Chapter 40

333 21 2
                                    


D-5

So okay. Legit na to. Today is Thursday and Tomorrow is Friday. Valentine's Day and Valentines day is my birthday.

Onting tiis na lang Ren. Mayayakap na ulit kita. Mahahalikan na ulit kita. Makakausap na ulit kita at higit sa lahat syempre makakasama namaman kita.

Mag isa lang ako ngayon.

Hindi kasi dumalaw ang Fílos tas pagkagising ko wala na si Six. Wala din si Kuya.

Tas sila Trey din wala.

Nakakainis.

Tahimik akong nag rereview dito sa school garden habang nakahiga sa puno. Wala lang trip ko lang mag review.

Wala kasing magawa.

Kainis.

Binitawan ko ang libro ko at nahiga sa damuhan.

Napatingin ako sa isang sanga ng puno at nagulat ako nang may paa roon.

Tumayo ako at nagpagpag.

Sinubukan kong umakyat sa puno ngunit sa unang beses na sinubukan ko ay nalaglag ako.

Sinubukan ko ulit pero nalaglag nanaman ako.

Sa pangatlong subok ko ay nakaakyat na ko ngunit nadulas ang paa ko kaya napahawak sa paa nang nasa taas at nalaglag kami parehas.

"Aray!" Sabay na daing namin.

"Ano ba naman yan?! Ano bang trip mo at nang iistorbo ka ng tulog? Ha? Napaka walang modo mo naman! Gra- teka. Quinn?!"

Napatingin ako sakanya nang sambitin niya ang pangalan ko.

"Oy! Naila. Hehe." Napakamot ako bigla sa batok ko.

"Jusko! Anong ginagawa mo? Nasaktan ka pa tuloy!!" Nagaalalang sabi niya at tinulungan akong tumayo.

"Hindi! Ayos lang ako. Eh sayo? May masakit ba sayo?"

"Wala naman. Ano ba kase ang ginagawa mo?"

"Eh kase!" Napaisip ako. "H-hindi ko rin alam eh. Hehe. Basta nakita ko paa mo kaya naisipan ko ding umakyat."

Napasapo siya sa noo niya.

"Anong oras sunod mong period?"

"Mamaya lang alas tres. Bakit?"

"Tara. Food park tayo. Di natuloy pag libre ko sainyo ni Ennik eh. Nasan ba si Ennik?"

"Hindi ko nga alam eh. Kahit yung iba wala."

Napatango naman siya at nagsimula na kaming maglakad.

Habang naglalakad kami ay napatigil ako nang may maramdaman kong naka tingin saakin.

Nagpa linga linga ako pero wala akong nakita.

"Bakit?" Baling saakin ni Naila na may nagaalalang mata.

"W-wala. Tara na."

Nagpatuloy na kami ni Naila papuntang food park.


"Gusto ko talaga makilala mga kaibigan mo! Pakiramdam ko na ang saya nila kasama!" Masayang sabi niya nang mag kuwento ako tungkol sa Fílos at kala Phoenella.

Kami ang magkasama buong araw. Masaya talaga siyang kasama. Di siya nauubusan nang pag k kwentuhan.


Nang umuwi ako ay wala pa ring tao kaya dumiretso na lang ako sa kwarto ko tutal ay busog pa rin naman ako.

Nahiga na ko sa kama ko at nag isip lang nang kung anu-ano.

Papikit na sana ako ngunit naramdaman kong may nakatingin nanaman saakin.

Nangilabot ako bigla kaya naman ay nagtalukbong ako at pinilit na matulog.

__________

A/N: Very Short update !

Sa mga nag babasa ng Epistolary ay may ginagawa akong story na ganun at siguro ay next week ko i p publish.

Unforgotten LoveWhere stories live. Discover now