IX: Underworld University High School

1.2K 58 3
                                    

Parang bumagal ang oras at tila may nagkakarera sa loob ng dibdib ko habang binubuksan ni Hilary ang pintuan upang papasukin ang 'nilalang' na sasama raw sa akin sa campus tour

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Parang bumagal ang oras at tila may nagkakarera sa loob ng dibdib ko habang binubuksan ni Hilary ang pintuan upang papasukin ang 'nilalang' na sasama raw sa akin sa campus tour.

Binabasa ko ang nanunuyo kong labi at pinagkikiskis ang mga palad ko habang nakatayo lang dito. Kinakabahan ako dahil panibagong nilalang na naman ang makakaharap ko. Ano naman kayang klaseng nilalang ang makikilala ko?

Mayamaya'y isang binata ang pumasok mula sa pinto. Gaya ni Mr. Smith, mukhang 'normal' naman ang hitsura ng isang 'to.

Matangkad din siya at may katamtamang pangangatawan. Maputi din ang kanyang balat, matangos ang ilong, at mayroon siyang tuwid at hanggang balikat na haba ng buhok na kulay blonde. Kulay berde naman ang mga mata niyang bilugan at mapungay. Tapos may suot siyang salamin na bilugan ang lente.

Naalala ko bigla sa kanya si Howl sa Howl's Moving Castle ng Ghibli Studio Films.

Napansin ko naman ang damit na suot niya. Itim na coat at slacks. Grey ang panloob na button-down long sleeves polo nito, pulang kurbata, at 'yong coat niya ay may nakaburdang patch na kamukha no'ng logo sa flip cover ng ID case ni Jerome na napulot ko noon.

Sa pagkakaalala ko, ganyan din ang suot ni Jerome. Pero imbes na itim na coat, hoodie jacket ang suot niya. Sa tingin ko, 'yan ang uniform nila.

"Ipinatawag niyo raw po ako, Mr. Smith?" magiliw na sambit no'ng lalaki. Maginoo ang dating ng isang 'to na binagayan ng maamo niyang mukha.

"Ah, yes. This is Ms. Aikaterina Cervantes, your new classmate," pagpapakilala sa'kin ni Mr. Smith.

Nanlaki naman ang mata ng binatang napatingin sa'kin na para bang hindi siya makapaniwala.

"Talaga? Matapos ng napakatagal na panahon nagkaroon din kami ng bagong kaklase. At isa siyang babae," mangha niyang sambit na kinakunot ng noo ko.

"Aika, he's Gunner Silverbullet. Nasa Senior year na siya ngayon sa high school. Siya ang sasama sa'yo sa campus tour," sambit ni Mr. Smith.

Senior year. Kaya pala mukhang matanda lang siya sa'kin nang kaunti.

"Hello," bati ko.

"Hello! Nice to meet you, Aikaterina," bati naman niya sa'kin sabay lahad ng kanyang kamay. Kaya naman tinanggap ko ito at nakipagkamay sa kanya sabay ngiti.

----

Lumabas na ako ng silid kasama ang binatang nagngangalang Gunner Silverbullet. Pababa kami ng isang paikot na hagdan. May kadiliman dito pero ang mga medieval hall lanterns na nakasabit sa pader ang nagsisilbi naming liwanag. Sa tahimik ng paligid ay tanging mga yabag lang namin ang aming naririnig.

Nasa unahan ko si Gunner habang sinusundan ko lang siya. Pero mayamaya'y nagsalita na rin siya.

"Aikaterina."

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon