XCIII: Point of Changes

449 25 2
                                    

Sumama ako kina Ryker at Xavier kanina sa paghahatid kina Laura at Shienna sa Ground Miden Railway Station dahil uuwi na sila sa mga tahanan nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sumama ako kina Ryker at Xavier kanina sa paghahatid kina Laura at Shienna sa Ground Miden Railway Station dahil uuwi na sila sa mga tahanan nila.

Pagkabalik namin dito ay agad akong dumeretso rito sa dorm. Nakakulong ako ngayon sa kuwarto ko dahil lunch break pa naman. Nauna na ako rito dahil alam kong pabalik na sina Jerome sa dome.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang iniisip kung paano ko iiwasan si Jerome mamaya kapag kakain na kami ng tanghalian.

Kagabi kasi pagkatapos kong magtapat sa kanya, nilamon ako ng labis na kahihiyan. Hindi ko na nga siya nahintay na sumagot. Tumakbo ako kaagad paalis at iniwan ko si Jerome sa coliseum.

Hindi ko alam kung paano ko siya ngayon haharapin. Alam kong nagtataka na rin siya sa kinikilos ko ngayon dahil sinusubukan niyang mag-reach out sa'kin kagabi at kaninang umaga.

Pero hindi ko siya pinagbubuksan ng pinto at hindi ko rin siya pinapansin kapag nasa paligid ko siya. Kasama rin kami sa demolition team—ang naka-assign para maglinis at ligpitin lahat ng kalat sa nangyaring program. At ang buong university naman ay back to regular classes na ngayon.

Nagi-guilty ako pero hindi pa talaga ako handa na harapin si Jerome. Hindi ko alam. Natatakot ako na naguguluhan. Para bang naghahati sa akin ngayon na nagsisisi ako na nagtapat ako sa kanya no'ng gabing 'yon, pero sa kabilang banda ay ayos lang para malaman na niya.

Bumuntonghininga ako habang nakatitig sa kisame.

"Bahala na."

Pagkatapos ay bumangon na ako mula sa kama at tumayo. Nang makarating ako sa pinto ay binuksan ko ito at halos lumuwa ang mga mata ko nang bumungad sa'kin si Jerome.

"Aika."

Biglang umakyat ang kaba sa dibdib ko at nanginig ang mga binti ko. Pilit ko ring iniiwasan na tingnan siya.

"Kakain na tayo."

Tumango lang ako bilang tugon. Pagkatapos ay agad akong naglakad lampas sa kanya.

"Aika, sandali."

Agad naman akong napahinto nang sabihin niya 'yon. Hindi ko pa rin siya nililingon dahil binabalot pa rin ng kaba ang dibdib ko ngayon, at ramdam ko rin na lumapit siya sa'kin.

"Bakit mo ba ako iniiwasan?"

Napaikom ang mga kamay ko nang madama ko ang lungkot sa kanyang tinig.

"Iniiwasan mo 'ko ngayon matapos mong sabihin sa'kin kagabi na mahal mo 'ko?"

Nandilat ang mga mata ko sabay singhap. Bigla akong natauhan dahil sa sinabi niyang 'yon.

"Naguguluhan ako," aniya pa.

Bumuntonghininga ako nang malalim at dahan-dahang umikot para humarap sa kanya. Sumalubong kaagad sa'kin ang kanyang rubi na mga mata na tila nangungusap. Nailang naman ako kaya't umiwas agad ako ng tingin.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon