X: Tandem

1K 54 4
                                    

Naramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko kaya't dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko kaya't dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

Pagkatapos ay inilibot ko ang paningin ko sa silid kung nasaan ako ngayon. Mukhang hindi nga panaginip ang lahat. Nandito pa rin ako.

Nasa Section X dormitory ako at ito ay nasa bandang likuran ng greenhouse dome. Ang dorm room ko rito ay nasa second floor. At nag-iisang kuwarto rito sa kanan.

Sa kaliwang side kasi nito ay room nina Gunner at Klein. Tapos sa first floor ay kina Jerome, Xavier, at Ryker.

May malaki at malambot akong kama rito. Mas magara pa ang kama ko rito kaysa sa kama ko noon sa bahay namin. Gawa ito sa isang matibay na kahoy na pininturahan ng puti.

Mas malaki rin ang kuwarto ko rito. Siguro mga dalawang beses ang laki nito mula sa kuwarto ko noon. Panay puti at pink ang mga kulay na makikita mo rito.

Maaliwalas ang ambiance ng silid kaya't mahimbing talaga akong nakatulog. Pagbangon ko ay inayos ko ang kama ko. Nag-inat-inat pa ako nang kaunti.

"Good morning, myself!" masiglang bati ko sa aking sarili. Dapat lang naman siguro na simulan ko nang masigla at masaya ang araw ko, ano? Eto kaya ang first day ko sa Underworld University High School.

May sarili akong banyo rito sa kuwarto ko. May mala-jacuzzi akong bathtub. Malawak at malinis din ang banyo ko rito na para bang gugustuhin mo na rin ditong matulog.

Lumusong na ako sa warm bathtub ko at masayang nilinis ang katawan ko. Hay, nakaka-relax naman!

Matapos ang kalahating oras ng pagbababad, ibinalot ko na ang katawan ko ng aking bathrobe at lumabas ng banyo. Nagpunta naman ako sa aking walk-in closet at napangiti ako nang makita ang maganda at bago kong uniform.

Una kong sinuot ang button-down long sleeves polo ko na kulay white. Matapos kong ikabit ang mga butones nito, sinunod ko naman ay ang pleated skirt ko na kulay black. I-t-in-uck in ko ito sa aking palda.

Pagkatapos ay kinabit ko na sa dibdib ko ang pulang ribbon. Isinunod ko naman ang coat ko na kulay itim din. May tig-tatlong butones ito sa magkabilang balikat na kulay ginto at may nakaukit na rosas. Ganoon din ang mga butones nito sa katawan at dulo ng sleeves nito.

May bulsa rin ito sa kaliwang dibdib na may nakatahing patch na logo ng university. Gaya ito ng nakita ko sa flip cover ng ID case ni Jerome noon.

Nang tapos na akong magbihis at mag-ayos ay tiningnan ko ang kabuuan ko sa body mirror na suot ang bago kong uniform ay huminga ako nang malalim sabay ngiti.

Huli ay sinuot ko na ang itim na knee socks ko at black shoes bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Bumaba na ako ng hagdan at pagdating ko sa baba ay nasalubong ko si Jerome.

"G-Good mor—" bati ko sa kanya pero napahinto ako nang bigla niya 'kong iwasan na parang hangin lang.

Napasimangot tuloy ako habang nagpatuloy na maglakad papunta sa classroom ko.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon