntang kusina at naalala ko nga na parang may kulang sakanila.

Alam ko na kung sino.





















Si Ren.

Someone's POV

"Ano ba saan ka ba galing? Halos dalawang linggo kang di nagparamdam saakin! Girlfriend mo ko! Dapat iniinform mo ko sa mga ginagawa mo!" Nang gagalaiting sigaw sakin ng girlfriend ko.


Hays.


Pag nalaman nya kung saan ako galing mas lalo syanh magagalit.


Pag nalaman nyang siya ang kasama ko. Baka guluhin nya ang buhay nito.


Ayokong mangyari yun.




Mahal ko sila pareho.




Ayokong mawala silang dalawa saakin.

"Nag out of town kami ng pamilya ko para icelebrate ang pasko kaya naman kami natagalan ay sayang naman kung isang araw lang kami doon kaya sinulit na namin."

Pagsisinungaling ko.



Mukha naman syang naniwala kaya kumalma na ako.


Pumulupot sya saakin. "Next time kasi sasabihan mo ko para di ako nagagalit sayo. Sorry din kase masyado akong nag oover react. I love you."

"I love you too."

_____
A/N: short update!!!

Unforgotten LoveWhere stories live. Discover now