Chapter 23: Expect the UnExpected

Start from the beginning
                                    

"Puwes! Sino mahina ngayon?" Pagsabi niya non ay bigla niyang binagsak ang muka ko sa lupa ng napakalakas.

"Ah!!" napasigaw ako ng hindi inaasahan.

Tinaas niya muli ang ulo ko at may bilang may mga umiikot na rain drops sa akin.

Bigla silang tumigil at naging mga matutulis na bagay. Napatingin ako kay Narchi at pinitik niya ang mga kamay niya. Sa isang iglap lahat ng mga matutulis na bagay kanina ay umatake sa akin.

Pero bigla akong pinalibutan ng apoy at pagwala ng apoy may naramdaman akong may nakayakap sa akin. Pagtingin ko yung lalaking nakita ko nung..

(Flashback)

Papunta akong canteen at padaan ako ng gate ngayon ng may nakita akong babae at lalaki na sa tingin ko kasing edad ko lang sila. Tsyaka guwapo yung lalaki at maganda yung babae.

Hindi sila nakauniform?? Sigurado akong hindi sila estudyante dito pero bat ganon hindi sila pinagalitan nung guard?

Nagsususpetsya ako dun sa dalawang yun ah!! San kaya sila pupunta??

Sinundan ko sila. Pero yung hindi halata kase biglang may mga estudyante na dumating at nakisabay ako ng lakad nila. Nasa likod ako para mabilis akong makaalis sa grupo na yun.

Tumigil sila sa Head's Office. Ano kaya kailangan nila dun? Pumasok sila dun sa office. Gusto ko pa din sila sundan kaya ayun tila ako ninja na pumunta sa bintana upang marinig yung mga tao sa loob. At kung anong gagawin o paguusapan nila doon.

Nilower ko din yung init ng katawan ko para hindi nila malaman na may tao sa binata. Ayokong makabisto kaagad nila ako ng wala akong nalalaman o naririnig man lang.

"Ang aga mo naman umuwi! Akala ko sa susunod na linggo ka pa uuwi? Sana naman sinabi mo sakin nasundo sana kita. Kayo pala." Boses yung ng Head ahh.. Kilala niya siguro yung dalawang yun. Bat parang tuwang tuwa yung head?

"Ah opo nga po eh! Excited na po kase kayo makita ni Mizu kaya napaaga po kami." Boses naman ng lalaki yung naririnig ko. Sino naman yung Mizu? Yung babae kaya na kasama niya kanina pumasok?

Biglang nagvibrate yung cellphone ko buti nalang at nakavibrate at kung hindi patay ako niyan malalaman nilang nakikinig ako sa kanila.

----------------------------------
From: Shai *-*
Subject: Break Time

Kate?! Nasan ka na? Bilisan mong bumili at baka maunahan ka pa ni Sir! Alam mo namang laging maaga yun pumunta sa classroom! 😫😫😫

ps: Yung cheese bites ko ahh baka makalimutan mo!🤗🤗

------------------------------------

Kahit kelan talaga! Kanina niya pa sinasabi sakin yun ahh!! Adik lang sa cheese bites?! Tinde talaga ng babaeng yun oh?! Akala mo naman may binigay na pera pangbili.

Pero buti nalang at nagtext si Shai kung hindi kanina pa ako dito at siguradong ia-absent ako ng teacher namin na mukang wala sa dictionary niya ang magabsent at malate dahil laging pumapasok kahit may sakit.

Kaso gusto ko pang makinig ehh!! Kaso kailangan din magaral! Sige na nga susundin ko na yung moto kong "Aral muna, chismis mamaya" kaya yun tumayo na ako at pinagpag ang palda ko.

Dahan dahan akong lumayo bago tuluyang tumakbo papuntang canteen.

Pagpasok ko ng canteen napansin kong ang konti nalang nga ng tao. AY~ OO nga naman matatapos na yung break kaya konti nalang yung tao at puro 4th year. Malapit lang kase yung building nila ehh yung building ng 3rd year sa likod pa ng building nila.

Element MaidenWhere stories live. Discover now